CHAPTER 41: Rade

4.7K 110 9
                                    

Chapter 41

SERAPHINA POV.

"T-This baby boy is R-Rade... Our second son" usal ko at doon ako nabunutan ng tinik sa katawan.

Nakita ko ang gulat sa mga mata nito. Napa-atras ito at tulalang nakatingin sa litrato at tingin sa akin.

Akala ko hindi ako mabubuntis dahil may ginamit kami pero iyon ang akala ko.

"H-How?" Puno ng pagtataka ang boses nito at ang mga matang hindi naniniwala.

Bigla akong napaluhod at naramdaman ko ang lamig ng tiles, napahilamos ang kamay ko sa mukha ko. Hindi ko kayang balikan iyon. Kaya ayokong pag-usapan ang anak kong si Rade dahil wala na ang anak ko na iyon.

Matagal na itong wala, hindi ko alam kung patay na ba ito o buhay pa. Hindi ko alam kung bakit sa lahat ng nadamay sa kidnapping incident sa Dubai ay ang anak ko pa, sa hospital pa talaga.

Pilit kong maging masaya, kalimutan ang masakit na nangyari, maging toon ang atensyon kay Wade, ang akala ng anak kong si Wade ay pina-alaga ko lang si Rade kay Rifil pero hindi, kasabay ng pag-alis ni Rifil na alam din ang plano ko na sinang-ayunan nito ay ang pagkawala ng anak kong si Rade, para hindi na magtaka si Wade.

Ayokong marinig na pátáy na ang anak ko. Hinahanap ko siya sa Dubai, doon nga ako nagmalagi at pinanganak siya dahil nandoon ang pinamana ni Daddy na ari-arian sa akin.

My baby. Rade.

Ilang beses kong sinisisi ang sarili ko. Napakapabaya ko. Nagmumukha na nga akong kawawa sa Dubai kakahanap sa anak ko.

For pete's sake he is just a 1 years and 4 months ng kinuha ito sa akin.

Wala na nga si Mama, si Papa pati ba naman ang anak ko nawawala rin!

"W-Where is he?" anito na pumantay na sa akin. Puno na ng luha ang mga mata ko. Umiiling ako at napahagulhol, naramdaman ko ang paghawak nito sa balikat ko at pilit akong pinatingin sa mga mata niya.

"Where is he Seraphina?" may diin nitong sabi na ikinakagat ko ng labi, wala na akong lakas pa.

"I-I don't know," mapait kong wika at humahagulhol.

"I don't know! Kaya nga babalik ako sa Dubai para hanapin siya! Ayokong malaman mo na nawawala siya, gusto kong habang nahanap ko siya ay doon ko sasabihin, p-pero--" nag breakdown na ako sa harapan niya.

Napa-atras ito at napatayo. Napatingala ako at nakita ko ang galit at paghihinayang sa mga mata nito.

"H-How could you" anito, "I don't know what to react but.... I am so disappointed!" anito at mabilis na umalis sa harapan ko na tinawag ko pa siya pero hindi ito nakinig.

Umiiyak akong napayuko at parang batang pinagsiklop ang dalawang kamay na sabay lagay ko sa noo ko roon at umiiyak ng umiiyak.

Napapagod ako.

Akala ko maintindihan niya ako.

Masakit din naman sa akin.

Oo nasasaktan ko siya pero nasasaktan din ako!

Maari bang makinig naman siya sa akin.

Habang tumatagal, ang sayang ng mga luha ko.

Ilang oras din akong nagmukmok sa kwarto ni Vile. Pinipilit pakalmahin ang sarili.

Hahanapin ko ang anak ko. Naniniwala ako na hindi pa ito patay, nawawala lang ito!

It hurts. It hurts a lot.

--

Napatingin ako kay Vile sa hapag-kainan pero umiwas din. Ayoko muna siyang maka-usap, maalala ko lang ang anak ko na si Rade.

The Father Of My Son Is A Mafia Boss [Completed]  ALPHA ZERO Donde viven las historias. Descúbrelo ahora