CHAPTER 7: I'm here

7.2K 125 2
                                    

Chapter 7

SERAPHINA POV.

"Dahil kayong dalawa ang kukunin ko at sasama sa Mansion ko" pahabol nito na ikinanganga ko sa harapan nito. Hindi ako makapaniwala sa sinabi nito. Ang luha ko kanina ay parang nawala na lang bigla.

Anong pinagsasabi nito?

Bakit kasama ako?!

"Nababaliw ka na ba?" Natatawa kong sagot.
"Hindi mo ako jowa Vile, lalo na't hindi mo ako asawa. Wala kang karapatan sa akin" diin kong sagot sa kanya. "Dahil ba nabuntis mo ako ay may karapatan ka na sa akin? Wala kang mapapala sa akin, kung gusto mong makasama si Wade sige papayagan kita pero ibahin mo ako. Si Wade lang ang koneksyong meron tayo. Si Wade lang, wala ng iba." Usal ko at tinalikuran siya, nagngitngit ako sa galit.

"Just forget the past Vile. Dahil wala na iyon sa akin eh. Masaya na ako...kaming dalawa ng ANAK KO,"

"Are you provoking me Seraphina?" He said while I hear the danger to his voice.

"No Vile. I'm just stating the fact"

"Kahit baliktarin ang mundo, anak ko rin si Wade, kaya kung gusto ko siyang kunin ay may karapatan ako." Seryuso nitong sagot sa akin na ikinakabog ng dibdib ko sa kaba.

"Don't you dare Vile. Ang kapal ng mukha mo." usal ko at tumalikod na sa kanya.

Hindi na ako lumingon pa. Wala naman kaming relasyon. Wala kaming pinagsamahan kaya wala siyang karapatan sa akin. Bibigyan ko siya ng pagkakataon para makasama si Wade pero wag na wag niya akong idadamay at wag na wag niyang kukunin sa akin si Wade.

--

Napakamot ako sa ulo habang patutungo sa pintuan namin dahil may kumatok. Sabado ngayon at wala akong pasok wala ring trabaho, makabonding ko ang anak ko.

[TOK.TOK]

"Teka lang!" Sigaw ko habang patutungo na roon. Nakita ko pa si Wade na naglalaro sa laruan nitong baríl sa sala.

"Goodmorning handsome!" usal ko at hinalikan ito ng mabilis.

"Mommy! I didn't bath!" Anito na ikinatawa ko.

"Yah it's alright, you smell good naman" sagot ko at narinig ko ang mahinang tawa nito na ikinangiti ko habang binuksan na ang pintuan ng condo namin pero ganun na lang ang pagkawala ng ngiti ko nang...

"Morning" malamig na wika ni Vile sa umaga ko.

"Anong ginagawa mo rito?" inis kong sagot. Wala akong paki kahit anong hitsura ko ngayon sa harapan niya. Hindi naman ako nagpapaganda eh. Hindi ako marunong non.

"Visiting my son" anito na parang pinagmukha talaga sa akin na anak niya talaga si Wade.

Tinignan ko muna siya sa mga mata na ganun din ang ginawa niya sa akin. Napalunok ako at ewan ko ba bigla akong nahiya sa hitsura ko ngayon.

Ang fresh naman kasi nito habang ako mukhang kamoteng bagong bungkal sa lupa.

"A-Ang aga Vile"

"Hmm..." Anito at napanganga ako nang walang-hiya itong pumasok sa condo namin. Wala akong masabi at nakatingin lang ako rito habang tinitignan nito ang bawat sulok sa loob ng condo ko.

Para itong judge na kapag may hindi magustuhan ay ipasisira ang nasabing lugar.

"T-Teka hindi pa ako pumayag—"

"Mommy, why is he here?"

Nagulat ako nang yumakap si Wade sa bewang ko at sumiksik ang tiyan sa ulo ko. Napatingin ako kay Vile dahil parang may nararamdaman akong mabigat sa paraan ng pagtitig nito.

The Father Of My Son Is A Mafia Boss [Completed]  ALPHA ZERO Where stories live. Discover now