Chapter 4

100K 2.7K 81
                                    

Jennifer

Lalong nadagdagan ang kaba ko no'ng makarating na kami ni Dustin sa party.  Kahit saan ako lumingon ay kita at ramdam kong hindi ako nababagay sa lugar na ito.  Ang mga tao lang naman na narito ay puro galing sa mayamang pamilya, hindi tulad ko na kabilang lang sa lower class.

"Beh, puwede bang sa ibang araw mo na lang ako ipakilala sa Daddy mo.  Kinakabahan talaga 'ko eh."  Pakiusap ko kay Dustin.  Hindi naman sa wala akong interes na makilala ang Daddy niyang si Mr. Juanito Villaverde.  Sa totoo lang ay itinuturing ko 'yong isang malaking karangalan, ang problema lang ay itong nerbyos ko.  Siguro, kung kami-kami lang at walang ganitong party ay baka hindi ako gaanong kabahan.  Pero iba kasi ito, maraming mga mata na puwedeng tumingin at manghusga sa'kin, at 'yon ang hindi ko kayang harapin.

"Pero nandito na tayo, relax ka lang kasi."  Sabi ni Dustin na sa tingin ko'y hindi ko magagawa.

"Oh, look who's here."  Sambit ng isang pamilyar ang boses na biglang lumapit sa amin.  "Hi Jen, how are you?  I'm so glad to see you again."

"Masaya rin akong makita ka ulit Faith."  Tugon ko kay Faith at namangha ako nang makita na lalo siyang gumanda.

Ilang sandali pa ay si Ashley naman ang lumapit sa amin.  Nag-beso siya kay Faith at pagkatapos ay sa akin. 

"Are you alright Jen?  You look pale."  Ani Ashley na halatang worried para sa akin.  Bigla namang hinaplos ni Dustin ang pisngi ko kaya nagulat ako

"Oo nga, ang putla mo.  If you're really that nervous, sige, iuuwi na lang kita.  I'll just introduce you to my Dad on some other time."  Pagkatapos sabihin iyon ni Dustin ay parang lumuwag ang paghinga ko.

"Don't tell me aalis na kayo, 'di ba kararating niyo lang?  Why not enjoy in this party first before leaving?"  Sabi ni Faith saka kumapit sa braso ko dahilan upang mapabitaw ako kay Dustin.  Hinila niya ako at dinala sa isang table na may apat na lalaking umiinom at nagkukuwentuhan.  Kilala rin nina Dustin at Ashley 'yong apat kaya ako na lang ang ipinakilala ni Faith sa mga ito.

"By the way Jen, what is your family's business?"  Tanong no'ng lalaki na ang pangalan ay Cedric.  Ang pamilya daw nila ay may ari ng isang kilalang courrier business.

"Actually, they don't have a business.  Her parents are both employed as house helpers."  Sagot ni Faith kahit hindi naman para sa kanya 'yong tanong.  Maiinis sana ako pero naisip kong huwag na dahil totoo naman ang mga sinabi niya.

Kung may naiinis man, palagay ko'y si Dustin na 'yon dahil sa mukha niyang hindi maipinta.  Nginitian ko na lang siya at gamit ang aking mga mata ay sinabihan ko siyang huminahon lang.

Habang patuloy pa kami sa pagkukuwenthuan ay napansin ko na may naiwang ketchup sa gilid ng bibig ni Cedric.

"Excuse me Cedric, may ketchup ka sa bibig mo."  Sabi ko at nagmagandang loob na ring abutan siya ng tissue. 

"Oh, would you please wipe it for me?"  Request niya saka bahagyang inilapit sa akin ang kanyang mukha.  May hawak kasi siyang inumin sa kanan at cellphone naman sa kaliwa.

Hindi naman ako nag-atubili na pagbigyan ang request ni Cedric dahil hindi naman 'yon mahirap gawin.  Pupunasan ko na sana ng tissue ang bibig niya pero napatigil ako nang biglang magsalita si Dustin sa galit na tono.

"May kamay ka, bakit hindi ikaw ang magpunas ng marumi mong bibig."  Sambit ni Dustin na para bang gusto nang patayin sa titig si Cedric.

"Whoa!  Bakit ang sama mong makatingin?  Hindi ko inaagaw 'yang girlfriend mo!"

"Akala mo ba hindi ko napapansin, kanina pa masama ang tingin mo sa kaniya."  

"What do you mean?  Masama bang tingnan ang girlfriend mo?  Bakit mo pa siya dinala dito kung ayaw mo naman palang may tumingin sa kaniya?  Sana tinakpan mo na lang sako ang ulo niya para walang makakita sa kaniya."  Si Cedric na mataas na ang boses.

"I don't like the way you stare at my girl.  Kulang na lang hubaran mo siya sa pamamagitan ng mga titig mo, g*go ka ba?!"  Ani Dustin at pagkatapos ay padabog na tumayo. 

"Guys please, don't make a scene here."  Awat ni Ashley kina Cedric at Dustin.  Maya-maya pa ay may isa pang nagsalita.

"What's going on here?"  Sabi ng isang babaeng kakalapit lang dito.  "Dustin, nandito ka lang pala, kanina ka pa hinahanap ni Junnie.  Bilisan mo at puntahan mo na ang Daddy mo."

"Sorry Tita Erlie, but I have to go."  Matapos humingi ng pasensya ni Dustin ay hinila na niya ang kamay ko palayo doon.

---

"Ang kapal ng mukha niya.  Ang lakas ng loob na ipakita sa harap kong pinagnanasaan ka niya."  Gigil na sambit ni Dustin habang nagmamaneho.  "At ikaw?"  Baling niya naman sa akin.  "Sinabi lang niyang pinasan mo ng tissue ang bibig niya, susundin mo naman.  Ano ka, uto-uto?"

"Ano?"  Hindi ko napigilang magtaas ng kilay.

"Ang sabi ko, uto-uto ka ba para sundin ang utos ng lalaking manyak na 'yon."  Nako po, Napa-praning na naman si Dustin.

"Hindi ako uto-uto! At bakit mo siya tinatawag na manyak, wala naman siyang ginagawa ah!"

"Anong wala?  Don't tell me, hindi mo nahalata ang kamanyakan niya?  Kung sa bagay, busy ka kasi sa sa pakikipag-chikahan sa kanila eh.  Ang sabi mo kanina nine-nerbyos ka, pero no'ng kausap mo na sina Cedric, biglang nawala ang nebyos mo.  Wow!"  Sabi pa niya sa sarcastic na tono habang umiiling.

"Anong pinagsasabi mo diyan?  Puwede ba Dustin, huwag mo 'kong umpisahan!"  Ang sabi ko dati ay pagpapasensyahan ko na lang ang ugali ni Dustin pero may oras pa rin talagang mauubos din ang baon kong pasensya.

Hindi na ulit ako nagsalita hanggang sa makarating kami ng bahay.  Ilang minuto rin kaming naghintayan kung sino sa amin ang unang iimik hanggang sa si Dustin na 'yong nauna.

"I'm sorry."  Seryoso niyang sinabi saka kinuha ang kamay ko at hinalikan 'yon.  "Sorry na."

Diretso lang ang tingin ko dahil naiinis pa rin ako sa kaniya dahil tinawag lang naman niya akong uto-uto.  Masakit kaya ang matawag na uto-uto lalo na nang sarili mong boyfriend at sa araw pa mismo ng anniversary niyo.

"Jen."  Tawag pa niya sa pangalan ko.  "May sasabihin ako."

"Pagon na 'ko Dustin, gusto ko nang magpahinga."  Sabi ko habang hindi man lang tumitingin sa kaniya dahil naiinis pa rin ako.  Bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse pero hindi ko nagawa dahil sa mga salitang binitiwan niya.

"I'll be leaving to the States next month."

When Mr. Gorgeous is JealousWhere stories live. Discover now