CHAPTER 21: Mafia

5.5K 98 2
                                    

Chapter 21

SERAPHINA POV.

"Bakit?," paos nitong wika at napapikit ako nang mas lumapit ang mukha nito sa akin. "Kung liligawan ba kita, sasagutin mo ako?" he said huskily and hoarsely.

Wala na wala na akong narinig pa kundi ang mabilis lang na pagtibok ng puso ko!

"W-Wag ka ngang magbiro ng ganyan Vile," usal ko at gamit ang buong lakas ko ay tinulak ko ito, "May gagawin pa ako sa labas" pahabol kong wika.

Hindi ko pa nakakalimutan ang paghalik nito sa akin, ang pagdampi ng labi nito sa akin sa pool, alam kong hindi lang labi ko ang nadampian ng labi niya, nakita na rin niya ang katawan kong húbot-hubad na ikinapula lalo ng buong mukha ko.

"Alright," he said as if he's done playing with me na ikinatingala ko rito.

Nakaside-view na ang ulo nito sa akin at kitang-kita ko ang perpektong kurba ng panga niya at ang napakatangos nitong ilong. Nasaan ang hustisya?! Bakit ang unfair ng mundo! Sobra namang pinapaboran ng beauty ang lalaking ito?

Saka hindi pa rin nawawala sa isipan ko kung anong pinag-uusapan nila ni Jewel.

"Listen Seraphina," anito na ikinalingon at ikinalunok ko,

"I don't know what did you do to me, I don't like it. I don't know who I am when I'm with you," anito.

Napatigil ang paghinga ko nang umalis ito sa harapan ko at nakita ko kung paano ito napabuntong-hininga at seryuso akong tinignan sa mga mata na ikinakuyom ko sa kamao ko.

"Wala akong ginawa sayo Vile" mahinahon kong sabi na pinapakalma ko pa ang sarili ko.

Hindi na kami gaanong malapit pero parang nasusuffocate pa rin ako. At sana ramdam ni Vile na naaasiwa na ako sa katawan niya. Imbis na kumalma ako ay mas lalong naghurementado ang puso ko.

"Do you know Jewel?" anito at bumalik na naman ang boses nito sa malamig na paraan.

Nagulat ako at nagdadalawang-isip kung sasagutin ba siya. Bakit niya ako tinatanong sa bagay na iyan? Aaminin ko ba? Ayoko rin namang tumanggi dahil alam kong alam na ng lalaking ito ang lahat ng sa akin.

"She's my stepsister" sagot ko at napatingin sa gilid ko. Ayokong pag-usapan si Jewel.

Napatingin ako rito at seryuso itong nakatitig sa akin. "B-Bakit?" tanong ko.

"Do you trust me Seraphina?" out of nowhere nitong tanong. Anong connect ba ang sinasabi nito?

Hindi ako makasagot. May tiwala ba ako sa kanya? Marami na siyang nagawa sa akin at sa amin ng anak ko. Kung nasa panganib kami ay nandoon siya. Pero hindi ko pa talaga siya kilala.

"O-Oo" sagot ko pero sa klase ng tingin nito ay hindi ito naniniwala, "N-Noong una oo, syempre hindi naman kita kilala... hanggang n-ngayon pero dahil sa mga ginawa mong tulong sa amin ng anak ko ay masasabi kong may maliit na tansya na may tiwala ako sayo...s-saka titira ba ako rito kasama ang anak ko kung w-wala akong tiwala sayo?" nauutal kong sabi dahil habang nagsasalita ako ay hindi nito pinutol ang tingin sa akin.

Lumapit ito sa akin pero napa-atras ulit ako.
"Please wag kang lumapit!" nanginginig ang boses ko dahil hindi ko na kaya pang pigilan ang sarili ko baka masamba ko siya ng wala sa oras. Hindi naman siya nakahubad pero dahil nga naka open ang butones niya ay ang hot niyang tingnan.

Oo aaminin ko nadidistract ako!

"Why I think you like it" he said mockingly pero hindi man lang ako nainis gusto kong matawa dahil may pagkamahangin din pala ang lalaking ito.

The Father Of My Son Is A Mafia Boss [Completed]  ALPHA ZERO Where stories live. Discover now