Chapter 29

62.9K 1.7K 51
                                    

Dustin Villaverde

Lumabas lang ako sandali para bumili ng meryenda pero pagkabalik sa kuwarto ni Jen ay may naabutan ako doong demonyo na ang pangalan ay Philip.

"What do you think you're doing?"  Sinasabi ko 'yon nang nakakuyom ang aking kamao.  Gusto ko nang sapakin si Philip dahil nahuli ko lang naman siya na balak nakawan ng halik ang girlfriend ko.  Pero dahil ayokong maistorbo ang tulog ni Jen ay hindi ko na lang ginawa.

"Malas naman oh."  Sabi ni Philip na nagkamot pa ng ulo.  "Ngayon lang ako nagtangkang magnakaw ng halik sa isang babae, nahuli pa 'ko." 

"G*go ka pala eh."  Naiinis kong sabi sabay hawak sa kuwelyo niya.  "May gusto ka ba sa girlfriend ko?"

Naitanong ko 'yon dahil no'ng bumisita kami noon sa condo ni Philip ay napansin ko na ang kakaiba niyang mga tingin kay Jen.

"Paano kung sabihin kong oo."  Sagot niya habang pangisi-ngisi.

"Ano?"

"Tinanong mo 'ko 'di ba, kaya sinasagot ko lang.  Oo, Dustin, may gusto ako sa girlfriend mo."  This time ay seryoso na ang hitsura ng mukha ni Philip dahilan upang lalo akong mag-apoy sa galit.

"Ang lakas ng loob mo ah! Gusto mong basagin ko 'yang mukha mo."  Sabi ko habang hawak pa rin ng dalawang kamay ko ang kuwelyo ni Philip.  Kung nasa labas lang kami ngayon ay tiyak nakahandusay na siya.

"Gawin mo na lang, ang dami mo pang sinasabi eh."  Paghahamon pa niya kaya hindi na ako nakapagpigil na pakawalan ang kamao ko.

"Beh, anong ginagawa mo?"  Utas bigla nang nagising na si Jen kaya naudlot ang pagsapak ko sana kay Philip.

"Hi Jen."  Bati ni Philip kay Jen matapos niyang alisin ang kamay ko sa kuwelyo niya.  "Sorry kung ngayon lang ako nakadalaw.  I'm glad at magaling ka na.  By the way, gusto ko lang sabihin sa'yo na ako ang nanalo ng first price sa photo contest.  Nanalo 'yong picture na pinili nating dalawa."

"Wow, congratulations."  Maligayang sambit ni Jen na ngayon ay nakaupo na sa kama.

"Thanks, at gaya ng promise ko sa'yo may balato ka sa'kin.  Ano bang gusto mo, kahit ano pa 'yan, nakahanda akong ibigay sa'yo."  Si Philip na yata ang taong may pinaka makapal na mukha sa buong mundo para landiin ang girlfriend ko sa mismong harapan ko pa.  Wala siyang katulad!

"What about a trip for two to Boracay."  Suggestion ko sabay upo sa kama upang tabihan si Jen.  "Kahit mga one week lang okay na kami, 'di ba Beh?"

"Tumigil ka nga beh."  Sita ni Jen sa akin sabay baling kay Philip.  "Alam mo Philip, huwag ka nang mag-abala na bigyan ako ng balato.  Kuntento na ako na makitang masaya sa bawat bagay na ginagawa mo."

Abot sa magkabilang tainga naman ang mga ngiti ni Philip nang marinig ang sinabi sa kaniya ni Jen. 

Sige, ngumiti ka lang.  Tingnan natin kung makangiti ka pa sa gagawin ko.

"Beh, bakit kahit bagong gising ka ay ang ganda mo pa rin.  Pa-kiss nga."  Sabi ko saka hinalikan ang mga labi ni Jen sa harap ni Philip para ipakita na ang babaeng pinagnanasaan nito ay akin at sa akin lang. 

"Huy ano ka ba nakakahiya kay Philip oh."  Ani Jen matapos akong itulak palayo para maputol ang kiss namin.  Halata ngang nahiya siya at kitang-kita ko 'yon sa namumula niyang mukha.  "Sorry Philip ah, may saltik kasi 'tong kapatid mo eh."

"Okay lang."  Sagot ni Philip na halatadong dismayado sa nakita.  "Anyway, kung ayaw mong sabihin sa akin ang gusto mong gift ay ako na lang ang mamimili ng ibibigay ko sa'yo.  Sana tanggapin mo dahil bilang pasasalamat ko na rin 'yon sa'yo dahil tinuruan mo akong huwag sumuko at ipagpatuloy ko lang ang pagtupad ko sa aking mga pangarap.  Para sa'kin ay malaking bagay ang nagawa mo."

"Ito naman, wala nga 'yon 'no.  Pero kung gusto mo talagang gumastos para ibili ako ng gift, bahala ka."  Sagot naman ni Jen.

"Thanks.  Sige, mauuna na 'ko, bye."  Ani Philip bago tuluyang lumabas.  Samantala ay lumabas din ako para sundan siya.

"Philip!"  Tawag ko kay Philip na palapit na sa kaniyang kotse.

"Oh bakit?"

"Binabalaan kita, huwag na huwag ka na uli lumapit kay Jen, kung ayaw mo akong makalaban.  Sa akin si Jen at hindi ako papayag na agawin ng sinuman ang lahat ng pag-aari ko.  Naiintindihan mo?"  Seryoso kong sinabi kay Philip.  Hindi naman sa natatakot ako na agawin niya sa akin si Jen dahil alam kong hindi naman iyon kailanman mangyayari.  Basta, ang alam ko lang ay kailangan kong protektahan ang mahal ko mula sa demonyong 'to.
 
"Huwag kang mag-alala, dahil wala naman akong balak na maging kontrabida sa relasyon niyo.  Promise, hindi ako manghihimasok o gagawa ng kahit anong move na ikasisira ng relasyon niyong dalawa.  I won't stoop that low, pangako 'yan."  Pagkasabi no'n ay pinatunog na ni Philip ang kaniyang kotse at binuksan ang pinto.  Ngunit bago sumakay ay muli siyang nagsalita.  "May isa pa pala akong promise sa'yo.  Promise, hindi ko rin sasabihin kay Jen ang tungkol kay Kara, kaya relax ka lang 'tol."

---

"Beh anong nangyari kanina ah, bakit gusto mong suntukin si Philip?"  Tanong ni Jen pagbalik sa kuwarto niya.  "Bakit ba hindi mo na lang kasi siya kaibiganin."

"Kaibiganin?  Ayoko nga.  Ngayon pang..."

Ngayon pang nalaman kong may gusto siya sa'yo.

Iyon sana ang sunod kong sasabihin pero hindi ko na itinuloy.

"Ngayon pang ano?  Ano ba talagang ikinaiinis mo kay Philip ha?"  Matalino si Jen pero may time talagang nagiging kasing slow siya ni Ashley.

"Wala."  Sabi ko sabay pitik ng mahina lang sa kaniyang noo.

"Hala, anong kasalanan ko?"  Hinaing niya sabay himas sa noo.

"Anong kasalanan mo?  Masyado kang maganda at charming, 'yon ang kasalanan mo."  Banat ko habang nakataas ang isang kilay.  Pero hindi ko maitatanggi na 'yon ang isa sa mga dahilan kung bakit mahal na mahal ko si Jen.  She's pretty and charming kaya kung magkagusto man sa kaniya si Philip ay hindi na nakakapagtaka. 

"Sorry naman, sisihin mo ang parents ko dahil ginawa nila akong ganito."  Hirit pa niya at sabay naman kaming natawa.

"Beh, pa-kiss nga ulit."  Sabi ko sabay nguso. 

"Sige, pero i-lock mo muna 'yong pinto at baka may biglang pumasok."  Minsan ay may pagka-pilya rin itong si Jen.  Ngunit sigurado naman ako na sa akin lang niya ipinapakita ang kapilyahan na iyon.

Habang hinahalikan si Jen ay hindi ko mapigilang alalahanin ang sinabi kanina ni Philip.

"Promise, hindi ko rin sasabihin kay Jen ang tungkol kay Kara, kaya relax ka lang 'tol."

"Beh, may sasabihin ako."  Sambit ko matapos halikan si Jen.  Nabahala ako sa sinabi ni Philip kaya bago pa ito magsalita ay uunahan ko na.

"Ano 'yon?" 

Biglang may kumatok kaya naudlot ang pag-uusap namin ni Jen.

"Nandito pala si boyfriend." Nakangising sabi ni Doktora Gonzales na dumating kasama ang parents ni Jen.  "Okay na po ang anak niyo.  Basta, mag-iwas lang na magbuhat ng mabibigat.  Bawal din ang mga nakakapagod na activities like, jogging, pagbibisikleta, at page-exercise.  Sasabihan kita kung kailan puwede nang gawin ang lahat ng 'yon."

Marami pang ibinilin ang doktor para sa tuluyang ikagagaling ni Jen. 

Naisip ko namang ipagpaliban muna ang aking sasabihin dahil mukhang hindi pa ito ang tamang panahon para malaman ni Jen ang tungkol kay Kara.  Mas mabuti sigurong maghintay muna ako ng tamang pagkakataon bago ipagtapat ang lahat. 

When Mr. Gorgeous is JealousWhere stories live. Discover now