CHAPTER 5: Montgomery II

7.4K 141 2
                                    

Chapter 5

SERAPHINA POV.

"A-Anong ibig mong sabihin Vile?" usal ko pero hindi ito sumagot at dala ang anak ko papunta sa kanila ng asawa nito.

"T-Teka bitiwan mo ang anak ko!" nagtitimpi kong usal rito.

Pagkatapos kasi ng picture taking ay hindi man lang nito binitawan ang anak ko. At ngayon ay pupunta kami sa asawa nito. Aba't ano ba ang binabalak ng lalaking ito?!

Nakasunod lang ako rito dahil hawak kasi nito ang siko ko, na parang kinaladkad na ako kasama ang anak ko.

Nang makarating kami sa asawa nito ay ngumiti ang babae sa akin. Habang karga nito ang anak nito.

Napatingin naman ako kay Vile dahil ang kapal ng mukha na kargahin ang anak ko habang ang anak nito ay nasa bisig lang ng asawa nito.

"Hi Seraphina!" Masayang bati sa akin ng asawa nito. Nagtataka akong napatingin sa kanya.

"How did you know my name?" Tanong ko dahil sa pagkaka-alam ko ay hindi ko binigay sa kanya ang pangalan ko.

"Oh" anito at nagtataka ang paningin na tinignan si Vile at tumingin sa akin, "Ahh I think Vile said your name to me" anito at ngumiti sa akin. Napatango ako at napalunok.

Ayoko silang makaharap sa totoo lang.

"Magkaklase lang pala ang anak natin Sera, your son so handsome ha, mana sa Daddy" anito at diniinan ang salitang 'daddy'. Ano ba talaga ang pinupunto nito?

"Patáy na kasi ang daddy niya" matabang kong sagot at tinignan si Vile na malamig lang ang paningin sa akin. Ano?!

"I'm sorry to hear that"

"Nahh nasanay na rin ako. It's bad to say pero baka hindi talaga siya para sa amin..sa akin," patuloy ko sa pagdadrama.

"Ano ba ang dahilan ng pagkamátáy niya?" anito. Tinignan ko lamang siya na at mukhang chismosa rin pala ang babaeng ito.

"Pinátay ko—este inatake siya ng sakit niya" malungkot kong sagot.

Napatango ito at napailing na napatingin kay Vile na kanina pa nakatitig sa akin. Kanina pa rin nanginginig ang mga kamay ko na inilagay ko sa likod ko.

"My ghad! Hindi pa pala ako nagpapakilala I am Margaret Noeme Montgomery," anito at inilahad sa akin ang kamay nito.

"Seraphina" tipid kong sagot at tinanggap ang kamay nito sabay bitaw.

"Magkakilala na pala kayo ni Vile no?"

"A-Ahh oo"

"Excuse me ha, V-Vile akin na ang anak ko, uuwi na kami, may klase pa kasi ako ngayong tanghali" usal ko at kinuha sa lalaki ang anak ko na nakatulog na pala sa bisig nito.

Pero hindi ko makuha-kuha dahil matangkad ito, "Ihahatid ko na kayo" anito. Umiling ako.

Ayoko. Baka ano pang isipin ng asawa niya.

"Wag na baka makadistorbo ako sa family day ninyong mag-asawa" seryuso kong sabi rito.

Napataas ang kilay nito sa narinig sa akin. May gulat sa mga mata nito. At narinig ko naman ang malakas na tawa ni Margaret.

Kaya may pagtataka na nakatingin na ako sa babae na tawa ng tawa. Tinuro pa si Vile at siya.

"Babe mag-asawa raw tayo? Yuck!" Wika ni Margaret.

"She's not my Wife, Seraphina " anito sa may inis na boses. "She's my fvcking sister" malamig nitong pahayag.

Na ikinatulala ko sa harapan nila. What?! At ngayon ko lang napagtanto na magkamukha sila. Yáwá!

The Father Of My Son Is A Mafia Boss [Completed]  ALPHA ZERO Where stories live. Discover now