CHAPTER 18: Punishment

6K 92 0
                                    

Chapter 18

THIRD PERSON POV.

Sa Mansion ng Ambani Family ay hindi matigil ang away ng Mommy ni Jewel at ang Stepdad nito na si Mr. Ambani dahil sa maraming dahilan.

Katulad na lang ng malaman ng asawa ng Mommy niya ang ginagawa nito sa casino. At minsan ay may na lick pa na may kasama itong ibang lalaki na mas lalong hindi ikinatuwa ng Daddy Ambani niya.

At isa pa roon ay hindi siya pinapansin nito dahil lang sa sinabi niya na dahilan kung bakit lumayas si Seraphina. Eh kasalanan ba niyang uto-uto ito.

Hindi siya makapaniwala na nalaman nito ang sikreto nilang mag-ina na ikinagalit niya ng husto kay Seraphina.

Wala siyang karapatan! Siya na ang magmamana sa ari-arian nila pero ng dahil sa pagsulpot ulit ng babaeng iyon ay masisira ang plano nilang mag-ina.

"Ano ba Ashton! Wala lang iyon, at hindi na ako magsusugal pa pangako!" Inis pero may lambing na wika ng Mommy ni Jewel na ikinatingin niya sa Daddy niya na kumalma naman, napangiti siya dahil ang bilis talagang lukuhin ng Daddy niya.

Hind siya makapapayag na makuha ni Seraphina ang sa kanya na. Kung kinakailangan na mawala ito sa landas niya ay gagawin niya.

At nagulat siya  na kilala pala nito ang lalaking nagustuhan niya, si Vile Montgomery. Minsan na niyang nakasama si Vile sa Board Meeting sa nasabing pagpupulong sa isang kompanya at nakuha nito ang atensyon niya. Kakaiba ang lalaki sa lahat ng nagugustuhan niya dahil iyon lamang ang hindi siya pinapansin.

Isang Jewel Ambani? Hindi niya papansinin? Siya na isang sikat na designer at anak ng isa sa mayaman sa buong bansa, scratch that she's not the real daughter but she is the heiress of Ambani's Business.

Noong una pa talaga ayaw niya kay Seraphina dahil panira iyon sa plano niya. At dahil may kapalpakan itong ginawa ay iyon ang pagkakataon niya na palayasin ito sa puder sa sariling Mansion nito. At nagtagumpay nga siya sa tulong ng kanyang ina.

Akala niya hindi na ito hahadlang pa pero nang makita na parang malapit ito sa lalaking nagugustuhan ay may namumuong idea sa utak niya.

Sa nangyaring insidente noong isang araw, ay plano niyang pasagasaan ang anak nito. Oo masama na kung masama, ayaw niya sa lahat iyong may sisira sa mga plano niya.

At dahil mabait ang Daddy niya na may kailangan siya sa opisina ay nagmamadali itong pumunta at sakto sa timing na naglalakad ang bata sa highway at wala ng preno ang Daddy niya.

Habang siya ay nasa malayo lang at nakatingin kay Seraphina na naglalakad. Siya rin iyong tao na feeling ni Seraphina na may nakatingin sa kanya.

Pero nagagalit siya dahil nawala na lang ito bigla sa condo nito. Hindi na niya alam kung nasaan na ito nakatira. Ayaw niyang mag-isip ito ng kung ano na baka nalaman nito na ang buhay niya ang gustong makuha ni Jewel.

Sa ngayon ay hindi tumitigil sa paghahanap si Jewel kay Seraphina. Wala na rin kasi ito sa pinagta-trabahuan na bar na palagi niyang pinupuntahan every Sunday or Saturday.

"You fvcking lier! You two fvcking lied to me! Nasagasaan ko ang sarili kung apo! What the heck Jewendy!" Galit na sabi ng Daddy ni Jewel.

"Buhay pa naman ang bata, ano pa ang pinuputok ng butse mo riyan," malditang sagot naman ni Jewendy na mommy ni Jewel.

--

SERAPHINA POV.

"AGHHHHH! Sarap mong sakalin Vile!" sigaw ko sa isipan ko habang nagbubunot ng damo sa garden.

The Father Of My Son Is A Mafia Boss [Completed]  ALPHA ZERO Where stories live. Discover now