CHAPTER 10: Age

6.4K 123 4
                                    

Chapter 10

SERAPHINA POV.

"Wife"

Napa-igtad ako at mabilis na tumingala sa lalaking nakahawak nasa bewang ko. Ang tibok ng puso ko. My knight in shining armor.

"V-Vile" nauutal kong sabi. Ang gwapo nito.

Pero teka 'Wife?' Ha?! Nabingi lang siguro ako. Tama.

"Excuse us" he said while staring coldy on where Jewel and her friends is. Then grabbed me off while clueless is on mind, what's happening? Why is he here?

Napalingon pa ako ulit kung nasaan si Jewel at hindi ito makapaniwala sa nakikita at bigla ako nitong tinignan ng masama pero binalewala ko na lang iyon.

Ang sa akin ngayon ay ang taong ito na ikalawang beses na akong hinila sa harapan ni Jewel. Para itong kabute. Minsan na nga lang makita pero kapag may nangyayari at mangyayari pa sa akin ay susulpot ito. Na parang lahat ng galaw ko ay binabantayan nito.

"T-Teka Vile, iuuwi mo ba ako?" usal ko ng malakas dahil malakas din kasi ang music. Tumigil ito at lumingon sa akin pero hindi pa rin binibitawan ang kamay ko na hawak na nito ngayon.

Sana hindi nito maramdaman ang panlalamig ng kamay ko. Ayokong pamulahan pero namumula talaga ako. Buti na lang at hindi maliwanag ang loob.

"There is a place you want to go after this?" anito, nakita ko pa na nalukot ang kwelyo nito na mukhang nagmamadali ito. Kaya inayos ko iyon, seryuso ako sa ginagawa ng may napagtanto ako, dahan-dahan akong napalingon sa kanya at nakita ko ang paglamlam ng mga mata nito pero hindi ko ito nakitaan ng kahit anong reaksyon nanatili ito sa malamig na ekspresyon.

Napa-atras ako at napaiwas ng tingin. Bakit ko ba ginagawa iyon? Hindi ko rin alam.

"W-Wala na akong pupunta, may trabaho pa kasi ako"

Tumango ito at nakapamulsa habang tinitignan ang relo sabay tingin sa akin.

"Alright, I'll just wait you"

"H-Ha wag na," usal ko dahil bakit niya pa ako hihintayin?! Baka naka-abala ako!

"Table 44," anito na hindi pinansin ang pagtanggi ko dahil tumalikod na ito at pumunta na sa Table 44.

Hah! Hindi ko ma open iyong 'Wife' na sinabi nito. Dahil baka guni-guni ko lang talaga iyon.  Bakit niya naman sasabihin iyon? Hindi naman niya ako asawa eh.

Napabuntong-hininga ako at kagat labing nakatingin sa gawi niya na umupo na roon at nag-iisa. Napalunok na lang ako habang nakatingin sa gawi nila jewel na hindi na matanggal ang mga mata sa gawi ni Vile na parang wala lang din namang paki sa nakatingin sa kanya.

Para naman akong nagsisisi na hindi umuwi. Ang dami na kasing nakatingin sa lalaki habang nagtatrabaho ako. Buti hindi na ako ginambala nila Jewel dahil siguro nandito si Vile.

15 minutes na lang at matatapos na ang trabaho ko.

"Table 45 Sera"

"Okay" nakangiti kong usal kay Jaekhyung habang binigay sa akin ang mga drinks. Bartender ito dito sa bar at napaka-badboy look nito. Estudyante rin ito na katulad ko. Ang napapansin ko lang sa kanya ay hindi ito palangiti. Seryuso lang talaga ito.

Dala ang order sa Table 45 ay napansin ko na may mga babae na ang lumalapit sa gawi ni Vile na ikinatigil ko sa ginagawa. Napaiwas na lang ako ng makaupo ang mga babae at magpakilala sa lalaki na wala pa ring paki sa paligid.

10 minutes na lang.

"Ate ako na riyan, pwede ka ng umuwi ng maaga" usal ni Mikaela na papalitan na ako dahil ruta na niya.

The Father Of My Son Is A Mafia Boss [Completed]  ALPHA ZERO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon