Chapter 24

67.7K 1.5K 155
                                    

Maureen

Sakay ako ngayon ng kotseng minamaneho ni Elisa, at kasama si Eunice ay pupunta kaming tatlo sa bar kung nasaan daw ngayon sina Exel, Kyle at James. 

Dalawang taon na kaming hiwalay ni Exel pero ni minsan ay hindi ako tumigil na mahalin siya.  Kung maibabalik ko lang ang nakaraan ay hindi ko gagawin ang bagay na ginawa ko noon na siyang naging dahilan kung bakit niya 'ko iniwan.

"Tapos ka na?  Ni, hindi man lang nabawasan ang laman ng plato mo."  Ani Exel na kasama ko ngayong kumakain sa restaurant.  Pareho kaming walang pasok kaya nanood kami ng sine kanina at ngayon nga ay narito naman kami sa restaurant.

"Okay lang, busog na ako."  Sagot ko.  Since I started college ay napansin ko na ang unti-unting pagtaas ng timbang ko at pagtaba.  I want to remain sexy kaya naisipan kong magda-diet.

"Busog, o dahil nagda-diet ka?  Mau, ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na kahit maging balyena 'yang katawan mo, okay lang sa'kin.  You don't have to do this, stop starving yourself, ubusin mo 'yang pagkain mo."  Mariin niyang utos na wala akong balak sundin.

"Busog na nga ako."  Giit ko.  Maya-maya ay biglang napadaan 'yong mga classmates naming sina Andrea, Camille at Stacy.  Bumati silang tatlo sa amin saka naupo na sa kabilang table.  Hindi ko alam pero, bigla na lang uminit ang ulo ko nang tingnan sila ni Exel.  Padabog akong tumayo at saka lumabas.

"Anong problema mo?"  Tanong ni Exel matapos akong sundan.

"Nagtatanong ka pa?  Bakit gano'n mo sila tingnan?  Porke sexy sila!"  Galit kong sinabi.  Ganito ang nangyayari kapag nakikita kong tumitingin si Exel sa mga slim na babae, naiinis talaga ako at aawayin ko siya.  Bigla naman siyang nagbuntong hininga.

"Halika na nga."  Sabi niya na parang wala lang at pinagbuksan niya ako ng pinto kng kotse.

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko, bakit gano'n ang tingin mo sa kanila?  Interesado ka ba sa mga babaeng 'yon?!" 

"Maureen please, aawayin mo na naman ako nang dahil sa pesteng insecurity na 'yan?  Anong gusto mong gawin ko? Pumikit ako kapag may dadaang babae sa harap ko?  Nagagalit ba 'ko sa'yo kapag tumitingin ka sa ibang lalaki?  Hindi naman ah."  Pasigaw niyang tugon.

"'Yon na nga eh, ibig sabihin okay lang sa'yo na tumingin ako sa iba?  Kulang na lang, sabihin mo na okay lang makuha ako ng iba sa'yo?  Bakit?  Dahil hindi mo na ako maipagmalaki dahil mataba na 'ko?!"  Nagtaas na rin ako ng boses dahil sa inis.

Umiling-iling naman si Exel.  "'Yan ang sinasabi ko sa'yo eh, gutom ka pa kaya kung anu-anong delusyon ang pumapasok sa utak mo.  Saan mo ba kasi nakuha ang idea na mataba ka? Ang sexy mo nga eh."

Nagpangisi-ngisi pa siya pero hindi pa rin nawala ang galit ko.  Alam ko namang nagkukunwari lang siya eh.  Ang taba ko kaya!

Lumipas pa ang ilang mga araw na lagi kaming nag-aaway ni Exel.  Minsan ay dahil sa pagtingin niya sa ibang babae pero kadalasan ay dahil sa pagbabawal niya sa akin na mag-diet.  Gusto niyang kumain ako ng marami pero ayaw ko naman kaya lagi kaming nagtatalo.

Para lalong maging fit ay nagpupunta na rin ako sa gym para mag-excercise.  Isang araw matapos kong mag-gym ay nakaramdam ako ng matinding pagkahilo dahilan upang mahulog ako sa hagdan, paggising ko ay nasa hospital na ako.

Sina Elisa at Eunice ang bumungad sa akin pagkagising at pareho silang umiiyak.  Gusto kong bumangon pero hindi ko magawa dahil sobrang sakit ng katawan ko.

"What happened?"  Tanong ko sa kanila.

Nagpahid muna ng luha si Eunice bago sumagot.  "Huwag ka sanang mabibigla Mau, pero nakunan ka.  Wala na ang baby mo."

When Mr. Gorgeous is JealousWo Geschichten leben. Entdecke jetzt