CHAPTER 49: I'm here, It's fine

4.9K 91 3
                                    

Chapter 49

SERAPHINA POV.

Nanginginig ang mga kamay ko na halos puno na ng dugo na nanggaling kay Vile. Halos naliligo na ito sa sariling dugo habang nasa van na kami.

"Don't cry... I'm okay" he said.

Pero umiiling ako. Titigil lang ang mga luha ko kung nasa maayos na kalagayan na ito. Ang dami kong tanong sa mga nangyayari. Kung bakit binaril nalang bigla si Vile ng kung sino...dahil hindi ko makita dahil nasa dilim ang taong iyon.

At bakit hindi man lang siya tinulungan ng mga Butler niya na tahimik lang at nakayuko lamang ang mga ito habang si Vile ay nag-aagaw buhay na.

At ang nakakapagtataka sa lahat bakit hindi pwedeng dalhin si Vile sa Hospital? Anong meron sa Hospital? O anong klaseng tao ba ang nasa likod ng nangyayari sa kanya?

Natatakot akong aminin na sa likod ng lahat ng nangyari kay Vile ay ang dahilan ay ang pamilya ko.

Kaya naman pala hindi siya sa Hospital may private doctors pala sila. Nasa loob ito ng kwarto ni Vile at hindi kami pwedeng pumasok kaya nanatili kami sa labas.

Napabuntong-hininga ako at tumalikod, kahit nanginginig ay pinakalma ko ang sarili ko.

"Mommy-my-my!" rinig kong wika ng anak ko na si Rade na ikinangiti ko nang malaki. Napakabibo ng anak ko!

"How are you baby-by-by" wika ko na ginaya ang pagtawag niya na ikinagiggle nito. Yayakapin na sana ako ng anak ko pero naalala ko na may mga dugo pa pala ang mga damit ko na hindi nito napansin.

"Hep hep hep, maliligo muna si Mommy, mabaho si Mommy, gusto mo bang maligo kasama ko hmmm?" lambing ko sa anak ko na inocente lang itong nakatingin at tumango sa akin.

"Mom! How about me?!" may inis sa boses ni Wade na ikinatingin ko rito na papalabas pa lang ng elevator at nakauniform pa at may shades sa mga mata.

So handsome. My babies are so handsome.

"Sus tampo pa ang baby big boy ko, sama na lang kayong dalawa sa akin maligo, okay ba 'yu?"

"Nahh I'm big boy Mom!" mabilis na wika ni Wade na nakapout.

"Sama ako" napatingin naman ako kay Rade na hinila ang maluwag na jagger na soot ko.

Maliligo naman kaming magkasama. Kinarga ko na si Rade.

"Really baby Wade? Ayaw mong samahan si Mommy?" nakita ko pa ang pagkunot ng noo nito. Ang sungit na talaga, pati mukha same features na ni Vile. Mini-Version kumbaga.

"M-Mom what happened to your clothes? Is that a blood?" wade said habang sinusuri pa ang kabuuan ko.

"Don't mind this baby," hindi pa pala nito alam ang nangyari sa Daddy niya.

"Bakit parang maingay ang kwarto ni Daddy, at nandoon lahat ang mga buddy ko (Butler)" curious nitong tanong.

"Before I answer that, maliligo muna si Mommy at Rade baby ha." wika ko na ikinatango nito.

"Of course mom, take care you too. I miss Rade I want to play with him." masiglang sabi ni Wade na ikinangiti ko dahil may spark akong nakikita sa mga mata niya na masaya at excited talaga siyang makipaglaro sa kapatid niya.

"Alright, eat ka muna doon"

"Okay Mom" anito at tumalikod na habang nasa likod ang mga kamay. Kalmang naglakad, nanatili akong nakatingin sa kanya patungo sa elevator pero lumingon ito ulit sa akin nang hindi nagbabago ang postura.

He smile and wink at me then run to the elevator.

I giggled, manang-mana kay Rifil ang ganung style. Dahil siguro matagal din nitong kasama si Rifil ay na-imitate nito ang ginagawa ng kasama niya.

The Father Of My Son Is A Mafia Boss [Completed]  ALPHA ZERO Where stories live. Discover now