Chapter 17

64.6K 1.6K 20
                                    

Ashley

Ayoko man pero wala na akong magagawa kundi ang iwan muna bagong tayo kong boutique at hindi ko alam kung kailan uli ako makakabalik dito.

Ibinilin ko na sa assistant kong si Grace ang lahat ng dapat niyang gawin at nangako naman siyang pagbubitihing maigi ang trabaho.  Pagkatapos magpaalam sa lahat ng mga staff ay lumabas na ako.  Bubuksan ko na sana ang pinto ng aking kotse pero hindi ko nagawa dahil may biglang humila sa braso ko.

"Dustin?"  Sabi ko at bigla na lang bumilis ang pintig ng aking puso.  Hindi naman siya nagsalita at sa halip ay kinaladkad lang ako at sapilitang isinakay sa kaniyang kotse.  Siguro ay nalaman na niyang aalis na ako ng bansa kaya gustong makipag-usap.

After one hour ay bumibiyahe pa rin kami at base sa mga sign board na nakikita ko sa labas ng bintana ay mukhang papunta kaming Batangas.

Gabi na nang makarating kami villa na pag-aari ng pamilya nila.  Isinama niya agad ako sa isang malaking kuwarto.

"Nagpabili na ako ng lahat ng kailangan mo, you will stay here with me hangga't hindi mo sinasabi kung sino ang lalaking sinasabi mong ipinalit mo sa'kin."  Anunsyo niya sabay kuha ng aking bag na kung saan naroon ang aking cellphone.  "Ako nang bahalang tumawag sa inyo para hindi mag-aalala ang parents mo."

"Anong gagawin mo?  Ikukulong mo 'ko dito?  Hindi mo puwedeng gawin 'yan.  Dustin, pauwiin mo na 'ko!"  Protesta ko pero hindi niya ako pinakinggan at basta na lang umalis at ini-lock 'yong pinto.

Na-miss ko ang aking flight dahil nakakulong pa rin ako dito.  Kumpleto naman ako sa damit, tubig at pagkain.  Nakakalabas din naman ako pero palaging nakabantay sa akin si Dustin na kung umasta ay parang kami pa rin.

Fourteen days na akong nandito sa Batangas at mukhang wala talagang balak si Dustin na pauwiin ako hangga't hindi ko sinasabi sa kaniya ang totoo.



Dustin Melendez

Ang akala ko ay habang buhay na akong lulubog sa kalungkutan no'ng hiwalayan ako ni Ashley.  Mahal na mahal ko siya at kung totoo mang nakahanap na siya ng ibang lalaki na mas mahal niya kaysa sa akin at ang lalaking iyon ang tunay na makapagpapaligaya sa kaniya, kahit masakit ay nakahanda akong magparaya.  Kaya dinala ko siya sa bahay namin sa Batangas upang paaminin and after fourteen days, sa wakas at aamin na din siya. 

"Dustin, sasabihin ko na sa'yo ang totoo, pero mangako kang kahit anong mangyari ay wala kang gagawin."  Panimula ni Ashley na ngayon ay seryosong nakatingin sa akin.  "Ayoko ng gulo, kaya please mangako ka."

"Okay I promise."  Sagot ko saka hinaplos ang kaniyang pisngi.  "Pero sabihin mo munang hindi totoong may iba ka nang mahal.  Ako pa rin ang mahal mo 'di ba? Ako lang?"

"Babe, kahit kailan hindi ako tumigil na mahalin ka."  Aniya sabay hawak sa kamay kong nakahawak sa pisngi niya.  "Alam mo bang buo na ang pasiya kong magpakatandang dalaga?  Dahil alam ko sa sarili kong hindi ko na magagawang magmahal ng iba maliban sa'yo.  Kaya ko lang sinabi na may iba na 'kong mahal ay para pakawalan mo na 'ko.  Dustin, sorry kung hindi ko napangalagaan ang katawan ko.  Sorry kung hindi ikaw 'yong unang---"

"Sshh."  Sabi ko upang pigilan siyang ituloy ang kaniyang sinasabi.  "I don't care kung hindi ako ang una, basta ang mahalaga ay ako na ang huli.  Babe, hindi ko na rin magagawang magmahal ng ibang babae maliban sa'yo.  Kaya please, huwag mo na ulit sasabihin sa'kin na tapos na tayo ah.  Dahil kapag nangyari 'yon ay matatapos na rin ang buhay ko."

---

Kinabukasan ay maaga kaming bumiyahe ni Ashley pabalik ng Manila.  Agad kaming dumirestso sa condo unit ni Philip kung saan ito mismo ang nagbukas sa amin ng pinto.

Nagkatitigan muna kami ni Philip at pagkatapos ay agad ko siyang pinaulanan ng mga suntok.  Pilit na umaawat sa amin si Ashley pero hindi ako nagpaawat habang si Philip ay hindi man lang nanlalaban.

"Pasalamat ka at nag-decide si Ashley na huwag kang kasuhan.  Subukan mong ulitin ang ginawa mo at papatayin talaga kita kahit makulong pa 'ko."  Pagbabanta ko kay Philip na dahan-dahan na ngayong tumatayo mula sa pagkakabagsak.

"'Yan na ba ang tinatawag nilang tunay na pagmamahal.  Nakakainggit ka naman kasi may kakayahan kang maramdaman 'yan, samantalang ako, marami nang babae ang dumating sa'kin pero ni minsan hindi ko naramdaman ang pag-ibig na 'yan.  Humihingi ako ng tawad sa nagawa ko sa girlfriend mo.  Bugbugin mo pa 'ko hangga't gusto mo para makaganti ka sa'kin.  Pangako, hindi ako lalaban."

Pagbibigyan ko sana ang request ni Philip pero bigla naman akong pinigilan ni Ashley.

"Tama na babe, umalis na tayo."  Sabi ni Ash kaya naman umalis na kami.

"Sorry ah, nag-promise akong walang gagawin pero hindi ko lang kasi napigilan ang sarili ko eh."  Sabi ko habang nagmamaneho.  Hindi naman sumagot si Ashley at tahimik lang siyang nakatingin sa labas ng bintana.

"Babe?"  Tawag ko sa kaniya at humarap naman siya sa'kin.

"Babe, sa tingin mo ba magagawa pa ni Philip ang magmahal ng totoo?  Alam mo, nakakaawa rin siya dahil hindi niya pa nararanasan ang ligaya na dulot ng tunay na pag-ibig."  Seryosong wika ni Ash.

"Sa tingin ko, hindi naman imposibleng mangyari 'yon.  Naniniwala akong darating ang araw na makakatagpo rin 'yang si Philip ng babaeng mamahalin niya ng seryoso.  Kaya lang mag-ingat siya sa karma, dahil baka balang araw ay bumalik sa kaniya ang lahat ng pagkabigo at sakit na idinulot niya sa mga babaeng sinaktan at pinaiyak niya.  Baka balang araw, siya naman ang iiyak dahil sa isang babae."

Pagkatapos sabihin iyon ay bigla akong napaisip.  Sinong babae nga kaya ang makakapagturo kay Philip kung ano ng tunay na kahulugan ng pagmamahal.

When Mr. Gorgeous is JealousWhere stories live. Discover now