Chapter 51

61.5K 1.5K 85
                                    

Jennifer

"Panahon na naman pala ng mga JS Prom'no?" Sabi ni Ashley sa amin ni Zac na nandito ngayon sa dress shop niya para kunin ang mga damit na gagamitin namin sa JS Prom na magaganap bukas.  "Naalala ko pa, 'di ba JS Prom din natin noon no'ng sagutin mo si Dustin?  Kailan nga 'yon, six years ago?"

"Oo. bukas, six years na kami."  Sabi ko. 

"Wow, congrats." Bati sa akin ni Zac.  "May balak na ba kayong magpakasal?"

"Hindi pa namin 'yan napag-uusapan."

"Kung sa bagay, ang kasal ay hindi dapat na minamadali.  Dahil sabi nga nila, ang pagpapakasal ay hindi isang kaning isusubo na kapag napaso ka ay basta mo na lang itong iluluwa.  Dapat ay siguradong-sigurado kang siya na talaga ang gusto mong makasama habang buhay para wala kang pagsisihan pagdating ng araw."  Sabi ni Zac na agad ko namang sinang-ayunan.

Pero siyempre, bilang babae ay nangangarap rin akong maikasal sa lalaking mahal ko at siguradong-sigurado na akong si Dustin na 'yon.  Ang tanong, kailan kaya 'yon magpo-propose?

Maya-maya pa ay biglang dumating si Faith, pagkatapos niyang makipag-beso kay Ashley ay tumingin siya sa akin.

"Si Zac nga pala, co-teacher ko sa East Pearl."  Sabi ko saka alanganing ngumiti.  "Zac, ito naman si Faith..."  

"Schoolmates kami no'ng high school."  Dugtong agad ni Faith.

"Ah, so graduate ka rin ng East Pearl?" Tanong ni Zac.

"Yeah.  And both of you are teachers there?"

"Oo."  Sagot ko naman.

"Upo ka muna Faith, kunin ko lang sa loob ang gown mo." Paalam ni Ashley saka siya umalis sandali.  Si Zac naman ay lumabas muna para sagutin ang dumating na phone call.  Dahil diyan ay naiwan tuloy kaming dalawa ni Faith dito sa showroom.

Umiral ang saglit na katahimikan na maya-maya pa ay biglang binasag ni Faith.

"So teacher ka na pala.  Let me guess you're teaching math right?"

"Yeah."  Alanganin uli ang mga ngiti ko.

"Kumusta naman kayo ni Dustin?  Nag-propose na ba siya sa'yo?  Kasi 'yong mga friends niya, nag-propose na with their respective girlfriends.  Ang bestfriend mo rin, nag-propose na kay Ash.  What about your boyfriend?" 

"Hindi pa eh."

"Maybe, he is still planning for a huge marriage proposal for you."

"Sana nga."  Sabi ko at may dumaan uli na anghel dahil ang tahimik na naman.  This time, ako naman ang unang nagsalita. "Siya nga pala Faith, gusto ko nga palang mag-sorry sa'yo tungkol sa..."  Biglang umurong ang dila ko kaya hindi ko na naituloy ang aking sasabihin.

"Tungkol saan?  Tungkol ba kay  Dustin at sa nasira naming engagement?"  Paano kaya niya nalamang iyon nga gusto kong ihingi ng tawad sa kaniya?  "You don't have to apologize about that.  Nangyari na ang nangyari at hindi na ako galit.  kasi kung galit ako, baka sinabunutan na kita."  Natawa kaming pareho sa sinabi niya.  "Honestly speaking, wala na talaga 'yon sa'kin.  Kung tutuusin, ako nga dapat ang mag-sorry sa'yo eh.  Dahil ako itong maraming ginawang hindi maganda sa'yo.  Jen, sorry sa lahat ng mga kasalanang nagawa ko, sana mapatawad mo 'ko.  And I hope that, its not too late for us to be friends."

Inilahad ni Faith ang kaniyang kanang kamay habang may ngiti sa kaniyang mga labi.  Hindi naman ako nagatubili at agad siyang kinamayan.  

"Oo naman." Sabi ko na nakangiti rin sa kaniya.  Kung kanina ay naiilang ako, ngayon ay hindi na.  Feeling ko ay nabunutan ako ng tinik sa dibdib.  Hindi ako makapaniwalang magkaibigan na kami ni Faith.  I just hope na sana ay mahanap na rin niya ang kaniyang Mr. Right.

Nag-taxi na ako pauwi dahil marami akong bitbit.  Pag-uwi ng bahay ay sinabihan ako ni Papa na may bisita raw ako na naghihintay sa akin sa may garden.  Pumunta naman agad ako roon kung saan naabutan ko si Philip.

"Bakit ka nandito?"  Tanong ko matapos umupo sa harap niya. 

"I'm here to apologize...  And to say goodbye."  Bakas ang lungkot sa mukha ni Philip habang sinasabi iyon.  "Sorry sa pagsisinungaling ko at sorry din kung dahil sa'kin ay nag-away kayo ni Dustin.  Sana mapatawad mo 'ko.  Aalis na nga pala ako bukas papuntang Singapore dahil naatasan ako ng company namin na mag-stay muna doon for work sa loob ng tatlong buwan.  Bago ako umalis, gusto ko sanang marinig sa'yo na pinapatawad mo 'ko.  Mamaya, sa bahay ako magdi-dinner para magpaalam kina Mama at kakausapin ko siya na huwag nang maging harsh sa'yo.  And most importantly, kakausapin ko rin si Dustin para humingi ng tawad.  Para kahit paano ay makaalis ako ng magaan ang kalooban."

Nakita ko sa mga mata ni Philip ang pagsisisi kaya naman agad kong ibinigay sa kaniya ang hinihingi niyang kapatawaran.

"Wala ka nang dapat alalahanin Philip dahil pinapatawad na kita."  Sabi ko saka ngumiti.  "Mag-iingat ka sa pupuntahan mo at good luck sa trabahong gagawin mo doon."

Umalis na rin agad si Philip matapos ang maikling pag-uusap.  Ako naman ay pumasok na sa bahay para maghapunan.  After ng dinner ay pumunta na ako sa kuwarto at pansamantalang isinukat ang gown na isusuot ko bukas.

Ilang saglit pa ay dumating si Mama na dala ang mga nilabhan niyang kumot kaya naabutan niya akong suot ang gown.

"Aba, ang ganda naman niyan."  Sambit ni Mama saka inilapag sa kama ko ang bitbit niyang kumot.  Lumapit siya sa akin at tumingin din sa may salamin. 

"Gawa po ito ni Ashley Ma, isusuot ko po ito bukas sa JS prom.  Bagay po ba sa'kin Ma?"

"Oo naman anak."  Ngumiti si Mama saka hinaplos ang buhok ko.  "Ang bilis talaga lumipas ng panahon.  Parang kailan lang, batang paslit ka pa, pero ngayon, tingnan mo, dalagang-dalaga ka na.  Puwede ka na ngang mag-asawa eh." 

"Payag na po ba kayo kung mag-aasawa na ako?"

"Bakit, niyaya ka na ba ni Dustin magpakasal?"

"Hindi pa po."

"Gano'n ba, mabuting bata 'yang si Dustin.  Sa loob ng anim na taon ay napatunayan naman niya sa amin ng Tatay mo na talagang mahal ka niya.  Kung hihingin niya ang kamay mo sa'min ay maluwag sa loob ka naming ibibigay sa kaniya dahil alam din naman namin ng Tatay mong mahal na mahal mo siya."  Sabi ni Mama habang paulit-ulit na hinahawakan ang buhok ko.  "Pero habang hindi pa kayo ikinakasal, huwag niyo sanang gawin ang bagay na ginagawa ng mag-asawa.  Alam mo naman ang ibig mong sabihin 'di ba?"

"Opo Ma, alam ko po.  At huwag po kayong mag-alala dahil hindi po namin 'yon ginagawa ni Dustin at wala kaming balak na gawin 'yon hangga't hindi kami naikakasal.  Malinaw sa akin ang bilin ninyo ni Papa at kahit kailan ay wala po akong balak na suwayin iyon."  Sabi ko na ikinatuwa naman ni Mama. 

Malaki talaga ang pasasalamat ko sa pagkakaroon ng magulang na tulad nila nina Papa at Mama na laging nariyan upang payuhan ako simula pagkabata at kahit ngayong malaki na 'ko.  Dahil sa mga payo at saway nila ay nagiging tuwid ang lakad ko at hindi ako naliligaw ng landas.  Kapag naging magulang na 'ko ay gagayahin ko sila.

Ngunit bago maging magulang ay kailangan ko munang magpakasal.  At bago magpakasal ay kailangan munang may mag-propose.  Bigla kong naisip si Dustin, bukas ay sixth year anniversary na namin.  Dati, a day before ay binabati na niya ako at sinasabi na niya ang plano kung paano namin ise-celebrate ang anniversary namin.  Samantalang ngayon ay dalawang text message lang ang na-receive ko sa kaniya, isa kaninang umaga para sabihing hindi niya ako masusundo dahil busy daw siya sa office.  At isa kaninang tanghali para i-remind ako na mag-lunch na.

Napabuntong hininga matapos mag-text ng good night kay Dustin na hindi man lang nag-reply.  Inisip ko na lang na baka busy pa rin siya or tulog na.  Ang mabuti pa siguro ay matulog na rin ako. 

When Mr. Gorgeous is JealousWhere stories live. Discover now