CHAPTER 46: First Confrontation

4.9K 77 2
                                    

Chapter 46

SERAPHINA POV.

The way the players they maneuver their sports car, it makes the crowd much noiser. Puno ako ng kaba habang nakatayo katabi ang mga nanonood. Malayo kami dahil delikadong lumapit malapit sa daanan ng mga sports car.

Malakas ang pwersa at nakakabingi ang tunog. Nangunguna ang kotse ni Vile. Sa buong buhay ko ngayon lang ako nakaranas ng ganito, nakakita ng harap-harapan dahil sa TV ko lang napapanood ang mga ganito.

Kapag harap-harapan mo palang mapapanood, at hindi ka sanay ay para akong mahihimatay sa sobrang kaba.

Sa bawat lagpas ng mga ito sa bawat flags ay para ako nabibingi sa sobrang ingay ng buong arena.

Nakita ko pa sa bench na may tarpaulin na 'Go Vile!'

Napatingin ako ulit sa mga kotse na nag-uunahang magdrive. Last lap nalang at nasa pangalawa si Vile, nangunguna na ngayon ang black na kotse.

'Go Vile!' sigaw ko sa isipan ko.

Napangiti ako nang nakapantay na Ang sports car ni Vile sa nangunguna. Ilang minuto na lang, 7 minutes para malaman kung sino ang panalo.

"Shít, nag overtreak si Khalil!"

"Nangunguna na si Vile!"

Sa bawat pagpatak ng oras ay siyang kabog ng dibdib ko. Nanginginig at nanlalamig ang buong katawan ko, kakaibang pakiramdam.

"WHOOOOOOOOH!"

"Walang panama! Montgomery parin talaga!"

Napangiti ako at nakatayo na habang nakatingin sa kotse ni Vile na nakatigil na sa Final Lap. Hindi ito lumabas kahit nagkakagulo na ang mga tao sa pag cheer sa kanya.

Naramdaman ko na nag-vibrate ang cellphone ko kaya tinignan ko ito.

'Come here baby' text ng unknown number.

At alam kong si Vile ito. Sa ilang araw na naming pagsasama ay wala man lang pala akong number niya.

Napailing ako at napatingin kung saan banda nito iniurong ang sports car nito. Nasa isang malaking space sa kaliwa at ang kotse lang niya ang nandoon.

"Excuse me" mahinang wika ko habang binabagtas ang mga nagkakagulong mga tao, may nagpustahan pa.

Muntik na akong madapa kung hindi lang ako hinila ng isang estranghero na nakamask at naka-cap na black. Naka-jacket ito ng gucci na kulay black pero hindi ko makita ang mukha nito.

"Careful" anito at umalis na, magpapasalamat sana ako pero nawala na ito sa harapan ko na ikinakibit ko na lang ng balikat.

"Congratulations" nakangiti kong bati kay Vile na nakatingin ng pailalim sa akin at umiiling pero I can see his half smile.

So handsome.

"I-Illegal ba ito Vile?" wika ko. Nagulat ako nang hinila nito ang bewang ko at yumakap sa akin, ang ulo nito ay nasa balikat ko na.

"Yeah baby" paos nitong sagot na ikinalunok ko.

Don't be scared Seraphina, hindi pa naman ito nalalaman ng mga government.

"P-Paano kung malaman ito ng labas?" nag-aalalang wika ko pa.

"Even if they know, may of contract kami sa presidente. The president is one of the co-founder of this game." Anito at napapikit ako nang mahina nitong minasahe ang bewang ko.

Ang clingy ni Vile!

"Ang galing mo kanina, kinabahan ako" tipid kong sagot, napatingin ito sa akin, totoo naman, kinabahan talaga ako. Paano kung mapano ang lalaking ito? Paano na ako?

The Father Of My Son Is A Mafia Boss [Completed]  ALPHA ZERO Where stories live. Discover now