CHAPTER 28: Boyfriend?

4.8K 84 0
                                    

Chapter 28

SERAPHINA POV.

"So what do you think Son? Gusto mo bang pakasalan na si Kishamae?" rinig kong wika ng Daddy ni Vile sa malamig na paraan na ikinatindig na ng balahibo namin.

Nasasaktan at nalulungkot ako sa maaring isagot niya. May karapatan naman tayong masaktan dahil nagmahal tayo, ang wala tayong karapatan ay akuin ang taong hindi tayo gusto.

"I like her" sagot nito na parang nag-echo ang pandinig ko, mabilis akong umalis sa kinatatayuan ko ng walang nakakakita at sana nga.

Habang naglalakad ako ay napahawak ako sa sa dibdib ko kung saan malapit sa puso ko. Nakaramdam ako ng panghihinayang, nasasaktan ako, natawa ako ng mahina nang nangingilid ang mga luha ko. Mabilis akong tumingala at nagpunta sa Gazebo, sa madilim na parte at napaupo sa isang puno, hindi ako makikita rito, para akong batang nakatingala sa kalangitan.

Hindi full moon, at maraming ulap ang tumatabon roon pero maganda at sobrang liwanag pa rin ng buwan.

Naririnig ko ang mga kulisap, ang ingay sa labas dahil sa mga paputok, mga caroling sa ibabang bahagi. Kitang-kita kasi rito ang maraming bahay na mukha ng mga bituin.

Ang saya tingnan dahil parang nagkakasiyahan sila. May nagkakantahan, may parang parade pa na pinapangunahan ng mga sikat na blogger.

"What are we talking about Kuya?"

Napa-ayos ako ng upo dahil narinig ko ang boses ni Kael. Kuya? So si Vile ang kausap niya? Napalunok ako at nagiging curious sa pag-uusapan ng mga ito. Hindi ko naman sinasadyang marinig ang pag-uusap nila ngayon sadyang nauna ako rito.

Tumahimik muna at nagulat ako sa tinanong nito kay Kael.

"Do you like Seraphina right?" anito na ikinalaki ng mga mata ko, hindi ako makaisip ng kung ano. Nanlalamig ako.

"Yes, but I know she likes you" sagot ni Kael sa seryusong boses na mas ikinanganga ko, napatakip ako sa bibig baka makalikha ako ng ingay.

Halata na ba talaga ako?

I heard the chuckle of Vile.

"But I don't like her" sagot ni Vile.

Napangiti ako ng mapait. Hindi na ako nagulat pa, ilang beses na ba nitong pinakita na hindi ito interesado sa akin. Ano pa bang aasahan mo Seraphina?

"Lokohin mo na kung sino Kuya pero wag ako."

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Vile. Nagpipigil ako ng luha, bakit ba iyak na lang ako ng iyak dahil sa kanya! Pero wala eh ganito nga talaga pag hulog na hulog ka na sa taong nagugustuhan mo.

"I don't know if I like her but you know what happened to every girls who's with me right?"
he said.

Napakunot ang noo ko, so tama nga ang sinabi ni Kael sa akin noong isang araw na lahat ng girlfriend nito ay namamátáy.

"Y-Yeah"

"You really like her Viskael?" He said in a cold tone na pati ako ay nanlamig.

Bakit mo ba tinatanong iyan Vile?

"I really really fvcking like her bro" sagot ni Viskael na ikinatungo ko.

Ayokong saktan si Viskael. Nakakagulat man na may gusto ito sa akin pero sadyang pagkakaibigan lamang ang maibibigay ko sa kanya. Dahil hinding-hindi magbabago ang nararamdaman ko kay Vile.

"Can you promise me that you can take care of her? Don't make her cry, protect her, love her, don't cheat on her, be genuine and faithfully loyal to her--"

The Father Of My Son Is A Mafia Boss [Completed]  ALPHA ZERO Where stories live. Discover now