Chapter 36

57.6K 1.5K 29
                                    

Jennifer

"How's your first day so far?" Tanong ni Principal Emily Dizon Celeste na kasabay kong mag-lunch dito sa canteen.

"Medyo naninibago pa ma'am pero overall ay okay naman. Mababait naman ang mga students sa advisory class ko." Tugon ko saka nilibot ng tingin ang buong canteen na wala gaanong pinagbago.

"Jen, okay ka lang? Umiiyak ka ba?" Nag-aalalang tanong pa ni Ma'am nang mapansing naluha ako.

Nagpahid ko ng luha ko gamit ang panyo. "Sorry, may naalala lang po kasi ako."

Pagpasok ko pa lang sa loob ng gate ng East Pearl Academy ay marami na akong nalaala. Hindi ko malilimutan na sa paaralang ito ko natutunan kung paanong maging matapang at paanong lumaban sa mga taong nang-aapi sa'kin. Dito naganap ang aking first kiss at higit sa lahat dito ko nakilala ang aking unang boyfriend na hanggang ngayon ay patuloy kong minamahal. Ipinapaalala sa'kin ng bawat sulok ng lugar na ito si Dustin na siyang dahilan kung bakit bigla akong naiyak.

"Jen, kayo pa rin ba ni Dustin?" Tanong ni Ma'am Celeste at malungkot naman akong umiling bilang sagot. "So, kaya ba binawi na ni Mr. Villaverde ang utos niya is because you broke up with Dustin?"

"Gano'n na nga po. Pero hindi ako nakipag-break kay Dustin dahil sa mas pinili ko ang pangarap ko kaysa sa kaniya. The thing is..." Huminto ako sa pagsasalita dahil hindi ko alam kung makakaya ko bang ikuwento kay Ma'am ang mapait na dahilan ng break-up namin ni Dustin.

"Tama na Jen, hindi mo naman kailangan mag-kuwento eh. Kung kayo ni Dustin ang talagang para sa isa't-isa ay tiyak na gagawa ng paraan ang tadhana upang magkakabalikan kayo. But for now, just enjoy your life and live your dream. Cheer up, okay."

Napangiti ako at nagpasiyang sundin ang payo ni Ma'am. Nasa kamay ko na ang pangarap na matagal ko nang inasam kaya mage-enjoy ako at bahala na ang tadhana para sa aming dalawa ni Dustin.

Mapayapang natapos ang unang araw ko as a teacher. Paglabas ko ng gate ay bumungad sa akin si Philip na nakatayo sa tabi ng kaniyang kotse.

"Hi Ma'am, kumusta?" Masayang bati ni Philip nang makalapit ako sa kaniya.

"Mabuti naman, sinusundo mo ba si Pris, hintayin mo lang at baka palabas na 'yon." Sabi ko sa kaniya. Kanina ay nagkita kami ni Pris na nasa grade nine na ngayon dito sa East Pearl.

"Hindi si Pris ang sinusundo ko dahil may sarili siyang driver na susundo sa kaniya. Kaya ako nandito dahil ikaw ang susunduin ko Ma'am Asuncion. Congrats ah, finally teacher ka na."

"Ha?" Kumunot ang noo ko. "Pero paano mo nalaman 'yan?"

"What do you mean paano kong nalaman? 'Di ba naka-status iyon sa FB mo?"

"Kuya!" Sigaw ni Pris na kalalabas lang din ng gate. "Why are you here?"

"Sinusundo ko si Jen, bakit?"

Sasagot pa sana si Pris pero hindi na niya nagawa dahil dumating na ang sundo niya. Bumaba mula sa pulang kotse si Kuya Charles at agad na bumati sa akin.

"Uy, Jen kumusta?"

"Ayos lang Kuya Charles, kayo po?"

"Heto, malapit ng lumagay sa tahimik. Malapit na kaming magpakasal ni Neri, sana makapunta ka."

"Wow! Congratulations! Oo ba, pupunta ako sa kasal niyo, sabihan niyo lang ako kung kailan." Nakakatuwang malaman na sina Ate Neri at Kuya Charles pala ang magkakatuluyan. Silang dalawa ay matagal nang nagsisilbi sa pamilya Villaverde bilang driver at kasambahay. Naalala ko tuloy sa kanilang dalawa ang parents ko.

Maya-maya pa ay umalis na sina Pris kaya naiwan kaming dalawa ni Philip dito sa labas ng school.

"Tara na Jen, hatid na kita pauwi." Ani Philip saka binuksan ang pinto ng passenger seat. Tumanggi ako pero hindi siya tumigil ng pangungulit hanggang sa mapilitan akong sumakay. "Okay lang ba sa'yo kung magmeryenda muna tayo, medyo gutom kasi ako."

When Mr. Gorgeous is JealousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon