CHAPTER 20: Am I dreaming?

5.3K 103 4
                                    

Chapter 20

SERAPHINA POV.

"Get her out of here" poker face na sabi ni Vile sa mga guards niya na mabilis din namang sumunod sa sinabi niya at hinila na si Jewel palabas na hindi makapaniwala sa narinig.

Parang ang pamumutla nito ay nawala dahil hindi naman pala talaga siya pàpátáyin, nakahinga rin ako ng maluwag dahil kahit ganun ay stepdaughter pa rin siya ni Daddy.

Kahit ilang araw ng nangyari iyon sa anak ko ay pilit kong kinalimutan pero kapag naalala ko iyon ay matindi talaga ang galit ko sa ama ko. Sa kabila ng ginawa nito ay hindi man lang ito nag-abalang mag sorry o kaya hanapin kong okay lang ba ang anak ko. Wala naba talagang puso ang ama ko? Nagbago na ngang talaga ito.

"N-No! Vile it's very important kahit ngayon lang," pagmamaka-awa ni Jewel na ikinatigil ni Vile sa paglalakad patutungo sa gawi namin.

Napalunok ako at napalingon kay Kael na nakatingin na pala sa akin. Pero ganun na lang gulat ko nang kinuha nito ang kamay ko at hinila ako sa kung saa.

"K-Kael" bulong ko habang nakatingin na sa kamay niya na hawak na ang kamay ko.

Pero hindi ito sumagot. Napalingon pa ako sa gawi nila Vile na nakatalikod na sa akin ngayon habang naglalakad ng opposite side kasunod si Jewel na ikinabigat ng puso ko.

Nagseselos ba ako?

"Thank you Vile!" Masayang wika ni Jewel na parang hindi man lang pinagtangkaan na patayín ang buhay nito.

Naramdaman ko naman ang mahigpit na kapit ng kamay ni Kael sa kamay ko habang naglalakad pa rin kami.

Tumigil ito na ikinatigil ko, nakarating na kami sa labas, at nasa isang garden kami. Binitawan nito ang kamay ko pero nakatalikod pa rin ito sa akin.

"What is your relationship with my brother Seraphina?" he ask at lumingon na sa akin.

Ang daling sabihin na, ama lang si Vile ng anak namin. Pero hindi lumalabas sa bibig ko. Natatakot ako dahil baka pag nalaman nito ay malaman na ng buong angkan ni Vile.

"Seraphina"

Napa-igtad ako at napatingin sa mga mata nito na naghahanap talaga ng kasagutan.

Pero para akong baliw dahil iba ang iniisip ko.

Ano kayang ginagawa ngayon nila Vile at Jewel?

Anong pinag-uusapan nila?

Narinig ko ang pagbuntong-hininga nito at swabe itong umupo sa gawang kahoy na upuan. Nakadekwatro ang legs nito at nakatagilid ang ulo sa akin na parang may tinitignan sa malayo.

He's so handsome.

"Now I know why your son is so familiar... he's the son of my brother" anito na hindi nagtatanong pero nagsasabi na ganun na nga.

"Are you deaf?" Naiinis nitong usal na ikinalunok ko ng malakas. Bakit ba ito nagagalit? Parang si Vile lang nakakalito. Magkapatid nga!

"P-Pasensya, hindi ko alam kung anong dapat kong isagot, s-saka oo anak namin si Wade, s-saka wala kaming relasyon" mahina kung sabi at nakayuko sa harapan niya. Bakit ba ako nagpaliwanag sa kanya?

Nanlalamig ako dahil sa malamig nitong titig.

"Yeah, he doesn't have a relationship because all of his girlfriend are dead" seryuso nitong usal.

Nagulat ako sa narinig. Ano?

"A-Anong ibig mong sabihin?" nalilito kong tanong. Iyong awkward ko na nararamdaman ay parang bumalik na sa dati dahil hindi ko man talaga kilalal si Kael ay magaan ang loob ko sa kanya.

The Father Of My Son Is A Mafia Boss [Completed]  ALPHA ZERO Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu