CHAPTER 38: Free?

4.6K 92 5
                                    

Chapter 38

SERAPHINA POV.

Nakaharap ako ngayon sa cabinet ko sa kwarto ko noon dito sa Mansion. May mga gamit pa akong natitira dahil iilan lang naman iyong dinala ko noong tumakas kami ng anak ko. Walang pinagbago kung anong ayos ko pag-alis ay ganito parin..

Pero dahil matagal na ang 4 years ay mukhang nangangaluma na. Wala akong choice kundi isoot ang mga ito saka damit ko naman ang mga ito. Kung pwede lang na maka-alis dito ginawa ko na.

Nagpunta ako sa exit pero nawala na naging pader iyon. Marami na ring puno roon, hindi talaga bakas na may daan.

Dala ang gamit ko na ipapalit umupo muna ako sa kama at kinuha ang phone sa maliit ko na bag.

"Minamalas talaga ako ngayon!" naiinis kong usal dahil 13% na lang ang phone ko, wala pa akong dalang charger. May trabaho pa ako, babalik pa ako sa Dubai para sa anak ko at may trabaho rin ako roon.

Baka nag-aalala na iyong anak ko sa akin.
Tinitigan ko ang wallpaper ko sa phone ang picture namin ni Papa. Napangiti ako at napabuntong-hininga.

Naiiyak parin ako kapag naalala ang huling pag-uusap namin parang kahapon lang ang nangyari lahat dahil sa bawat pag-iisip ko kay Papa ay sariwa parin ang sakit kahit nakaraan na.

--

Nakaupo si Papa sa kama niya kahit hinang-hina na ito dahil pinapakain ko ng lugaw.

"Ayoko na anak busog na ako" pagaw na sabi nito.

"Inom ka ba ng tubig Pa?" usal ko habang tinitignan ang reaksyon nito dahil wala na talaga itong lakas pa.

Pinipigilan ko lamang ang maiyak dahil baka hindi iyon ikinatuwa ni Papa.

"Sige anak" anito na kinuha ko ang tubig na nasa gilid lang ng plato sa mesa na nasa gilid lang ng kama niya at tumayo para gabayan ito sa pag-inom ng tubig.

"Dahan-dahan" mahina at mabagal kong saad dahil may mga tubig na nakatakas sa bibig nito na ikinabasa ng damit ni Papa.

Pagkatapos ay tinulungan ko itong mahiga sa kama, inayos ang kumot at unan nito para maging komportable ito sa pagtulog. Nakatitig lang si Papa sa akin sa ginagawa ko. Napatingin din ako sa kanya at ngumiti ito na ikinangiti ko rin. Ang kahinaan ko talaga kay Papa ay ang ngiti nito dahil lumalambot ang puso ko. Gusto kong maiyak.

Kung nandito lang si Mama baka ayos na ulit kami. Pero hindi na talaga mangyayari iyon dahil hindi na kailanman babalik si Mama.

"Dad," usal ko at hinawakan ang kamay nito, umupo ako ulit sa upuan.

Alam kong nakikinig at naghihintay ito sa sasabihin ko.

"D-Dad in your next life," usal ko habang nauutal at pinipigilan ang maging emosyonal.

"Why Ali?" anito at naramdaman ko ang paghigpit ng kapit nito sa kamay ko pero iyong hindi naman masakit.

"Please be my dad once again" sabi ko habang nagsi-unahan ng tumulo ang luha sa mga mata ko. Kanina pa kasi nag-iinit ang sulok ng mga mata ko at ngayon ko lang nailabas.

"P-Para ano.." napayuko ako at napasigok dahil hindi ko na talaga mapigilan ang mapahagulhol. "I'll be a really sweet daughter to you.." at niyakap ko ang kamay nito habang umiiyak sa harapan niya.

"Shhhh ali" anito may sinabi pa ito pero hindi ko na narinig pa dahil sa iyak ko na palagi kong pinipigilan habang kaharap ko siya.

--

Napapahid ako sa luha at nilagay ang phone sa kama. Hindi ko pa pala talaga kayang pakawalan si Papa. Wala na si Mama sumunod naman si Papa. Masaya na ba sila sa heaven? Kung oo masayang masaya ako kapag nangyari iyon.

The Father Of My Son Is A Mafia Boss [Completed]  ALPHA ZERO Where stories live. Discover now