CHAPTER 33: Who owned you?

11.4K 129 7
                                    

Chapter 33

WARNING VERY MATURED CONTENT R-18

SERAPHINA POV.

"I love you" sabi ko ng buong pagmamahal, sensiro at walang biro. Galing sa puso na ikina-init ng sulok ng mga mata mo.

Nakita ko ang kislap sa mga mata nito.
Ayos lang sa akin na hindi marinig na mahal ako nito basta nasabi ko na mahal ko siya.

"I love you more baby" he said  sincerely while he kissed the back of my hand.

Napangiti ako ng malaki habang may luha sa mga mata.

Nakapagdesisyon na ako.

"Are you crying?" he ask and caress my face na ikinailing ko. Buti na lang hindi nahulog ang luha ko nanatili lamang ito sa mga mata ko.

"I'm so happy Vile kaya naiyak ako" usal ko at ngumiti sa kanya, totoo rin naman na masaya ako dahil sa wakas ay naging akin siya pero dalawang dahilan lang kasi kung bakit ako naiiyak ngayon.

Sa ama ko at sa kanya. Naniniwala kasi ako kay Kuya Rifil, hindi iyon magsinunggaling sa akin. Pumikit si Vile habang hawak ang kamay ko na inilagay nito sa pisngi nito.

"Baka hinahanap ka na roon sa baba" mahina ang pagkakausal ko.

"Don't mind them, mas gusto kitang kasama" anito na ikinatuwa ng puso ko, napatingin ako ulit sa mga light's sa labas.

Tama nga ang sinabi nila na buo na ang araw mo pag kasama mo ang taong mahal mo.

Dalawang buwan lang Vile. Pagkatapos ng dalawang buwan ay babalik ako kung may babalikan pa ako. Alam kong masasaktan ka sa pag-alis ko, alam kong malaki na ang kasalanan ng ama ko sa'yo na pupunan ko pa.

"Inaantok ka na ba Vile?" usal ko dahil naging balanse na ang paghinga nito. Napangiti ako at tinitigan ang buong mukha nito.

Akala ko wala ng hahadlang pa dahil tanggap na ako ng Mommy mo pero marami pa palang balakid. Nasasaktan ako sa gagawin ko pero kung magpatuloy ako rito ay baka pagsisihan ko rin ang desisyon ko.

Nag-iisang pamilya ko na lang si Papa. Ikaw ay may mga pamilya pa. May nawala sayo na kagagawan ni Papa pero may nanatili parin sa'yo. Pero kapag ako ang nawalan ng ama, wala ng kahit na sino ang mananatili pa.

Tumingala ako at napakibot ang labi. Habang dahan-dahang ulit sinuklay ang malambot na buhok ni Vile. Yumuko ako at napatitig sa labi nito.

Gusto ko siya halikan sa huling pagkakataon ngayon. Dahan-dahan kong nilapat ang labi ko at naramdaman ko ang malambot nitong labi sa labi ko, nagtagal ako roon, nakalapat lamang wala akong ginawa, pagkatapos ay tinanggal ko saka hinawakan ang labi nito.

"Mahal na mahal kita Vile" usal ko at napalunok para pigilan ang sarili na mautal. At sana pag balik ko ako pa, pero kung hindi na magiging masaya na lamang ako para sayo.

I'm sorry sa gagawin ko ha. Nalilito kasi ako kung anong gagawin ko kaya pinili ko na lamang umalis at makasama ang ama ko.

Hindi ako umalis sa tabi niya sa mga oras na iyon hanggang sa magising ito. Nanatili pa kami roon ng ilang minuto hanggang sa bumalik na siya sa ibaba.

Pumunta naman ako sa kwarto ni Wade. Binuksan ko ang cabinet ng anak ko at kumuha ng bag na maliit dahil iilang gamit lang ang dadalhin namin ng anak ko. Para hindi kami mahirapan sa pag-alis.

May alam na kasi akong exit dahil kay Kael.

Tinago ko muna iyon sa ilalim ng kwarto ng anak ko ang gamit nito saka lumabas na.

The Father Of My Son Is A Mafia Boss [Completed]  ALPHA ZERO حيث تعيش القصص. اكتشف الآن