CHAPTER 15: New Home

5.8K 99 1
                                    

Chapter 15

SERAPHINA POV.

"Mommy I'm full" usal ng anak ko habang umiiling pa.

"O-Oh really baby?"

"Yup," nakangiti nitong sabi sa akin. Mabilis ko namang niligpit ang mga balat ng apple.

"Nauuhaw ka ba?"

"Yes Mommy" napalabi ito na ikinangiti ko.

Kinuha ko ang tubig na dala at nilagyan ang baso na ginamit nito kanina at nilagyan ng tubig.

Habang umiinom ito ay masaya akong nakatingin sa anak ko. Simula ng magising ito ay hindi man lang ito nagreklamo kung saan ang masakit. Ang pag-aalala ko ay nawala dahil sa pinakita ng anak ko kung gaano ito kalakas.

It's 10:12 AM in the morning at buti tanghali pa ang pasok ko. Mababantayan ko pa si Wade.

Sinabi sa akin ni Tita Vilma kanina na bumisita rin si Vile pero hindi rin naman nagtagal. Punong-puno na nga ng prutas ang kwarto ni Wade at ito ang may pakana.

Mabuti na rin iyon, ayoko munang makita siya kahit saglit lang. Magpapahilom pa ako sa puso ko. Alam kong maghihilom ako dahil hindi naman ako obsessed na obsessed sa kanya. Saka wala rin namang kami kaya wala rin akong karapatan na masaktan.

--

Nasa bench kami ngayon ng school sa labas ni Jeroff, Katie, Clarisa, Kloe, Florida, Venum, Whiskey, at Canon, kung natatandaan niyo sila ang ka grupo ko sa Demo na naging kasundo ko na rin at naging ka grupo na nila ako sa pagkakaibigan nila.

"Grabi! Ang Hot ni Lurusus!" Malanding tili ni Katie sabay sapak kay Jeroff na nagniningning ang mga mata pero nawala lang din dahil sa sapak sa kanya ni Katie.

"Aba't akala mo ang gaan ng kamay mo bóbita?! Landí!"

Pero binilatan lamang siya ni Katie.

"Para sa akin si Titus ang napaka attractive diyan! Kita mo ang sa kanya bumabakat, kesa sa iba na pututoy!" Usal ni Clarisa na parang pinaparinigan si Jeroff at Katie.

"Buti na lang malaki itong sa atin diba tol, whiskey at venum?" Pagmamayabang ni Canon na ikinatango lang ng dalawang lalaki na hindi rin palasalita. Ewan ko ba siguro katulad lang din ang excuses namin kung bakit kami nasali sa grupo nila Jeroff eh ang tahimik namin.

"Mas Hot si Kael" namumulang wika ni Kloe habang kinikilig pa.

"Edi ikaw na girl umamin ka na kasi!" Pang-aalaska ni Jeroff kay Kloe na ikinailing lang nito.

Alam namin na may gústo itong si Kloe kay Kael at nirerespeto namin iyon.

"A-Ayoko baka ma reject ako hehe" sagot ni Khloe.

"Duhh alam mo Khloe e confess mo iyan, baka magsisisi ka sa huli. Para sa akin mas mabuti pang masaktan pero nasabi mo kesa nasasaktan ka pero hindi mo nasabi, gets mo?" Seryusong usal ni Florida. Ang tahimik rin sa grupo at tomboy ito pero maganda.

Natahimik si Khloe, nagpatuloy naman sa panonood ang mga kasama namin dahil nagsalita na ang taong bawat sasabihin ay kahit masakit ay totoo.

Napatingin ako sa nag so-soccer at nasa isipan ko rin ang sinabi ni Florida. May point siya pero kung mag coconfess ako natatakot kasi akong masaktan.

At hindi ko pa gaanong kilala si Vile pero nahuhulog na ang loob ko sa kanya. At sa pagsabi nito ng 'don't fall' alam kong wala talaga akong pag-asa.

Napabuntong-hininga ako at napayuko. Sa pagyuko ko ay may nakita akong kamay na nag-abot sa akin ng v-fresh na kendi. Tinignan ko kung sino iyon at si Whiskey lang pala.

The Father Of My Son Is A Mafia Boss [Completed]  ALPHA ZERO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon