Chapter 1

348K 5K 506
                                    

A/N: This is the Book 2 of WHEN MISS GENIUS GONE MAD.

Jennifer

Nagising ako dahil sa lamig na bumabalot sa silid kung nasaan ako ngayon. Bumangon ako saka inilibot ang aking mga mata sa buong paligid. This place looks like a five star hotel room. Wait, paano akong napunta rito?

Ilang sandali pa ay halos mapatalon ako sa gulat sa biglaang pagsulpot ng boyfriend kong si Dustin na ang suot lang ay puting bathrobe. Kung titingnan ay parang kakatapos lang niyang maligo.

"Gising ka na pala, kumustang pakiramdam mo?" Tanong niya saka naupo rin sa kama at pinupunasan ang basa niyang buhok ng towel.

"Bakit mo ginawa 'yon?" Tanong ko, nang sa wakas ay maalala ko na kung ano ang nangyari. Boyfriend ko si Dustin at mahal ko siya pero galit ako sa ginawa niya sa'kin.

"Ginawa ang alin?" At nagmamaang-maangan pa!

"Puwede ba Dustin, alam mo kung ano ang tinutukoy ko. Bakit?!" Tanong ko uli sa kaniya.

"Ah, did you mean..." Nakuha pa niyang magpakawala ng mapang-asar na ngisi sa harap ko. "'Di ba ang sabi ko sa'yo, na gusto ko, ako ang una?"

"Nang dahil lang do'n? Bakit ka ba ganyan? Gusto mo, lagi kang una. Hindi pa ba sapat na ikaw ang una kong boyfriend? At ikaw din first kiss ko." Pagmamaktol ko pa.

"Pero hindi ako ang first love mo." Hirit niya, which is, totoo naman.

"Hindi rin naman ako ang first love mo ah!" Banat ko naman sa kaniya. Naiinis talaga ako kaya nagmadali na akong lumabas dala ang aking bag. Naririnig ko pang tinatawag niya ang pangalan ko pero hindi ako lumingon pabalik. Bahala siya sa buhay niya!

Paglabas ng kuwarto ay saka ko pa lang nalamang narito pala ako sa Grande Hotel. Naalala ko tuloy na sa restaurant ng hotel na ito kami unang nag-dinner date ni Dustin no'ng first monthasary namin, kung saan three hours lang naman akong naghintay sa kaniya. 'Yon pa 'yong time na niligawan lang niya ako para pag-tripan kaya wala na 'yon sa'kin at never naman na niyang inulit iyon.

"Beh!" Sambit ni Dustin na nagkapagbihis na agad ng damit at nakahabol sa akin. Bakit ba kasi ang tagal bumukas nitong elevator na 'to!

"Huwag mo nga akong mabe-beh Dustin. Galit ako sa'yo!" Frustrated kong sinabi. "That was my first... Tapos..."

Nga pala, about our term of endearment, I came up with 'Beh' para lang talaga asarin si Dustin noon dahil alam ko namang pinagti-tripan lang niya ako. Pero no'ng maging kami uli ay siya mismo ang nag-suggest iyon na lang ang itawag namin sa isa't-isa.

"Tapos?" Sabat nang napadaang si Kuya Derek and he confronted his brother. "Hoy Dustin! Tell me mali ang iniisip ko. It was Jen's first and you did against her will?"

"Opo." Sumbong ko kay Kuya.

"What the---" Sa galit ay nabatukan tuloy ni Kuya Derek si Dustin. "How could you do that to an innocent girl?"

"Kaya ko nga ginawa 'yon eh, because she's innocent. Sinong matinong boyfriend ba ang hahayaang makakita ng hubad na lalaki ang girlfriend niya? Wala 'di ba? Ayoko siyang makakita ng lalaking nakahubad. Kung makakakita man siya no'n. Gusto ko, ako lang. That's the reason why I did all of this."

"What?" Naguguluhang tanong ni Kuya Derek at para naman maunawaan niya ang mga sinasabi ni Dustin ay inilahad ko sa kaniya ang buong kuwento.

Excited kami ng classmate kong si Aika habang inaabangang magsimula ang isang event dito University kung saan kami parehong kumukuha ng Education course. Sa starting point pa kami naka-puwesto para sa oras na lumabas na ang mga participant ng event ay tiyak na kami ang unang-unang makakakita sa kanila.

When Mr. Gorgeous is JealousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon