CHAPTER 14: Don't Fall

5.7K 100 2
                                    

Chapter 14

THIRD PERSON POV.

Mabilis ang naging aksyon ng mga armadong kalalakihan at sabay na ikinasa sa isang kotse ang mga baril ng mga ito.

Maririnig ang sigawan ng mga nakakita, nagtatakbo. Habang maririnig naman ang bagong dating na ambulance, hindi na nagpatumpik-tumpik pa mabilis ng mga itong pinasok si Wade sa loob ng ambulansya sakay si Seraphina na umiiyak na hawak ang kamay ng anak habang nakaupo na sa loob at ang Tita Vilma nito na pinapatahan siya, nagpipigil din ito ng iyak dahil may tiwala siya kay Wade na walang mangyayaring masama rito.

Mas lumakas ang iyak ni Seraphina ng maalala kung sino ang bumangga sa anak niya. Hindi siya makapaniwala. Ang sarili niyang ama, binangga ang sariling apo nito. May namumuong galit sa kalooban niya.

Sa pinangyarian naman ay nakatutok na ang mga baril sa isa't isa dahil sa bagong dating na grupo.

Ang kulay ng kasootan sa kabilang grupo ay halos puti na habang sa isa naman ay purong itim. Sa puti ay may 50+ na nakatutok na mga armas sa naka-itim na nasa 40+ lang.

Napaatras ang ibang nakaputi dahil sa presensya ng isang taong lumabas sa isang mamahalin na kotse. Madilim ang aura nito at malamig kong makatingin.

Sa kabilang kotse naman kung nasaan si Mr. Ambani ang tatay ni Sera ay malamig din ang tingin sa taong lumabas sa kotse sa harapan lang niya.

Pero dahil mas marami ang mga tao niya kesa sa lalaki na kalaban niya sa lahat, larangan ng business at sa larangan ng mga legal at illegal na gawain, lumabas si Mr. Ambani ng may kompyansa.

Parang nakalimutan ang nagawa kanina, kahit sa anak pa nito. Ang hindi niya maintindihan bakit ganun na lang umiyak ang anak niya dahil lang sa batang hindi niya sinasadyang nasagasaan.

"Long time no see Alpha 0" usal ni Mr. Ambani sa lalaking malamig lang kung makatingin pero ang aura ay parang gusto na siyang patayín.

Isa pa sa ikinataka niya bakit ito nandito? Bakit ito galit sa kanya? May napagtanto siya konektado ba ito sa anak niya? O sa batang hindi niya sadyang masagasaan? Hindi siya nito mabilis patayín dahil nasa kontrata iyon.

"Alpha 4, you'll safe for now because he's already fine" anito na ikinapikit ng mga taong nasa paligid sa sobrang lamig ng boses nito.

"You mean the boy?" Ngi-ngising wika nito.
At ganun na lang ang ngisi niya talaga nang maging matalas ang titig nito. Pero kalmado pa rin itong nakatayo habang may dalang maliit na mukhang compass.

Sa Organization nila sa Mafia ay may batas, may ranking at ang pinakamataas ay ang Alpha O, sunod ang Alpha 1,2,3 and so on.

"Gusto ko lang naman magdrive ng maayos pero ang tigas ng ulo ng batang iyon!" Naiinis na wika ni Mr. Ambani na hindi nagustuhan ni Alpha O.

"You." Alpha O said dangerously.

Namumutla na ang mga tauhan ni Mr. Ambani dahil lingid sa kaalaman ng lahat ay magka-away talaga ang dalawa. Pero sa pakikipag-usap ng mga ito ay parang sila pa ang natatakot.

"I know you know me already Alpha O, but I'm sorry for your loss earlier to the quadrangle, need pa siguro talaga ng training ang assistant mo" Mr. Ambani said with sarcasm on his voice.

Ang ibig nitong sabihin ay ang illegal na ginawa nila kanina. Na sila lang din ang nakaka-alam.

Pero walang gana lang na nakatingin si Alpha O sa phone nito at sabay tingin kay Mr. Ambani na kanina pa tintago ang panginginig ng tuhod.

"Seraphina" tipid nitong usal na mabilis na ikinakuyom ng kamao ni Mr. Ambani.

"Don't you dare fvcking touch my daughter Alpha 0, hindi kita titigilan kapag dinamay mo ang pamilya ko" seryusong wika ni Mr. Ambani na ang kaninang pang-aalaska ay nawala na dahil lang sa pagbanggit ng pangalan ng anak niya.

The Father Of My Son Is A Mafia Boss [Completed]  ALPHA ZERO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon