NAGING busy ako sa nagdaang araw dahil sa sobrang daming binigay na activities ng mga Professor. May drama, theatre, reports, demo, research at assignment, may mga biglaang test na hindi na talaga namin maintindihan.
Nakapag-leave nga ako saglit sa trabaho ko dahil sa mga gagawin na projects sa school. Mga 1 month lang naman. Nagsunod-sunod kasi iyong may binibigay na nga silang mga assignment at pang Final may written exams pa.
Tapos halos ang nakuha kong grade sa 1st semester ay 2. Hindi ako grade conscious pero iyong nag-aral naman ako ng mabuti pero wala eh. Kahit anong laki ng grades ko sa quizzes, assignments, projects, ang hihila at hihila sa grade ko pababa o pataas ay ang midterm exam.
Nasa loob ako ng kwarto ko at maraming mga gamit na ang nagkakalat. Mga papel, ballpen, manila paper, tracing paper, painting, vellum, basta iyong mga gamit sa school. Sa harapan ko ngayon ay ang laptop na kanina pa ako nagta-type sa Lesson Plan.
Binigyan kami ng 1 week na vacation para matapos ang mga pinapagawa ng mga professor. Mamaya ay may lakad ako dahil magkikita kami ng ka grupo ko para sa Demo para next week.
It's 7:12 AM at sumasakit na ang mga mata ko kakaharap sa laptop, kanina pa akong 4:00am nakaharap sa laptop. Naghikab ako at kinusot ang mga mata. Hindi pa ako naliligo. Buhaghag pa ang buhok ko na wala rin akong paki. Basta matapos lang itong ginagawa ko.
"Cognitive, Affective, Psychomotor" usal ko habang nagtatype sa Objectives na gagawin.
"Mommy are you busy?"
Napatigil ako sa ginagawa at tinignan si Wade na bagong gising at ligo. May klase kasi ito ngayon. Ngumiti ako rito.
"Not really baby, Goodmorning" nakangiti kong usal kay Wade na lumapit sa akin at yumakap pa. Naglalambing ang anak ko.
"Goodmorning Mommy. You have no class?" Inocente nitong usal na ikinalamlam ng mga mata ko.
Hindi na pala kami nakapag-bonding ng anak ko. Napalabi ako dahil sobrang busy ko talaga. Nakakalimutan ko na tuloy ang time namin sa isa't isa. Pero kahit busy ako ay kapag sabado may lakad ang mag-ama. Ewan ko rin kung saan sila nagpupunta. Pero maayos naman si Wade kaya no worries ako.
"Gusto mo ba na ihatid kita sa school mo ngayon?"
"Really Mom?!" Naging masigla ang boses nito na ikinatuwa ko. Ang kasiyahan talaga ng anak ko ang nagpapawala ng stress ko.
"Oo naman, maliligo lang si Mommy ha"
"Okay Mom! I love you!" anito sabay halik sa pisngi ko sabay takbo na palabas sa kwarto ko. Mukhang masaya talaga ito.
Naghikab ulit ako at tumayo pero napaupo ako ulit dahil nahihilo ako. Napahawak ako sa ulo ko para pakalmahin ang sarili. Ganito talaga siguro kapag nagtagal sa pagkakaupo at nakaharap sa laptop, cellphone... mahihilo.
Nang maayos na ay gumanyak na ako dahil malapit na ang oras baka ma late pa si Wade ng dahil sa akin.
Isang simpleng white tshirt at short na hanggang tuhod ang soot ko. May dala akong gitara dahil may pupuntahan pa akong lugar. Marunong akong mag-gitara at iyon ang kinahihiligan ko.
"Let's go baby!"
"Mom! Just call me by my name.. I hate that baby tingy!" Naiinis nitong usal habang nagpapadyak ng paa na ikinatawa ko ng may tunog na ikinapout nito.
"Why? Sa ginagawa mo kaya ngayon ay ganyan ang mga baby nag tatantrum" pang-aasar ko rito.
"Mom"
"Hahahah okay okay I'm sorry, let's go baby—Handsome" usal ko na mas ikinalukot ng kilay nito. Kahit ganun ay napakagwapo pa rin talaga.

YOU ARE READING
The Father Of My Son Is A Mafia Boss [COMPLETED] ALPHA ZERO
General FictionSeraphina Aleeza Ambani, a girl with a heart of gold and a head full of dreams, never imagined her life would take such a dark turn. One night of reckless abandon, fueled by a potent cocktail of alcohol and youthful exuberance, led to a pregnancy sh...