CHAPTER 19: What to do?

5.5K 97 2
                                    

Chapter 19

SERAPHINA POV.

"Bakit hindi kami pwedeng lumabas?!" Gulat kong wika sa Guard na nagbabantay sa Gate sa Mansion ni Vile.

Kasama ko ang anak ko ngayon, at pustorang-pustora ito habang ako ay simple lang ang isinosoot.

"Hindi talaga pwede Luna Sera, bilin-bilinan ni Seniorito Vile na wag kang palalabasin, at saka wala ka rin namang klase ngayon, para lang din naman sa iyo ang ginagawa niya, sabi niya po" mahabang paliwanag ng Guard sa akin.

Hindi ako makapaniwala sa narinig. Anong para sa akin? O para lang sa kanya. Wala pala akong kalayaan sa pamamahay niya. Para kaming preso rito.

Napabuntong-hininga ako at nag-alalang kinuha ang cellphone na hiniram ko sa anak ko. Kasi naman sinira ng lalaking iyon ang nag-iisa kong cellphone. Buti na lang at may binili rin akong cellphone para sa anak ko.

'Te nasaan na kayo?' basa ko sa text ni Jeroff sa akin.

'Pasensya na Jeroff may ginagawa ako ngayon at mukhang hindi ako makakapunta sa inyo, pansensya na talaga, sabihan mo na lang si Tita Jessi ng happy birthday sabi ko' reply ko pabalik.

Birthday kasi ng nanay niya at iniimbita ako.

'hala te, sayang naman kaloka! but okay lang te take your time kung ano ang ginagawa mo riyan ha'

'oo salamat talaga ha' reply ko.

"Let's go baby, Mommy will make a carbonara na lang, do you want to eat carbonara?" Malambing kong usal sa anak ko na seryuso sa binabasa nitong libro. May glasses na rin ito sa mukha.

Hindi ako sanay sa anak ko na ganito. Parang may nag-iba na talaga rito. Ilang araw na itong parang may nag-iba. Hindi na ito ganun ka sweet. Habang tumatagal ay para na itong si Vile sa ginagawa nito.

He became cold and I don't like it.

"Okay Mom" anito at sumunod sa akin na papasok na ulit sa Mansion.

Nakita ko ang pag-upo ni Wade sa sofa na sa sala at nagpatuloy sa pagbabasa ng kung ano. Hinayaan ko na lamang at pumunta na sa kusina. At nakita ko roon na may kanya-kanyang ginagawa ang mga maids.

Kaninang umaga ko pa hindi nakikita si Vile. Siguro may lakad ito at buti na lang wala ito ngayon dahil baka masabunutan ko siya dahil sa ginawa niya sa cellphone ko.

Walang-hiya talaga siya! Nandoon ang personal information ko, mga parte sa school, ngayon ay hindi ko na alam kung anong password ng ibang account ko. Dahil screenshot ko lang kasi ang mga password non at hindi ko na maalala.

--

Tanghali na at nandito ako sa may pool, naglilinis, kinukuha ang mga dahon sa pool gamit ang mukhang pangkuha ng manga.

Mabigat iyon dahil metal, sariling desisyon ko ang maglinis kaya kanina ko pa napapansin na balisa ang tatlong Yaya na nasa unahan ko lang, at nagbabantay sa ginagawa ko dahil sabi nga nila baka mapagalitan sila ni Vile.

Pero hindi talaga ako mapakali basta wala akong ginagawa. Nasa kwarto na rin si Wade, at nababahala ako dahil parang lumalayo na ang loob ng anak ko sa akin.

Bumibigat ang kalooban ko pag nakikita siyang ganun sa akin. Malakas akong napabuntong-hininga at lumipat sa kabilang side ng pool.

"Dahan-dahan Luna Sera," pag-aalala ng isa sa mga Maid.

"Don't worry," sagot ko habang nginitian sila.

Pero nakayuko lamang ulit ang mga ito. Na parang kapag titigan nila ako ay katapusan na nila. Ano ba ang rules na binigay ni Vile sa mga ito? Parang sumusubra naman siguro.

The Father Of My Son Is A Mafia Boss [Completed]  ALPHA ZERO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon