CHAPTER 44: White Crayons

4.5K 91 8
                                    

Chapter 44

TRIGGERED WARNING [NOT SUITABLE FOR A SENSITIVE READERS]

SERAPHINA POV.

"Will you marry me?"

Hindi ang katulad ni Vile ang magbiro. Nanlalambot ang tuhod ko. Tulala at gulat akong nakatitig lang sa kanya, habang hawak nito ang kamay ko at naghihintay sa sagot ko.

Sino ba naman ako para humindi diba? Naluluha ako.

"Y-Ye–"

Naputol iyon nang may narinig kaming pagsabog sa loob na ikinatingin namin at nakatitigan kaming dalawa.

Biglang nag-iba ang aura ni Vile. Hinawakan niya ang balikat ko.

"Stay here... Wag kang pupunta sa loob Seraphina, maliwanag ba?" seryusong wika nito, tulala lang akong nakatitig sa kanya.

"Maliwanag ba Seraphina?"

Na ikinatango ko. Nakita ko ang pagtakbo nito sa loob ng bahay, ang malakas na tambol ng puso ko ay hindi na magkamayaw sa kaba.

Gusto ko siyang sundan. Gusto kong alamin ang nangyari sa loob. Pero ayokong maging matigas. May nakita akong madilim na bahagi na lugar sa pool. Kaya pumunta ako roon ng paika-ika.

Mabilis akong napayuko nang marinig ang sigawan at mga putok ng baril sa loob ng bahay. Nanlamig ako, at parang mauubusan ako ng hangin sa sobrang kaba.

Anong nangyari?

Sino ang may kagagawan?

Habang sumisigaw ang mga tao sa loob ay ako naman itong duwag na nakatago.

"ACEEEE!!!"

"MANANG! MANANG WAGG!"

Nanghihina ako sa narinig. Pinipigilan kong mag-isip ng kung ano. Natatakot ako. Parang massacre ang nangyayari. Sana nasa mabuting kalagayan lang si Vile.

Mas napatago ako nang may nahimigan akong mga takbo patungo sa pool. Napatingin ako kung sino ang mga iyon.

Napangiti ako at tatawagin ko sana dahil sila Manang Carmelita at Khyra iyon. Pero nakita ko ang kaba sa mukha nila.

Tumayo ako para tawagin sana sila, dahil mukhang naghahanap ito ng pagtataguan, napatingin sila sa pwesto ko at nakita ko ang galak sa mga mata nilang dalawa.

"Luna Sera"

"Iha"

Pero natood ako sa kinatatayuan nang sabay ang mga itong nakahandusay na sa lupa. Tulala akong napatingin sa dalawa, blanko ang pag-iisip ko. May dugo na sa ulo nila at nagkakalat iyon sa sahig.

Napaluhod ako dahil nanlalambot ang tuhod ko. Punong-puno na ng luha ang mga mata ko, umiiling ako.

Hindi! Hindi ito maaari!

Mabilis akong tumayo, ang sakit at takot na iniinda ko kanina ay nawala habang papalapit na ako sa gawi nilang dalawa.

Napahagulhol ako habang yakap si Manang Carmelita na wala ng buhay.

Ang ikatlong tao na itinuring kong Nanay ay wala na.

Napatingin ako kay Khyra na wala na ring buhay, hinawakan ko ang malamig nitong kamay. Napahagulhol ako, ang kaninang maingay na putok ng baril ay wala na.

Narinig ko ang tinig ng anak ko na tumatakbo sa gawi ko, napalingon ako sa kanya, kasama nito si Vile at si Kael na may mga bigo sa mga mata.

Napayakap ako sa anak ko. Ang sakit sakit. Nalilito ako. Bakit sila pa! Anong kasalanan nila!

The Father Of My Son Is A Mafia Boss [Completed]  ALPHA ZERO Donde viven las historias. Descúbrelo ahora