CHAPTER 53: Yes?

4.9K 99 4
                                    

Chapter 53

THIRD PERSON POV.

"Do it Alpha Zero. For the sake of your wife and sons.."

Seryuso lamang nakatayo si Vile sa gitna nang isang arena. Kaharap ang tatlong council na nasa itaas na bahagi ng lugar. Nakaupo ang mga ito sa sariling mga trono.

Nandoon ang Great Grandfather niya katabi ng pinakamatandang council. Para siyang ginigisa ng mga iyon na gawin ang parusa na naka-atang sa kanya.

Walang emosyon ang mga mata niya. May kompyansa ang kanyang tindig na parang hindi kinakabahan sa mga presenya ng mga Founder ng Organisasyon.

Nasa likurang bahagi, sa madilim na parte ay alam niyang nandoon ang lahat ng Alpha, except sa napatay niya.

"Can you give me 1 month to do it?" He said seriously at wala ng dapat talikuran pa, kahit tumakbo pa siya, magtatago, mahahanap at mahahanap siya ng mga ito.

"Just 1 month then." Wika ng pinakamatandang council. Nakatitig naman si Vile sa Lolo niya na, walang emosyon siyang tinignan at tumango na ikinabuntong-hininga niya.

"Rest assured." he said at tumalikod na.

Sa kabilang bahagi naman kung nasaan nakaupo ang mga alpha. Nandoon sa pinakataas na bahagi s Alpha 1 na nilalaro ang isang kuwentas sa kamay nito. Nasa gilid nito ang pinagkakatiwalaan niya na Butler. Nakita niya ang pag-alis ni Vile sa stadium na ikinatayo niya at sinundan si Vile kung saan ito.

Nanatili naman ang natitirang Alpha roon dahil may kailangan ang council sa kanila. Maari naman silang lumabag, pero Alpha sila kaya hindi pwede kahit pilitin pa.

Hawak sila ng leeg ng Council. Ang hindi lang hawak ang gamay nito ay ang Alpha Zero, sadyang labag lang sa batas ang ginawa nito.

"Who's the Alpha 4 now?" wika ni Alpha 7 na may boyish na smile pero nakakapanindig balahibo ang mga mata kung makatingin.

Sakto at nang papalabas na si Alpha 1 ay nakita niyang nakatayo si Vile sa labas ng kotse nito at kalmang naninigarilyo.

"Maari na mang talikuran mo ang nakaparatang sayo kung pipiliin mo ang organisasyon kaysa sa pagmamahal na 'yan Alpha Zero" wika niya at sumandal din sa kotse kung saan nakasanadal si Vile.

Binigay ni Vile ang isang lighter sa kanya na kinuha niya at sinindihan ang cigarettes na nasa bibig niya sabay hithit at buga ng usok nito at hinagis ang lighter kay Vile na madali din nitong sinalo.

"You don't understand Alpha One' sagot nito na ikinalingon niya kay Vile na, nakapikit at nakangiti.

Napailing siya dahil ngayon niya lang nakita ang kaibigan, yes they're bestfriend, na nakangiti ng ganito. Nakita na niya ang ngiti nito noon, noong buhay pa ang dalawang kapatid nito, at ngayon niya lang ulit nakita ang masaya at genuine na ngiti nito.

"Yeah, maybe...I don't understand. Dahil lang sa pagmamahal na iyan nagkaganyan ka. Kaya ayoko talagang magmahal. It's just a hindrance of what I wish for."

"Darating ka rin sa puntong katulad ko Alpha Zero, bata ka pa naman kasi.." natatawa pang wika ni Vile at tumikhim at nawala ang emosyon sa mga mata nang mapatingin sa ibabaw na bahagi ng abandonadong church.

Napatingin din si Alpha Zero roon at katulad ng ginawa ni Vile ay walang emosyon niya lang din tinignan ang tatlong council na nakatingin sa gawi nila.

"Fvck those council..." Alpha One said coldly.

"Yeah.." tugon ni Vile na akala niya ay magagalit sa kanya dahil nandoon ang Great Grandfather nito.

The Father Of My Son Is A Mafia Boss [Completed]  ALPHA ZERO حيث تعيش القصص. اكتشف الآن