CHAPTER 24: Pwede na

5.2K 94 1
                                    

Chapter 24

JEWEL POV.

Nandito na naman ako sa harapan ng Mansion ni Vile. Hindi ako titigil hangga't hindi ko nakukuha ang loob nito. Alam ko na magkatunggali sila ng Stepdad ko, at tamang-tama ang plano kong ito para magka-ayos sila.

Aakitin ko siya. Sa ayaw at sa gusto niya. Sa kanya lang ako ganito, nababaliw ng husto kahit hindi naman kami palaging nag-uusap.

Naalala ko na naman ang pagtataboy niya sa akin noong isang araw pero kalaunan ay pinapasok rin ako. Napangiti ako dahil mukhang hinding-hindi rin ako nito mahihindian.

Maganda ako, mayaman, sexy ano pa ang hinahanap niya? I am worth to be his wife. I want him to be mine alone.

Alam kong kabobóhan ang ginawa ko na sa kanya e pàpátáy si Seraphina pero wala akong ibang paraan para makalapit dito. Saka hindi ako nito mapapátáy, hindi ko man alam lahat ng rules sa organisasyon nila sa Mafia dahil ang stepdad ko ay Mafia rin pero alam ko na kapag pumatáy siya sa mga kasali sa rango at kahit kapamilya pa ito ay ang nasa itaas ang papataw ng parusa sa taong pumápátay sa kapatiran nila.

Kaya mataas ang kumpyansa ko na lapitan ang kinaunang rango sa Mafia, nakakatakot man pero mas nangunguna ang emosyon ko.

Bumaba ako sa kotse ko syempre hindi ako nag-iisa, kasama ko ang pinagkakatiwalaan ng Stepdad ko na mga Bodyguard.

Also walang alam si Dad sa pinagagawa ko. Mas lalo akong paghihigpitan non. Swerte ko talaga sa Daddy ko! Sa amin na talaga ang atensyon niya hindi katulad noong una na parang wala lang ako rito at si Mommy lang ang pinagtuunan ng pansin pero ngayon ay I can feel his fairness towards us.

Nakashades ako ngayon at isang fit na gold dress ang soot ko at stiletto na nababagay sa soot ko ngayon.

Nag-vibrate ang cellphone ko kaya maarti ko itong kinuha sa LV ko na bag. Nakita ko roon ang isang text sa company ko.

"Goodmorning Ma'am the files is on your desk. If you have any concern just tell me. Thank you!"

Hindi ko na lang iyon pinansin at pinasok iyon sa bag.

Napalingon pa ako sa kabuuan ng bahay. Sobrang layo ng Mansion niya at sobrang laki mas malaki pa sa Mansion namin, pero kung sa kanya lang din naman ay papayag ako basta makasama ko siya.

"Ms. We don't have received a permission you to get inside here in Mansion"

Napalingon ako sa nagsalita non at isa iyong lalaki na may shades at mukhang Butler. Tama nga ako nakita ko sa Template nito ang Butler 4.

Palihim akong napangiti, hindi naman mainit dahil may mga matataas na mukhang fern sa bawat gilid ng daan hanggang sa gate ng Mansion.

Kapag patutungo pa kasi rito ay may madadaanan pang mahabang daan na gawa talaga sa semento.

"Hmm really? I think Vile didn't tell you that I'm here" sagot ko at plastic na ngumiti sa Butler. Sana kumagat ito sa panloloko ko, Infairness his body is my type. His handsome but my Vile is more handsome.

"I'm sorry to hear that but you're not getting in" anito na ikinainis ko.

"Why?! I have something important to say to Vile!"

Madali talaga akong mainis, hindi ba ako nito kilala? Lahat ay nirerespeto ako pero ito ang lakas ng loob. Isa lamang siyang hamak na Butler!

"Senorito have something important to do too," sagot ng bagong dating na nakita ko sa template nito na Butler 7.

"Where is Vile? Mas importante pa ba ang ginagawa niya kesa sa akin?"

Nakita ko ang pagtaas ng kilay ng dalawa na ikinangisi ko. Ako lang ito.

The Father Of My Son Is A Mafia Boss [Completed]  ALPHA ZERO Where stories live. Discover now