SPECIAL CHAPTER II

5.9K 116 5
                                    


WADE THOMPSON MONTGOMERY is on the multimedia]

•••

SERAPHINA POV.

"Huy gaga! Ang laki ng ngiti natin ah! Everyday ba ang jugjugan?"

"Wala parin talagang filter ang bibig mo Jeroff," namumula kong wika pero humahalakhak lang ito.

"Sensyahan mo na yan te, wala parin kasing jowabels! Pagsabayin ba naman ang tatlo!" Sigaw ni Clarisa habang nakalingkis kay Duke.

"Para kang dagta sa ginagawa mo Risa! Yuckk!" pang-aasar ni Jeroff pero nakangiti lamang si Sir Duke.

Nung una ay ang awkward talaga dahil teacher namin ito noon nung college.
Pero nasanay na lang din naman dahil fiance ito ni Clarisa.

Ilang taon na rin kaming kasal ni Vile at ang masasabi ko lang ay sobrang saya ko sa relasyon na nabuo namin.

Kompleto na ako, may asawa at anak, may mga totoong kaibigan, alam ko na hindi lang dito nagtatapos ang lahat sa amin. May paparating pa na bagong problema pero haharapin ko iyon namin iyon ng pamilya ko ng magkasama.

--

"Nasaan si Wade, Angel?"

Kanina ko pa hinahanap ang bulkbol na anak kong iyon. Simula ng lumaki na ito at nag 16 ay nawawala na lang ito palagi sa bahay.

Pero hindi naman nito pinapabayaan ang pag-aaral pero nag-aalala parin ako dahil bata pa ito, kahit matured na itong mag-isip.

Habang lumalaki ito ay nakikita ko na kamukhang-kamukha nito si Vile ang tatay nito. Matangkad na ito sa murang edad ay malapit na ako nitong malagpasan ng tangkad.

Highschool na ito at alam kong marami itong suitors hindi ko lang maatim na hanggang sa mga stalkers y pinapasok na ang bahay namin dahil lang sa batang iyon.

Si Rade naman ay nag-aaral narin sa elementary. Mahilig sumayaw si Rade at palagi itong sumasali sa mga paligsan na supportado naman namin. May account na nga ito sa tiktok at millions pa ang followers at views.

"Luna Sera baka nandoon na naman sa kanila Sir Leon," wika ni Lucia.

Napakunot ang noo ko dahil malayo ang bahay ni Leon dito, paano? Napailing na lang ako dahil binilhan pala ito ni Vile ng sariling motorbike kaya kahit saan na umaabot.

"Nalulungkot ako huhuhu gusto kong makita ang kagwapuhan ni Sir Wade, kulang ang araw ko pag hindi ko siya nakikita,"

"Búrikat ka Pamela! Umayos ka! Nandito si Luna Sera sa harapan mo uy!" Hasik ni Gwendolyn.

"Bata pa si Wade, Florensia," usal ko na ikinayuko nito.

"S-Sorry po madam!"

Nakangiti lang ako sa kanila, nasa paaralan pa ngayon si Rade. Si Vile naman ay nasa kompanya at mukhang hindi ito makakauwi ngayon dahil sabi nito may mahalagang gagawin din sa organisasyon.

--

SA kabilang banda naman kung nasaan si Wade ay kasama nito si Lucian Vouganville na anak nila Avionna at Nicklausse Vouganville.

They're not bestfriend but friends, nakilala nila ang isa't isa dahil sa Tito Leon nila na kaibigan lang din naman ng mga tatay nila.

Malamig ang tingin sa bawat isa, at hindi nagpapatalo kung may magaganap na paligsahan.

"Hell no," malamig na wika ni Lucian habang nakatingin sa gulong ng sariling motorbike nito.

Nakita niya na flat ang gulong, naramdaman ni Lucian na may tumigil sa likod niya na isang motor at kilala niya kung sino iyon.

"Fvcker." usal ni Wade na ikinalingon ni Lucian sa kanya na tinignan lang siya ng blanko.

"What fvcker?"

"Fvcki—"

"Huy Wade! Hinahanap ka na ng girlfriend mo!"

Nakakunot ang noo ni Wade sa narinig dahil sa isang babaeng mukhang tomboy at hindi niya makita ang mukha dahil sa bangs nito.

"Really? Playboy fvker ha," rinig niya kay Lucian pero nanatili ang tingin niya sa babae na nasa malayo.

"Don't have a girlfriend fvcker," usal ni Wade.

"Si Lilith naghihintay sayong putangína ka! Alagaan mo ang kababata ko kundi matitikman mo ang kamao ko!" Sigaw ng babae na nag-asta pang lalaki.

'What?' wika ni wade sa utak niya.

"Nababaliw na," usal ni Wade narinig niya ang chuckle ni Lucian.

"Iningkanto mo," anito.

Tumaas lang ang sulok ng labi niya dahil sa estrangherong pumasok na lang bigla sa eksena.

--

A|N:
I think after the story of Yllezstacy and Zaldeo kay Wade Thompson Montgomery naman na tayo.

🎉 Tapos mo nang basahin ang The Father Of My Son Is A Mafia Boss [Completed] ALPHA ZERO 🎉
The Father Of My Son Is A Mafia Boss [Completed]  ALPHA ZERO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon