Chapter 5

93.9K 2.5K 36
                                    

Jennifer

Para akong nauupos na kandila nang makauwi ng bahay.  Pagod na pagod ako at gusto ko na agad lumundag sa aking kama upang matulog.  Pero hindi ko magawang dumiretso sa'king kuwarto dahil hinarang ako ni Papa ng mga tanong.

"Aba anak, bakit ganiyan ang suot mo?  Saan ka nag-sagala?"

Naupo muna ako sa sofa bago sumagot.  "Galing po ako sa birthday party ng Daddy ni Dustin, kaya po ganito ang bihis ko." 

"Talaga anak?"  Ani Papa na nakaupo na ngayon sa tabi ko.  "Ibig sabihin, nakilala mo na ang milyunaryong ama ng boypren mo?"

"Ano naman ang sinabi nila tungkol sa'yo?"  Sabat ni Mama habang abala sa pagpupunas ng mesa.  "Inapi ka ba nila?  Inalipusta ka ba nila dahil mahirap ka lang?"

"Hindi po Ma."  Sagot ko naman.

"Anong hindi, bakit ganiyan ang hitsura ng mga mata mo?  Halatang galing ka sa pag-iyak eh."  Pagkatapos magsalita ni Mama ay bigla ko na namang naramdaman ang lungkot dahilan upang muling bumuhos ang aking mga luha.

"I'm leaving to the States next month."  Sabi ni Dustin na agad kong ikinabahala, hanggang sa hindi ko na mapigilan pang umiyak.

"Bakit?"  Tanong ko matapos iharap sa kaniya ang mukha kong nababasa na ng mga luha.

"Please don't cry.  Ayoko rin sana pero kailangan kong sundin ang utos ni Dad na sa Harvard ko na ipagpapatuloy ang pag-aaral ko."  Sambit ng malungkot niyang boses at mukha.  "I'll be staying there for four years."

"Paano tayo?  Hihiwalayan mo na ba 'ko?"  Tanong ko na puno nang pangamba.  Hinigit niya ang mga balikat ko para lubusan kaming magkaharap.

"Sa tingin mo ba, mag-aabala pa akong dalhin ka party at ipapakilala ka kay Dad kung plano kitang hiwalayan?"  Sagot ni Dustin dahilan upang gumaan ng kaunti ang kalooban ko.  "Four years lang naman 'yon,  hihintayin mo 'ko 'ba?"

Hindi ko na nagawang sumagot dahil sa patuloy na pagbuhos ng luha sa mata mga ko.  Napakasakit isiping apat na taong mawawala sa tabi ko Dustin.  Maraming puwedeng mangyari sa loob ng apat na taon.  Mahal niya ako ngayon, paano kung four years later ay hindi na?  'Yon ang ikinakatakot ko.

Pinainom ako ni Mama ng tubig matapos akong mahimasmasan.  Saka ko pa lang sinabi sa kanila ang totoong dahilan kung bakit ako umiyak.

"Kaya naman pala umiiyak ang unica hijo ko, magkakalayo pala sila ng beh-beh niya."  Sabi ni Papa habang hinahagod ang likod ko.  Hindi ko malaman kung dinadamayan ba niya ako o inaasar.

"Alam mo anak, sa tingin ko ay mabuti nga kung magkakalayo muna kayo ni Dustin.  At nang sa gayon ay pareho kayong makapag-focus sa pag-aaral."  Sambit naman ni Mama at alam kong serysoso siya at hindi nang-aasar.  Maya-maya pa ay bumalik na siya sa kaniyang ginagawa kaya naiwan kaming dalawa ni Papa sa may salas.

"Jen anak, no'ng sinabi ni Dustin na aalis siya.  Hiniling ba niya sa'yong hintayin mo siya?"  Tanong ni Papa.

"Opo."

"At nangako ka sa kaniya na anuman ang mangyari ay hihintayin mo ang pagbabalik niya hanggang sa muli kayong magkasama.  Tama ba 'ko anak?"  Tanong uli ni Papa na sinagot ko ng pag-iling. 

"Hindi ko na po kasi magawang magsalita, dahil iyak po ako nang iyak."  Sagot ko at bago pa ako maiyak uli ay minabuti ko nang tapusin itong usapan.  "Pa, hindi na po ako magdi-dinner dahil kumain na po ako.  Matutulog na po ako."

"O sige anak, alam kong hindi ka makakatulog ng mahimbing pero pilitin  mo."  Ani Papa sabay ngiti.  Nginitian ko rin siya bago ako tuluyanng pumasok sa aking kuwarto.

---

"Grabe 'yon Jen, ang akala ko talaga ay katapusan ko na.  Mabuti na lang at nawala na ang pamumula ng mukha 'ko dahil sa mga sampal ni Papa."  Huminga ng malalim si Aika bago ipinagpatuloy ang kaniyang kuwento.  "Alam mo, nagtataka talaga 'ko kung paano nalaman ni Papa na nadoon ako sa Grande Hotel no'ng araw na 'yon."

Nanahimik ako at hinayaan na lang na magtaka si Aika.  Wala akong balak na sabihin sa kaniya na ako ang dahilan kung bakit siya nabisto ng Papa niya.  Naniniwala akong balang araw ay pasasalamatan din niya 'ko sa ginawa kong ito.

Ilang saglit pa ay dalawang customer ang pumasok dito sa tinatambayan naming convenience store.  Nabigla kami ni Aika nang makita namin si Philip na may kasamang babae na todo kapit sa kaniyang braso.

  "Philip, sino 'yan?"  Pag-alma agad ng kaibigan ko.

"Me?  I am his girlfriend.  And you?"  Sagot no'ng mataray na babae.

"Girlfriend?"  Galit na bumaling si Aika kay Philip.  "Babe, anong ibig sabihin nito?  Anong sinasabi ng babaeng 'to na girlfriend mo siya ha?!" 

Sa inis ay tinulak ng malakas ni Aika 'yong babae na agad namang inalalayan ni Philip upang hindi matumba.

"Alam mo Aika, manang-mana ka sa Tatay mong high blood."  Sambit ni Philip dahilan upang kumulo ang dugo ko.  "Tinatanong mo 'ko kung nagsasabi siya ng totoo?  Well yes, she is indeed my girlfriend.  At mula ngayon siya na lang ang nag-iisa kong girlfriend dahil nakikipag-break na 'ko sa'yo.  We're done Aika."

"Walang hiya!"  Sigaw ni Aika saka niya pinaghahampas si Philip ng kaniyang bag.  Todo sangga naman ang loko, hanggang sa bigla na lang umalis itong kasama 'yong babae niya.

Pero siyempre, hindi ako pumayag na gano'n, gano'n na lang 'yon.  Pagbabayarin ko si Philip sa ginawa niya sa kaibigan ko.  Dala ang walis tambo na kinuha ko sa lagayan ay hinabol ko ang loko para turuan ng leksyon.

"Aray!  Ano ba!  Itigil mo 'yan, masakit!"  Reklamo ni Philip habang hinahataw ko siya gamit itong hawakan ng walis tambo.  Tumigil lang ako nang humarang na 'yong babaeng kasama niya.

"Alam mo miss kung ako sa'yo lalayuan ko ang lalaking 'yan dahil hindi 'yan seryoso.  Pagkatapos niyang makuha ang gusto niya sa'yo ay basta-basta ka na lang niyang iiwan, tulad ng ginawa niya sa kaibigan ko."

"Teka lang ha."  Sabat ni Philip habang nagtatago sa likod no'ng babae.  Malamang ay nagka-phobia na siya sa walis tambo.  "For the record lang, wala akong kinuha sa kaibigan mo.  At isa pa, sino ka para siraan ako ng ganiyan? Kilala mo ba ang pagkatao ko?"

"Hindi."  Sagot ko na sinundan ko agad ng paliwanag.  "Basta ang alam ko lang ay dalawang beses na kitang nakita na may dinalang babae sa Grande Hotel.  I don't need to know you para malaman kung anong klaseng lalaki ka.  Wala kang kuwenta at nakakasuka ka!  Alam mo, ni ang tingnan ka nga lang ay parang hindi ko na kaya eh!"

"Anong sinabi mo?"  Ani Philip na halatang napipikon.

"Anyway, salamat na rin at nangyari ito.  Thank you so much talaga dahil nakipag-break ka na sa kaibigan ko!"  Sabi ko saka binalikan si Aika sa loob ng convenience store. 

Nakaka-imbiyerna talaga ang Philip na 'yon!  Sana naman ay hindi ko na makita pa uli ang pagmukuha niya.

When Mr. Gorgeous is Jealousजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें