Chapter 7

84K 2.3K 45
                                    

Philip

Mabuti na lang at nagawa kong pigilan ang sarili ko kanina na patulan si Jen.  Masakit 'yong ginawa niyang panghahampas ng walis tambo pero tiniis ko na lang.  Maaring nagpapa-iyak ako ng babae pero never kong gagawin ang mag-buhat ng kamay sa kanila. 

Bukod sa pambubugbog ni Jen ay ikinainis ko rin ang sinabi niyang...

"Basta ang alam ko lang ay dalawang beses na kitang nakita na may dinalang babae sa Grande Hotel.  I don't need to know you para malaman kung anong klaseng lalaki ka.  Wala kang kuwenta at nakakasuka ka!  Alam mo, ni ang tingnan ka nga lang ay parang hindi ko na kaya eh!"

Paano nasabi ni Jen na dalawang beses na niya akong nakita na nagdala ng babae sa Grande Hotel, eh samantalang ang pagkakatanda ko ay isang beses pa lang naman, at si Aika ang kasama ko no'n.

Nag-isip ako hanggang sa wakas ay may'ron akong maalala.

"Uy Dustin!"  Bati ko kay Dustin nang mag-bukas ang elevator.  Sa hitsura ng gulat niyang mukha ay natitiyak kong nakita niya ang ginagawa namin ni Patricia.  Wala naman kaming ginagawang masama ng Babe ko, naghahalikan lang naman kami.  Napatingin ako sa kasama niyang magandang babae.  "Is that your girlfriend?"  Tanong ko pero hindi niya 'yon sinagot.

"Tara beh, sa kabila na lang tayo."  Naiiritang sinabi ni Dustin saka hinila ang kamay no'ng kasama niya patungo sa kabilang elevator.

"Grabe ka naman bro, hindi ko naman aagawin 'yan eh.  Ipakilala mo naman sa'kin."  Hirit ko pero hindi niya pa rin ako pinansin.

"Kilala mo babe?"  Tanong ni Patricia sa akin.

"He's my step brother."

Naiintindihan ko na ngayon kung bakit pakiramdam ko ay pamilyar sa akin si Jen, 'yon pala ay nagkita na kami bago pa siya ipakilala sa akin ni Aika.

Ibig sabihin nito ay si Dustin pala ang tinutukoy ni Aika na dalawang taon nang boyfriend ni Jen.

Napailing ako at hindi ko mapigilang tanungin ang aking sarili kung alam kaya ni Dustin na may pagka-war freak ang girlfriend niya? 

Siguro kapag may kasalanan si Dustin ay nakakatikim siya ng hampas ng walis tambo kay Jen.  Nakakatawa namang isipin!

---

Pasalamat pa rin ako dahil kahit na nabugbog ako nina Aika at Jen ay hindi ako pinabayaan ni Cindy. 

Sinamahan ako ni Cindy sa aking condo para magamot 'yong braso kong may mga tama.  Maya-maya ay nag-aya na rin siyang umuwi pero pinigilan ko.

"Bukas ka na umuwi, hatid na lang kita sa inyo bukas ng umaga."  Sabi ko sabay pa-cute ng todo.  Hindi naman ako nabigo dahil pumayag agad siyang dito na sa condo ko magpalipas ng gabi.  Pero siyempre, hindi lang tulog ang ginawa namin.  Cindy and I slept together, if you know what I mean.

Kinabukasan ay nagising ako gawa ng maingay kong cellphone.  Sino naman kaya ang istorbong ito na ang aga-agang tumatawag.

"Hello?" 

[Bakit hindi ka nag-attend ng party kagabi?  Birthday party 'yon ng Tito Junnie mo pero hindi mo sinipot!  Anong klase ka?!  Kahit kailan, wala ka nang ibinigay sa'kin kundi puro sakit ng ulo!] 

Dahil sa malakas na boses ni Mama ay nawalang bigla ang antok ko.

"Sorry Ma, masama po kasi ang pakiramdam ko eh."  Sabi ko matapos bumangon mula sa pagkakahiga.  At para maniwala si Mama ay nagkunwari pa akong umubo.

[Tumigil ka Philip, hindi mo 'ko maloloko.  Ang sabihin mo, nambabae ka, kaya pati ang birthday party ng asawa ko ay binalewala mo.  Simpleng pag-attend lang ng party, hindi mo pa kayang gawin.  O baka naman nakakalimutan mo nang galing sa asawa ko ang lahat ng bagay na may'ron ka ngayon.  'Yang kotse mo, 'yang tirahan mo at 'yang pera na ginagastos mo sa pambababae!  Galing lang naman ang lahat nang 'yan sa Tito Junnie mo!]

Si Mama talaga, hindi naman niya kailangang ipag-sigawan pa 'yon dahil alam ko naman 'yon.  At alam ko ring 'yon ang dahilan kung bakit parating galit sa akin si Dustin, winawaldas ko kasi ang pera ng ama nito sa mga walang kabuluhang bagay.

"Sorry talaga Ma, pero nag-message naman ako kay Tito at sinabi ko sa kaniya na may sakit ako kaya hindi ako naka-attend.  Okay lang naman daw, sabi niya."  Paliwanag ko at pagkatapos ay narinig ko ang buntong-hininga ni Mama.

[Then you have to make it up to him.  Mamaya, pumunta ka sa bahay and join us for dinner.  At huwag na huwag mong kalimutang magdala ng regalo, maliwanag?]

"Okay, I understand."  Sabi ko na lang para matigil na si Mama.  Ilang saglit pa ay tumayo na 'ko at naligo dahil kailangan ko pa ihatid si Cindy pauwi sa bahay nito.

---

I gave Tito Junnie a watch as a birthday present, kahit alam kong hindi na niya 'yon kailangan dahil for sure, marami na siyang relo.  Nagustuhan naman niya 'yong model at brand na napili ko kaya ayos na.

Kumain na kami kahit wala pa si Dustin.  Bakit kaya late siya, siguro nag-date sila ni Jen.

Speaking of the devil, maya-maya ay dumating na din ang step bro kong laging mainit ang dugo sa'kin.

"Nag-date siguro kayo ng girlfriend mo 'no?"  Tanong ko kay Dustin na nag-kunot lang ng noo.

"Girlfriend?  'Yon ba 'yong sinama mo sa party na according to Faith ay anak daw ng katulong?"  Sabat ng Mama kong minsan ay kaiinisan mo na lang dahil matabil ang dila.

"By the way Dustin,"  Si Tito Junnie naman ngayon ang nagsalita at mukhang may mahalaga siyang sasabihin sa kaniyang youngest son.  "Regarding your studies in Harvard, be ready because you will be leaving in three days."

"Three days?"  Sambit ni Dustin na halatang nagulat.  "I thought next month pa?"

"Marami ka pang kailangang asikasuhin kaya mas mabuti kung aalis ka ng maaga.  Naka-prepare na lahat.  Kaya maghanda ka na rin." 

"But Dad..."

"No buts Dustin, just do what I say."  Sabi ni Tito sa matigas na tono kaya hindi na naka-imik pa si Dustin.

"So you'll be studying abroad?  Paano si GF?"  Tanong ko dahil curious lang.  "Ganito na lang bro, ako na munang magbabantay sa kaniya habang wala ka, okay ba?"

Hayan na naman ang mga nakamamatay na titig ni Dustin.  Ibig sabihin ba niyan ay ayaw niya sa suggestion ko? 

"Stop that nonsense Philip at kung ako sa'yo mag-ready ka na din dahil sasama ka kay Dustin sa States para mag-aral sa Harvard."  Pahayag ni Mama na sana naman isa lang malaking joke.

"What?"  Hindi makapaniwalang sabi ko.

"You heard me right son.  The two of you will be leaving in three days.  Kaya maghanda-handa ka na rin."

"Ayoko Ma."  Giit ko

"But, It's for your future hijo."  Sabi ni Tito Junnie.  Gustuhin ko mang kumontra ay hindi ko naman magawa dahil nakakahiya sa kaniya.

Nakakainis!  Ibig sabihin ba nito ay tapos na ang maliligayang araw ko?

When Mr. Gorgeous is JealousWhere stories live. Discover now