Chapter 32

52.2K 1.4K 161
                                    

Jennifer

Sa wakas at natapos ko ding gawin ang birthday gift ko para kay Dustin.  May usapan kaming magkikita kaya dinala ko na ito sa trabaho para kapag nagkita kami later ay maibigay ko na ito sa kaniya.

May mahalaga din daw siyang sasabihin sa'kin kaya hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.  Kinakabahan ako na ewan.

"Baka magpo-propose na siya sa'yo, Jen." Kinikilig pang sambit ng ka-trabaho kong si Denise.

"Sa tingin mo?"  Napahawak akong bigla sa aking dibdib kaya nadama ko ang malakas na pintig ng aking puso.  Paano nga kaya kung mag-propose na ng kasal sa akin si Dustin mamaya, baka bigla akong himatayin.

"Congrats ha, at baka kulangin ka sa abay, kunin mo 'ko at puwedeng-puwede ako."  Hirit pa ni Denise.

"Oo ba!"  Sagot ko at nakipag-apir sa kaniya.  Nahinto pansamantala ang kuwentuhan namin ni Denise nang may biglang pumasok na customer dito sa convinience store. 

"I received one thousand pesos."  Sabi ko pagkatanggap ng bayad no'ng customer.  Pagkabigay ko binili niya at no'ng sukli ay umalis na rin siya agad.

"Uy Jen, kaninong wallet 'yon?"  Tanong ni Denise sabay dampot ng isang pambabaeng pitaka sa sahig.  Mukhang nahulog no'ng customer kanina 'yong wallet nito.  "Hala! Jen, boyfriend mo ito 'di ba?"  Utas ni Denise saka ipinakita sa akin ang isang picture na galing sa napulot na wallet.

"Oo nga 'no."  Sabi ko nang makita rin ang picture ni Dustin na may kasamang babae  sa isang cafe.  Ang babaeng iyon ay ang customer kanina na nakaiwan nitong wallet.

"Kilala mo ba ang babaeng 'yan?"  Tanong ni Denise at umiling naman ako bilang sagot.  Napa-cross arms siya at nagkunot ng noo habang nakatingin sa picture na hawak ko na ngayon.  "Sino kaya ang girlalou na 'yan at bakit kaya siya may picture kasama ang boyfriend mo?"

"Ha, ewan."  Sagot ko dahil hindi naman talaga kilala ang babae na 'yon.

"Naku, hindi kaya may ginagawang kalokohan ang BF mo?"  Pagdududa ni Denise. 

"Ano ka ba, kanina gusto mo pang mag-abay sa kasal namin 'tapos ngayon pinaghihinalaan mong gumagawa ng kalokohan ang boyfriend ko.  Hindi niya 'yon magagawa 'no, may tiwala ako sa kaniya."  Giit ko.  Para sa akin ay isang normal na picture lang naman iyon na kuha sa isang cafe.  'Yong tipong napag-tripan lang nilang magpa-picture matapos kumain.  Sa tingin ko ay wala namang masama doon.

"Kung sa bagay, hindi naman malisyoso itong picture.  Baka nga, friends lang sila."  Komento ni Denise.

Maya-maya pa ay biglang bumalik 'yong babae.  "Excuse me, ask ko lang kung may nakita ba kayong wallet dito?  Nawawala kasi ang wallet ko, baka naiwan ko dito."

"Ay opo, ito na po."  Sabi ko at inabot na sa babae ang kaniyang wallet kung saan inipit ko na din doon ang picture.

"Oh, thank you."  Aniya at sabay alis.

---

Alas sais ng gabi ang usapan namin ni Dustin na magkikita dahil iyon ang oras ng labas niya sa office.  Alas kuwatro naman ako nag-out sa trabaho kaya kailangan ko pang maghintay ng dalawang oras.  Tumambay na lang muna ako sa mall saka nag-text kay Dustin na dito na lang niya ako sunduin.

Nag-reply naman siya at sinabing hindi na siya matutuloy dahil biglaan daw na nagpatawag ng meeting sa kompanya nila at kailangan daw niyang dumalo doon.

From Dustin:

I'm really sorry, I can't skip that meeting.  I hope u understand.  I love you.  I'll see you tom.  Ingat sa pag-uwi. 

When Mr. Gorgeous is JealousWhere stories live. Discover now