Chapter 2

144K 3.2K 278
                                    

Jennifer

Ang bilis talaga lumipas ng panahon, ni hindi ko namalayang two years na pala kaming dalawa ni Dustin.  Ngayong taon ay simpleng celebration lang ang gagawin namin, manonood kami ng sine at kakain sa labas. 

Kung tutuusin ay gusto ni Dustin na mag-out of town kami pero tumanggi ako dahil, una ay may pasok pa sa school at pangalawa ay ayokong gumastos siya ng malaki tulad last year, kung saan umakyat pa kami ng bundok para lang doon sa tuktok namin salubungin ang aming one year anniversary.  Kapag naaalala ko ang moment na 'yon, pakiramdam ko ay lumulutang ako sa hangin dahil sa sobrang saya. 

Tapos na ang klase ko para sa araw na ito kaya pupunta na ako sa lugar kung saan ko laging hinihintay si Dustin kapag susunduin niya ako.  Maganda maghintay doon dahil may mga bench na puwedeng upuan at marami ring mga bulaklak sa paligid.  Sumama na nga rin pala sa akin si Aika dahil doon na lang daw din niya hihintayin ang kaniyang boyfriend.

"Sana mas maunang dumating si Philip para maipakilala na kita sa kaniya Jen."  Sabi ni Aika na blooming na blooming ngayon dahil sa wakas ay nagkaroon na siya lovelife.  Kung hindi ako nagkakamali ay last month lang niya sinagot 'yong si Philip.  Ilang saglit pa ay dumating na ang hinihintay niya.  "Hi babe."  Sabi ni Aika sabay halik sa pisngi no'ng lalaki.  "Jen, I'd like you to meet my boyfriend, Philip."

Gusto kong ngitian ang boyfriend ni Aika pero hindi ko magawa, lalo na no'ng maalala ko kung saan ko ito unang nakita.  Medyo matagal na rin 'yon pero malinaw ko pa ring natatandaan ang lahat. 

Hindi ako maaring magkamali, si Philip 'yong lalaking nakita namin ni Dustin na may kahalikang babae sa elevator ng Grande Hotel. Siya ba talaga ang boyfriend ni Aika?

"Jen?"  Tawag ni Aika sa pangalan ko at dahil dito ay ngumiti na lang ako kahit pilit.

"Nice to meet you Philip."  Naglahad ako ng kamay para sa handshake.  "My name is Jen, bestfriend ni Aika."

"Hi, Jen, nice to meet you."  Ngumiti siya at pinagmasdan akong mabuti.  "You know what, you look familiar. Nagkita na ba tayo dati?"

"Ha, parang hindi pa naman."  Pagtanggi ko.  Ang sarap sanang isiwalat na nakita ko siya dati na may kahalikang babae sa elevator pero alang-alang kay Aika ay hindi ko na lang gagawin.

"Alam mo ba babe, two year anniversary nila ngayon ng boyfriend niya.  Sana tayo din umabot ng two years 'no."  Sambit ni Aika habang kumikislap ang mga mata.  Masasabi kong sobrang in-love siya kay Philip.

Sa puntong ito ay biglang nag-flashback sa utak ko ang mga sinabi ni Dustin tungkol sa kay Philip.

"Because he's an asshole na walang alam gawin sa buhay kundi ang mambabae at lustayin ang perang hindi naman kaniya.  Palagi siyang nagdadala ng iba't-ibang babae sa hotel na pagkatapos niyang pagsawaan ay basta na lang niyang itatapon na parang basura.  I don't want you to meet or be friends with that kind of guy."

"Saan nga pala kayo pupunta?"  Tanong ko sa kanila.

"Diyan lang sa tabi-tabi.  Kakain, o 'di kaya magpapalamig sa mall."  Sagot ni Aika sabay kapit sa braso ni Philip.  "Tara babe, alis na tayo."

Tuluyan na nga silang umalis na dalawa at pinapanood ko naman sila habang naglalakad palayo.  Nagulat na lang ako nang biglang lumingon si Philip at pagkatapos ay kinindatan niya ako.  Ang kapal!

Masama talaga ang kutob ko sa Philip na 'yon at nag-aalala ko sa maari niyang gawin kay Aika, kaya nakapag-desisyon akong sundan sila para kung may balak man siyang masama sa kaibigan ko ay agad ko 'yong mapigilan.

Pumunta sila sa Mall at nanood ng sine at pagkatapos no'n ay dumiretso sila sa Grande Hotel.  Tama nga ang desisyon kong sumunod sa kanila. 

Humanda ka Philip, dahil hindi ako makapapayag na sirain mo ang kinabukasan ng kaibigan ko.

Agad kong tinawagan ko si Tatay Lucio na Ama ni Aika upang magsumbong.  Wala akong pakialam kahit lumabas pa akong sumbungera o pakielamera dito, basta ililigtas ko si Aika sa kamay ng lalaking 'yon.

"Walang hiya kang bata ka!  Hindi kita pinag-aaral para lang lumandi!"  Sigaw ni Tatay Lucio at pinagsasampal niya si Aika nang maabutan niya ito sa may hotel lobby.  Galit na galit siya at halos hindi na siya maawat no'ng mga staff. 

Gusto ko rin sanang umawat pero ayaw ko namang magpakita kay Aika kaya nanatili na lang ako sa pagtatago.  Tumaas ng husto ang kilay ko nang makita si Philip na tumatakbo na parang hinahabol ng zombie.

"Saan ka pupunta?  Tatakas ka?" Sabi ko dahilan upang mapahinto si Philip sa pagpasok sa kaniyang kotse.  Mabuti na lang at nagawa ko siyang abutan.  "Bakit hindi mo harapin ang Tatay ng girlfriend mo?"

"Ibig sabihin ikaw ang nagsumbong sa Tatay ni Aika?"

"Ako nga."  Sambit ko sabay cross arms.  "Alam mo, may nakapagsabi sa'kin na mahilig ka raw makipaglaro sa mga babae at kapag sawa ka na sa kanila ay itinatapon mo sila na parang basura.  Wala akong pakialam kung gawin mo 'yan pero huwag sa kaibigan ko!"  Kung nakamamatay lang ang masamang tingin, tiyak na patay na siya ngayon dahil sa mga galit kong titig sa kaniya.  Pero sa halip na matakot ay nagawa pa niyang ngumiti sa harap ko.  "At anong ngini-ngiti mo diyan?"

"Ang swerte ng boyfriend mo sa'yo." Sabi niya habang nakangiti pa rin na parang ewan.  "Kung wala lang boyfriend, baka niligawan na kita."

"Sorry ah, dahil kahit wala akong boyfriend ay hindi pa rin kita papatulan.  At binabalaan kita, layuan mo na si Aika.  Huwag mong sirain ang kinabukasan niya dahil magiging teacher pa kami.  Kung gusto mo nang buhay na walang patutunguhan, ikaw na lang, huwag ka nang mandamay ng iba puwede!"  Umirap muna ako bago umalis.  Huwag lang talagang magkakamali ang Philip na 'yon na makipagkita uli kay Aika kundi lagot siya sa'kin.

Speaking of lagot, mukhang pati ako ay malalagot nang makita ko sa aking cellphone ang sangkaterbang missed calls ni Dustin.  Hindi ko narinig ang mga tawag niya dahil naka-silent mode ang phone ko no'ng pumasok ako kanina sa sinehan para sundan sina Aika.

Nalaglag ang panga ko nang makita kung anong oras na. 

Lagot ka Jen!  Late ka na ng tatlong oras para anniversary date niyo ni Dustin.

When Mr. Gorgeous is JealousOù les histoires vivent. Découvrez maintenant