Chapter 6

84.6K 2.5K 41
                                    

Jennifer

Hindi nakapasok si Aika at sigurado akong dahil iyon sa nangyari kahapon.  Tinanong ko siya sa text kung okay lang ba siya at sinabihang ako na ang bahalang sumalo ng gawain niya para sa report namin. 

Nag-reply naman si Aika sa text ko ng pasasalamat at sinabi din niyang, bukas ay papasok na siya.

Habang wala pa 'yong prof ay lumabas muna ako ng classroom saka ko tinawagan si Dustin para sabihin na huwag na niya akong sunduin dahil after class ay pupunta ako sa bahay ng isa kong classmate para sa aming group report.

[Hindi ba puwedeng sa bahay niyo na lang gawin 'yan?]

"Hinde eh, napagkasunduan nang kina Jill kami dahil bahay nila ang pinakamalapit dito sa Campus.  Bali lima kaming lahat, tatlong girls, including me at dalawang boys.  Actually isa nga lang eh, dahil bading 'yong isa, at 'yon si Jill, ang may-ari ng bahay na pupuntahan namin.  Kaya huwag mo na 'kong sunduin ah."

[Hindi, pupunta pa rin ako diyan.  Sasamahan na lang kita, para na rin may maghatid sa'yo pauwi.]

"Huwag na beh, marami kaming gagawin at baka matagalan kami.  Maiinip ka lang kung sasama ka."  Giit ko.

[Okay lang, basta, hintayin mo na lang ako sa dati.  I love you, bye.]

Magsasalita pa sana ako, kaya lang ay tinapos na agad ni Dustin ang tawag.  Kaya ang ending ay sumama nga siya sa bahay ng classmate kong si Jill.

---

Tama nga 'yong sinabi kong matatagalan kami sa paggawa ng aming report, puro kasi sila kuwentuhan kanina eh!  Idagdag pa ang pagkaka-antala ng pag-eencode ko sa laptop dahil panay ang text ni Dustin na nandoon lang sa labas nitong bahay.

Dustin:

Hindi pa ba kayo tapos?  uwi na tayo.

Jen:  Hindi pa eh. 

Dustin:

i need to go home for dinner

Jen:

ganon ba?  matagal pa kasi to, mauna ka na lang

Dustin:

hayaan mo na sila diyan, mauna na tayo

Jen:

hindi pwede

Dustin:

okay, thirty minutes na lang ha.

Jen:

Ano ka ba, hindi 'to kaya ng thirty minutes!

Dustin:

thirty five

Jen:

baliw! ka umuwi ka na!

Dustin

Uuwi na tayo after fourty minutes.  No buts.

Pumikit ako nang mariin nang mabasa ang huling reply ni Dustin.  Maya-maya pa ay biglang nagsalita ang classmate ko at leader ng grupo na si Zac.

"Ano kaya Jen kung lumabas ka na lang at makipag-usap sa jowa mo, kaysa naman napapagod ka diyan ng kaka-text."  Sabi ni Zac nang naka-kunot ang noo.

"Sandali lang ako, promise."  Pagkasabi ko no'n ay agad akong lumabas para kausapin si Dustin.  Pero kahit anong sabihin ko ay hindi niya pinakikinggan.  Ang gusto niya talaga ay umalis na kami.  "Hindi pa nga ako puwedeng umalis.  Kung gusto mo nang umuwi, mauna ka na.  Iwan mo na 'ko."

"Hindi puwede, sinong kasama mo pauwi?"

"Eh 'di sila.  Huwag mo na kasi akong alalahanin, okay lang ako."

"No,umuwi na tayo.  Kunin mo na ang mga gamit mo."  Mariin niyang utos.

"Dustin naman!  Alam mo, wala na sa lugar ang pagiging protective mo!  Dustin hindi na 'ko high school.  College na 'ko!"  Sinasabi ko 'yon nang pasigaw.

"Huwag ka nang makipagtalo, umuwi na tayo."  Pagbabaliwala lang niya sa mga sinabi ko, dahilan upang tuluyan na 'kong mainis.

"You know what Dustin, sa tingin ko, mas okay nga kung umalis ka na lang ng bansa para naman mawalan na 'ko ng makulit na bantay."  Bunga ng gutom, pagod at init ng ulo ay nasabi ko ang mga salitang 'yon kahit hindi dapat.

"Ano?  So ibig sabihin niyan ay masaya ka na aalis ako?  Para ano?  Para malaya kang gawin ang lahat gustihin mo habang wala ako?"  Sa lakas ng boses ni Dustin, palagay ko ay naririnig na ito ng mga classmates ko doon sa loob.

"Hindi 'yon ang..."  Magpapaliwanag sana 'ko pero hindi niya 'ko binigyan ng pagkakataon.

"May paiyak-iyak ka pa no'ng sinabi ko sa'yong aalis na 'ko.  Pero tears of joy lang pala 'yon dahil sa wakas ay makakalaya ka na sa'kin.  Pero huwag kang mag-alala dahil malapit nang matupad ang wish mo.  Pag-alis ko, malaya ka na."  Pagkatapos sabihin 'yon ay tumalikod na si Dustin.  Hinawakan ko siya sa braso para sana makipag-ayos pero hinawi lang niya ang kamay ko hanggang sa tuluyan na siyang sumakay sa kaniyang kotse at nagmaneho paalis.

Dustin Villaverde

Hindi pa ako lubos na nakakalayo ay agad kong ibinuwelta ang sasakyan ko.  Maaring masama ang loob ko kay Jen pero hindi ako mapapalagay kung mag-isa siyang uuwi sa kanila kaya bumalik ako sa bahay ng ka-klase niya.  Makalipas ang isang oras ay natapos na rin ang kanilang report kaya lumabas na sila.

Nagulat si Jen no'ng makita niya 'kong nag-aabang dito sa labas.  Agad ko siyang pinagbuksan ng pinto ng kotse at pinasakay ko na rin ang tatlo niyang ka-klaseng babae para mai-drop ang mga ito sa MRT station.  Habang 'yong isang lalaki naman ay tumangging sumakay kahit inalok ko rin ng ride, eh 'di 'wag!

Nakababa na 'yong tatlong classmates ni Jen kaya kaming dalawa na lang ang naiwan.  Mula kanina ay hindi ako kumikibo at wala muna akong planong kibuin siya dahil masama pa rin ang loob ko.

Oo, aaminin kong makulit ako at sobra na ang pagiging overprotective ko kay Jen pero hindi ba niya alam na ginagawa ko lang ito dahil mahal ko siya?

"Beh,"  Sambit ni Jen sa tonong naglalambing.  "Sorry na, hindi totoo 'yong sinabi ko kanina.  Ayoko naman talaga na umalis ka eh."

Hindi ko pa rin pinansin si Jen haggang sa makarating na kami sa kanilang bahay.

"Baba na."  Sabi ko nang hindi nakatingin sa kaniya.  Hindi naman siya kumikilos na para bang wala siyang balak bumaba.  Dito ko na siya hinarap.  "Hindi na 'ko galit, okay?  Baba na, kasi hinihintay ako nina Daddy for dinner at may pag-uusapan daw kami."

Pagkatapos kong magsalita ay niyakap niya 'ko at hinalikan saglit sa labi.

"Bye, ingat sa pag-drive, ah.  I love you."

"Love you too."  Sagot ko at pagkatapos ay tuluyan na siyang bumaba.  Napangiti naman ako no'ng makitang nag-flying kiss pa si Jen bago pumasok sa gate. 

Pag-uwi ay naabutan ko sina Daddy, ang asawa niyang si Tita Erlie at kapatid kong Priss na kumakain na ng dinner.

"Sorry, I'm late."  Sabi ko at naupo na sa gawing kaliwa ni Dad.

"Nag-date siguro kayo ng girlfriend mo 'no?"  Sambit ng anak ni Tita Erlie sa una nitong asawa, my step brother.  Napakunot naman ang noo ko dahil hindi ko inasahang makikita ko rito sa bahay itong si Philip.

When Mr. Gorgeous is JealousOnde as histórias ganham vida. Descobre agora