CHAPTER 17: Jealous?

5.6K 108 2
                                    

Chapter 17

SERAPHINA POV.

"Salamat po talaga sa pagbabantay Manang Carmelita sa anak ko" sensiro kong sabi sa matandang maid sa Mansion.

Siya raw kasi ang pinagbantay kay Wade sa bahay pati at may driver narin ang anak ko na maghatid sa school niya. Malayo na kasi kami sa school niya habang ang trabaho ko ay malayo na rin.

"Trabaho ko ito Iha at sanay na ako rito" anito habang nakangiti sa akin.

Ngumiti rin ako rito dahil naalala ko sa kanya si Tita Vilma. Siguro kung hindi iyon nangyari kay Wade wala kami ngayon dito sa Mansion.

"Oh kumukulo na," anito. Napatingin naman ako sa pinakuluan kong spaghetti at sakto umingay ang alarm kung kailan ito maluluto.

Nagluluto na kasi ako ngayon sa spaghetti at ang maja ay nasa ref na. It's already 10:5PM. At natutulog na ang anak ko pagpunta ko sa kwarto nito.

"Ako na ang maghihiwa sa onion at hotdogs Ms. Ha" usal naman ng isang mas matanda pa sa akin na maid din. May maamo itong mukha at hindi bagay sa kanya ang maging maid.

"S-Salamat sige" mahina kong sabi rito at nag-bow ito na ikinailang ko talaga.

Narinig ko ang mahinang tawa ni Manang Carmelita. "Masanay ka na sa amin Iha. Ngayon lang kasi nagdala si Senorito Vile ng babae sa pamamahay niya at may bata pa na kamukhang-kamukha nito. Malaki ang respeto namin sa magiging asawa niya...at alam namin na ikaw iyon" anito.

Natigil ang pagbuhos ko ng dahan-dahan sa mainit na tubig sa lababo dahil sa sinabi ni Manang Carmelita.

Asawa? Nino? Ni Vile?!

"N-Nagkakamali po kayo wala po kaming relasyon ni Vile at oo anak po namin si Wade pero impossible po na mangyari na m-magiging kami"

"Susmaryusep! N-Nabuntis ka ni Senorito ng hind sadya Iha?" Parang mahihimatay na usal ni Manang Carmelita na mabilis namang dinaluhan ng babaeng maid na kasama namin, silang dalawa lang ang nakaka-alam na.

Gusto kong tampalin ang bibig ko dahil wala na sa lugar ang sinasabi ko. Baka umabot ito kay Vile at magalit iyon sa akin.

"Parang ganun na nga po" awkward akong ngumiti at nagpatuloy sa pagbabad ng spaghetti sa maligamgam na tubig.

"Mawalang-galang na po Ms. pero kilala niyo po ba si Senorito nung hindi ka pa nabuntis, dahil marami ng nagtangka sa kanya niyan eh, lumalapit at gustong buntisin sila ni Senorito dahil na trigger ang mga babae sa sinabi ni Senorito sa media na ayaw na ayaw niya ng anak. At sakto baka obsessed ka rin sa kanya at gustong magpabuntis, plinano mo na dapat mabuntis ka niya at nangyari nga ang gusto mong mangyari."

"Esmeralda! Bumalik ka sa room mo," at parang natakot naman si Esmeralda sa boses ni Manang Carmelita kaya umalis ito pero humingi pa ng paumanhin.

Nakatulala pa rin ako at hindi makapaniwala sa sinabi nito. Nasaktan ako sa sinabi nito.

"Pagpasensyahan mo na siya Iha ha, ganun talaga ang bibig non,"

"Naiintindihan ko po" sagot ko at ngumiti rito.

Pero may narealized ako. Sa pagpasok ko pa lang sa Mansion na ito ay alam kong pinaplastic lang ako ng mga tao rito. Hindi lahat pero nararamdaman ko.

Mukhang ang tingin nila sa akin ay, habol ay pera. Golddígger. Obsessed. Pero hindi naman ako ganun eh!

Nandito ako para sa anak ko. Hanggang sa matapos ang ginagawa ko. Nauna ng matulog sa akin si Manang Carmelita habang ako ay naglilinis sa mesang ginagamitan ko para kinabukasan ay maayos na ito.

The Father Of My Son Is A Mafia Boss [Completed]  ALPHA ZERO Where stories live. Discover now