Chapter 12

78.2K 2K 10
                                    

Dustin Villaverde

Hindi ko na naabutan si Jen dahil mabilis siyang sumakay ng taxi.  Sasakay na rin sana ako sa aking kotse para humabol pero agad akong pinigilan ni Exel.

"Bro what are you doing?"  Ani Exel at nang lumingon ako ay nakita ko sa likod niya sina Melendez at Ashley.

"Kailangan kong sundan si Jen, I need to explain to her."  Sagot ko at binuksan na ang pinto ng kotse.

"But you're drunk, you can't drive."  Sabi ni Melendez.  "Let me drive for you."

Gamit ang sarili niyang kotse ay inihatid ako ni Melendez at Ash papunta kay Jen.

"Pasensya na hijo pero ayaw raw ni Jen na makipag-usap sa'yo."  Sambit ni Tito Raul sa malungkot na tono.  "Ano ba kasing nangyari at mukhang naglasing ka pa yata.  'Yong anak ko naman, umuwing umiyak."

"Jen!"  Sigaw ko at agad na tumungo sa sa naka-lock na kuwarto ni Jen.  Halos magiba ko na 'yon dahil sa lakas ng mga katok ko at panay pa ang pihit ko sa doorknob.  Inaawat ako nina Tito Raul at Melendez pero hindi ako nag-paawat.

"Beh, please, listen to me.  Hindi ko sinasadyang halikan si Faith, I did it because I thought that she was actually you.  Alam ko na rin ang totoo na hindi mo naman talaga 'ko pinagpalit kay Zac.  I'm sorry kung hinusgahan kita agad.  I'm sorry that I didn't trust you.  I'm sorry kung nasakal kita, I'm really sorry for everything.  Please  talk to me and tell me that you will wait for me."  Lubos kong pagmamakaawa habang nasa labas ng kuwarto ni Jen pero wala siyang naging reaksyon.

"Ang mabuti pa hijo umuwi ka na."  Payo ni Tito Raul.  "Hindi rin naman kayo makakapag-usap ng maayos dahil lasing ka at masama naman ang loob ng anak ko.  Bumalik ka na lang bukas, tiyak na bukas ay makakausap mo na siya."

Ayoko man pero wala akong nagawa kundi ang umuwing bigo at umasa na lang na sana ay tama si Tito Raul, sana nga bukas ay makausap ko na si Jen.

---

Pinilit kong gumising ng maaga kahit masakit ang ulo ko dahil kailangan ko pang asikasuhin ang mga huling preparsyon para sa pag-alis ko bukas.

Pumunta ako sa Cavite para personal na magpaalam kay Mama, Tito John at sa kapatid kong si Drei.  Pagpasok ko ng bahay ay napansin agad ni Mama ang lungkot sa mga mata ko.

"Anak, alam kong mahirap sa'yo ang umalis nang hindi man lang kayo nagkaka-ayos ni Jen, but don't you think that its for the better?  Besides, 'di ba ipinagkasundo ka na ng Daddy mo sa anak ng mga Calderon?  You'll gonna marry her after graduation right?"

"Magpapakasal ako Ma, pero hindi si Dad ang pipili ng babaeng pakakasalan ko, kundi ako."

"So, sinsabi mong susuwayin mo si Junnie?  Anak, hindi 'yan tama.  Kailangan mong sumunod sa gusto ng Daddy mo, kilala ko siya at ang pinaka-ayaw niya sa lahat ay ang---"

"Sundin si Daddy?  Para ano Ma?  Para magsisi lang din bandang huli?  Look at Kuya Derek, sinunod niya si Dad at pinakasalan niya ang babaeng pinili ni Dad para sa kaniya kahit hindi naman niya 'yon mahal.  What happen to them now?  Wala silang ginawa kundi ang mag-away at ngayon nga ay balak nang mag-file ni Kuya ng annulment laban sa asawa niya dahil na-realize niyang mahal pa rin niya ang dati niyang girlfriend na si Ate Peachy, 'yong matagal nang employee sa Grande Hotel."  Giit ko kay Mama na mataman lang na nakikinig.

"Ma, ang gusto ko ay ang magkaroon nang masayang buhay na kasama ang taong mahal ko and I'm talking about Jen.  Kaya nga kahit ayaw ko ay pumayag ako sa gusto ni Dad na mag-aral sa ibang bansa para naman mapasaya ko siya.  Puwede niya 'kong manduhan sa kahit anong bagay, nakahanda akong sumunod.  Pero maliban na lang na magpakasal kay Faith.  Dahil isang babae lang po ang gusto kong makasama habang buhay at ngayon pa lang ay alam ko nang si Jen 'yon Ma."  Pagkatapos kong magsalita ay ngumiti lang si Mama.

When Mr. Gorgeous is JealousWhere stories live. Discover now