CHAPTER 23: Banana

5.5K 87 0
                                    

Chapter 23

SERAPHINA POV.

Nang mabasa ko ang text ni Vile ay namumula ako sa inis. Pinakalma ko ang sarili, at sumunod na rin sa mga ka grupo ko kung saan kami pupunta.

"Ang ganda talaga rito" masayang wika ni Khloe nang makarating kami sa dagat.

"Ang sarap maligo no?" usal ni Canon habang nakapamulsang nakatayo sa gilid ko.

"Guys! Maganda rito hali kayo!"

Napalingon kami sa kanang bahagi ng dagat at nandoon si Clarisa at Jeroff. Kaya sumunod na rin kami sa kanila.

Maganda nga. Nakakarelax. Magdadapit-hapon na rin kasi. Hindi na ako nangangamba pa dahil alam na rin naman ni Vile kung nasaan ako. Bahala na kung mangyayari pag-uwi ko.

"Florida, Venum, Whiskey, Kael tayo kayo rito kayo ang uunahan naming e video" wika ni Katie.

Umupo naman muna ako sa isang batuhan, tinignan ko pa ang kina-uupuan ko sabay upo. Hinahangin ang buhok ko at kahit hindi ako nakangiti ay masaya ako sa nakikita ko ngayon.

Ang sarap sa pakiramdam, iyong alon na maririnig sa bawat hampas sa mga bato. Ang mga hangin na amoy alat pero nakakarelax.

Naalala ko na naman iyong minsan kaming maligo ni Papa at Mama sa dagat. Ang saya ko talaga non, syempre dahil bata pa hind pa mulat sa realidad.

Napatingin ako sa gawi ng ka grupo ko na maingay at parang nagkakatuwaan ang mga ito. Sa unahan ko naman na naka-upo ay si Khloe na nakangiti habang nakatingin sa isang tao.

Napatingin ako sa dagat at napak-asul ng mga iyon, hindi gaanong masakit ang sikat ng araw dahil magda-dapit-hapon na.

Maraming bangka akong nakita sa unahan. Maingay pero nakakatuwa silang pagmasdan. Gusto ko ulit makarating sa malalim na parte ng dagat, even though I'm not good in swimming. Hindi talaga ako marunong lumangoy.

Dinadala kasi kami ni Papa sa malalim na parte kasama si Mama gamit ang yacht nito nung nabubuhay pa si Mama. Napangiti ako ng mapait dahil sa ala-alang iyon.

Napapalunok ako at ayokong masira ang araw ko ngayon. Ayokong umiyak. Imbis na alalahanin iyon ay mabuti pang kalimutan na dahil kinalimutan na ng haligi na ng tahanan ang nakaraan nito...at kami iyon ni Mama.

"Ate Sera, Khloe, Jeroff, Canon , Clarissa, at Ako arat gurls!" usal ni Katie.

"Anong gurls! Mukha ba akong babae?" inis na wika ni Canon na tinawanan lang ng malakas ni Jeroff na ikinatingin nito ng masama kay Jeroff.

"Syempre honey magkauri tayo–"

"Uri ng panlapi?" sarcastic na wika ni Canon na nakangiwi na dahil hinahaplos na ang braso niya ni Jeroff.

"Oo panlapi sa labi mo,"

"Pigilan niyo ako ililibing ko ito ng buhay" nangigigil na wika ni Canon na ikinatawa namin.

Napatingin pa ako kay Kael na may maliit na ngiti sa labi habang nakatingin sa akin. Ngumiti ako rito na ikina-iwas nito. Napailing na lang ako dahil ang cute lang talaga nito.

Nang matapos ang pag blog namin ay kumain muna kami sa McDonalds walang libre libre dahil mahirap kami lahat este ako lang pala.

Nagkanya-kanya na kami ng uwi at syempre kasama ko pa rin si Kael. Gumagabi na at naglakad na kami patungong waiting shed.

Lowbat ang cellphone ni Wade kaya hindi ko alam kung ano ng oras.

"Kael anong oras na?"

"It's 5:45 PM" anito.

The Father Of My Son Is A Mafia Boss [Completed]  ALPHA ZERO Where stories live. Discover now