CHAPTER 12: Kiss

6.3K 109 1
                                    

Chapter 12

SERAPHINA POV.

Napa-atras ako at dahil nakalimutan ko na may tao pala sa likuran ko kaya ang resulta ay nakahawak na ito sa braso ko na ikinagulat ko at ikinatingala kay Kael.

At sakto sa pormang iyon kami nakita ni Vile nang nasa harapan na namin siya at sa mga nakasunod ditong hindi mabilang na bodyguard.

"Careful" usal ni Kael.

"T-Thank you" sagot ko at lumayo sabay tingin kay Vile na malamig lang ang paningin sa amin. Napalunok ako at napayuko. Ayokong malaman ng mga ito na kilala ko ang isa sa pinakamayaman sa buong bansa.

"Brother what are you doing here?" sabi ni Kael na ikinalaki ng mga mata ko at ikinasinghap ng mga kaklase ko.

"M-Magkapatid kayo Kael?"

"S-Shacckks!"

"Kaya pala familiar ang features mo"

"Wews"

Pasimple akong napatingin sa mukha ni Kael na ikinatingin nito sa akin, napaiwas ako ng tingin ng magtama ang mga mata namin. Kaya pala familiar, dahil..

Napatingin naman ako ngayon kay Vile na nag-iigting na talaga ang panga at ang mga mata ay parang hindi na natutuwa, nanlalambot ang tuhod ko dahil sa pagtama ng mga mata namin.

Napahinga ako ng malalim na pasikreto lang naman dahil doon ko lang napagtanto na magkamukha sila pero mas malakas ang aura ni Vile dahil siguro mas matanda ito kay Kael.

"August is okay here, Brother" usal ni Kael nang hindi sumagot si Vile at ako ang na awkwardan sa nangyari. Pero mukhang sanay na si Kael kay Vile, magkapatid kaya kaya sanay na ito.

Pero sino si August?

As in August na month?

"I know," sagot ni Vile at napatingin sa mga kasama ko na ikinapula ng mga babae at impit ang tili ni Jeroff habang hindi naman malaman ng mga lalaking kaklase ko ang dapat na maging reaksyon.

Hanggang sa akin na naman ang paningin niya. Nagtagal ang tingin niya sa akin na ikina-asiwa ko. Tinignan ako nito ulit sa paa patungo sa mukha at wala man lang akong nakita na kung anong emosyon sa mga mata nito.

Ano ba ang nais kong makita?

"H-Hi—"

Walang habas na tumalikod si Vile. Na ikinanganga ni Clarisa dahil hindi man lang siya pinatapos sa pagsasalita.

"Ang rude ng Kuya mo Kael ha! Bakit ngayon mo lang sinabi na kuya pala si Vile!"

"Iyon ang tipo ko masungit...yummy" malandíng wika ni Jeroff na ikinasigaw nito dahil sa hila ni Katie sa buhok nito.

Napailing na lang si Kael, habang ako ay napatingin sa dinaanan ni Vile, wala na sila pero maraming bumabagabag sa isipan ko.

Mukha talaga itong galit.

Nasa kalooban ko na sundan ito at tanungin bakit ito nagagalit?

Balik naman sa dati ang lahat, ang mga lalaki ay naliligo na ulit sa dagat kasama si Kael, habang kaming mga babae pati si Jeroff na binabae ay nandito pa rin sa bahay-bahayan.

"Ang gwapo ni Vile diba Jamaica?" nag de-daydream na sabi ni Katie.

"Oo, nag e-exist pala ang ganung kagwapo," kinikilig na sagot ni Jamaica na ikinatitig nila ni Katie sabay tili.

"HUY! ANG LANDÍ NIYO! MATUTULAD DIN KAYO NITONG KAY CLARISA NA SINUSUPLADUHAN! AYAN KAWAWA HAHAHAHAHAH! KUNG AKO SIGURO IYON HINDI AKO GAGANUNIN NI FAFA VILE!" May kumpyansang wika ni Jeroff na ikinangiwi ng mga babaeng kasama ko.

The Father Of My Son Is A Mafia Boss [Completed]  ALPHA ZERO Where stories live. Discover now