Chapter 18

64.2K 1.7K 45
                                    

Jennifer

Dalawang linggong nawala kong bestfriend kong si Dustin at pagbalik niya ay dala na niya ang magandang balita na nagkabalikan na daw sila ni Ash. 

"Masaya 'ko para sa'yo.  Mabuti naman at hindi na rin kita makikitang naglalasing."  Sabi ko kay bestfriend nang magkasalubong kami sa labas ng bahay.  Kararating lang niya at ako nama'y papaalis dahil may pupuntahan akong job interview sa isang private high school.

"Pasensya ka na ah, nahirapan ka siguro sa'kin."

"Oo, nahirapan ako, pero okay lang.  Para saan pa bang naging mag-bestfriend tayo 'di ba."  Ngiti ko sa kaniya at pagkatapos ay nagpaalam na.

---

Maraming aplikante akong nakasabay at lahat sila ay tulad ko ring naghahangad na makapagturo.  Kinakabahan man pero nilakasan ko ang aking loob para maipasa ang interview na ito.

"Oh, you are the one who topped the Teacher's exam."  Sambit nang babaeng may edad na at may suot na salamin sa mata.  "Your name is Jennifer Asuncion?"

"Yes ma'am."  Sagot ko.  Hinintay ko pa ang mga susunod niyang tanong pero ang ginawa lang niya ay ang titigan ang resume ko at umiling-iling.

"Miss Asuncion, I already read your resume.  Just leave it here and we will give you a call as soon as there is a need for a new teacher.  Unfortunately, we are already have enough teachers here."

Nagpasalamat ako kay Madam saka bigong lumabas ng opisina.  Hindi ko naman maiwasan ang magtaka dahil sapat na pala ang bilang ng mga guro sa eskuwelahang ito pero bakit ang sabi sa kanilang online job post ay nangangailangan daw sila ng maraming teachers?  Ano 'yon, nangti-trip lang sila ng mga aplikante?

Ngunit ilang beses man akong nabigo ay hindi pa rin ako susuko sa paghahanap ng eskuwelahan ng maari kong pagturuan.  Ngayong araw ay maaga uli akong gumayak upang makipagsapalaran, umaasa na sana ay magtagumpay na ako.

"Excuse me, Miss."  Isang tinig ng lalaki ang nagpahinto ng lakad ko.

"Bakit po?"

"Kayo po ba si Miss Jennifer Asuncion?"

"Ako nga po."

"Ako naman si Noel, ang assistant ni Mr. Juanito Villaverde."  Sabi niya at para namang biglang tumalon ang puso ko nang banggitin niya ang pangalan ng Daddy ni Dustin.  "Gusto niya po kayong makausap ma'am."

Itinuro ni Mr. Noel ang itim na kotse na naka-park sa kabilang side ng kalsada.  Nakababa ang bintana kaya nakita ko ang taong nakasakay sa likod na walang iba kundi ang Daddy nga ni Dustin.  Ibig sabihin ay kailangan ko ring sumakay doon upang makausap ko ito?

Mukhang kailangan ko munang ipagpaliban ang lakad ko para kausapin si Daddy, este, Daddy pala ni BF.

"Good morning po, ako nga po pala si Jen Sir."  Magalang na pagbati ko kay Mr. Villaverde pag-upo sa tabi niya.

"Just call me Tito Junnie."  Sabi ng intimidating niyang boses.  "By the way, I'm sorry for my sudden appearance.  I hope I didn't bother you.  Mukha pa namang may lakad ka."

"Actually, paalis po talaga ako dahil mag-aaply ako ng trabaho.  Pero okay lang naman po, puwede naman uli ako mag-apply bukas."  Sagot ko habang pilit itinatago ang kaba.

"I'm glad to hear that.  Anyway, pupunta pala tayo sa Tagaytay.  I need to do an ocular inspections sa bubuksang hotel and resort doon.  Okay lang ba?"

"Opo, okay lang."  Ngumiti ako kahit kabado.  Bakit kaya isasama pa niya ako sa pag-iinspeksyon niya sa Tagaytay?

---

When Mr. Gorgeous is JealousWhere stories live. Discover now