CHAPTER 32: Decision

4.7K 82 1
                                    

Chapter 32

SERAPHINA POV.

Napakapit ako ng mahigpit sa katawan ni Vile nang pina-andar na nito ang motor niya. Napapikit ako at nanginginig, mas humigpit ang kapit ko sa kanya nang parang bumilis ang takbo ng pagpapa-andar nito.

"V-Vile slow down please" wika ko habang nakapikit at mahina lang iyon pero mukhang narinig naman nito dahil naramdaman ko ang paghina ng andar ng motor.

"Alright" anito.

"M-Maari ba tayong tumigil sa SM, Vile? Kung pwede lang naman"

"Okay"

"Thank you!" Nakangiti at nakapikit parin ako. Habang nakasakay ako ay iyong takot na naramdaman ko ay parang naibsan dahil parang nasanay na ako.

--

"Vile punta lang ako sa may biscuits, nauubusan na kasi ng stock si Wade"

"Hmm.. I'll accompany you"

Nakita ko na lamang na nauna itong maglakad sa akin. Napangiti ako dahil first time kong bumili ng mga kailangan ni Wade ng may kasama at kapag sinuswerte ay ang ama pa nito.

Pero habang papunta kami roon naiinis ako dahil ang daming nagpapansin kay Vile. Napaiwas na lang ako ng tingin para maibsan ang inis. Kahit gabi na ay marami pa ring bumibili. Maririnig ang Christmas Song sa buong lugar.

"Pumili lang kayo Sir"

"Para sa pinsan niyo po ba ang bibilhin niyong gatas?"

"Tama lang ang tamis niyan sir"

"May napili na po ba kayo Sir?"

Napakunot na ang noo ko at nakakuyom at nanginginig ang kidney ko sa loob dahil sa saleslady na kanina pa nagpapansin sa boyfriend ko.

At kanina pa ako kasama ni Vile pero hindi man lang ako pinapansin ng saleslady. Hah! Inaakala ba nito mutsatsa ako ni Vile? Yaya? Maid? Katulong? Assistant? Auxiliary? Servant? Helper? Attendant? Maidservant? Housemaid? Handmaid? Maidkin? Maidlike? Domestic? Errandgirl? Colaborer? Adjuvants? 
Maid of Honor nila?! Asa! Hindi siya invited sa kasal namin sino ba siya?!

"Can you leave? I am with my Wife." Malamig na usal ni Vile sa babae habang nakahawak na si Vile sa bewang ko.

"O-Oh I'm sorry sir/ma'am" anito habang hindi makapaniwala na nakatingin sa akin at yumuko rin.

Napabuntong-hininga ako nang makabalik ito kung saan ito nakatayo kanina. Buti na lang at hindi ito masungit na saleslady, may mga masusungit kasi palagi kong naranasan iyan dito, mukhang bago iyon.

"Tinakot mo pa tuloy, at anong Wife? Hindi pa tayo kasal huy!" pigil ang ngiti ko habang nilalagay ang mga gatas na napili sa cart.

"Huy?" he ask unbelievably

Naramdaman ko ang pagtaas ng balahibo ko. Napatingin ako rito at parang magtatampo na naman ito dahil hindi ko na naman nababasa ang emosyon nito sa mga mata.

"E-Eh hehehe may lakad ka ba bukas iyong lakad sana natin ngayon? Pwede ako" pag-iiba ko sa topic dahil baka umabot na naman kami kinabukasan sa pagtatampo nito.

Isang mafia na malamig sa yelo na mahilig magtampo...awards goes to Vile Montgomery II!

"Next week" tipid nitong sagot.

Ang sarap niya talagang kausap! Oo! Sobra! Buti na lang hindi ako sobrang slow, naiintindihan ang isa, dalawa...sampong words ng bawat isasagot o sasabihin nito.

--

Kinabukasan ay sobrang busy namin dahil sa mga lulutuin, mamayang hapon kasi ang balik ng pamilya ni Vile sa New Zealand. May private jet kasi ang mga ito kaya hindi na hassle sa kanila ang pumuntang airport. Mayaman nga naman.

The Father Of My Son Is A Mafia Boss [Completed]  ALPHA ZERO Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang