Chapter 52

62.7K 1.5K 43
                                    

Jennifer

Pagkagising ay sinilip ko agad ang aking cellphone para tingnan kung may text ba sa akin si Dustin.  Napakamot na lang ako ng ulo nang makitang walang message ni isa.

The truth is, may tatlong okasyon ngayong araw na ito.  Una ay JS Prom ng East Pearl Academy.  Pangalawa, ay birthday ng Daddy ni Dustin na si Tito Junnie.  Pangatlo ay ang sixth year anniversary namin ni Dustin.

Madalas ay si Dustin ang laging nauunang bumati sa'kin tuwing anniversary namin.  Ano kaya kung ako naman ang mauna?

good morning beh.  happy 6th anniversary.  i love u so much ..  see u later muah! 

Okay na sana pero hindi ko na-send ang message na iyon dahil expire na pala ang load ko.  Halos mapatalon naman ako no'ng biglang may dumating na text.

From Dustin:
hindi kita masusundo mamaya..  sabay ka na lang kay Dustin papuntang party.. 

"'Yon lang?"  Sabi ko habang nakakunot ang noo.

---

"Bes anong problema?  Bakit parang biyenes santo 'yang mukha mo?"  Tanong ni bestfriend na abala sa pagmamaneho papunta sa Grande Hotel kung saan magaganap ang birthday party ni Tito Junnie. 

"Wala ito, huwag mo na lang akong pansinin." Sagot ko saka tumingin na lang uli sa labas ng bintana.  Sa totoo lang ay bad trip ako dahil kanina pa walang paramdam ang magaling kong boyfriend.  Nakakainis!

Pagdating sa party ay pinuntahan agad namin ni bestfriend ang may birthday at binati ito.

"Happy birthday po."  Magalang kong pagbati kay Tito Junnie.  Bumati rin sa kaniya ang bestfriend ko.

"Thank you, by the way, you look stunning hija, right Hon?"  Ani Tito Junnie sa asawa niyang nakakapit sa kaniyang braso.

"Yeah."  Ngumiti si Tita Erlie at nginitian ko rin siya.  Natutuwa ako dahil mukhang hindi na siya galit sa'kin.  Nagkuwentuhan kami sandali at humiwalay din no'ng lapitan sila no'ng iba pang mga bisita.

Papunta na kami ngayon ni bestfriend sa puwesto ng buong tropa pero hindi ako tumuloy dahil nakita ko si Dustin na masayang nakikipagkuwentuhan kina Stella at Tanya.

"Mauna ka na bes, puntahan ko lang si Dustin."  Paalam ko kay bes at agad nang pinuntahan si Dustin.  Pero bago pa ako makapalit ay bigla naman akong tinawag ni Faith.

"Hi." Ani Faith saka nakipag-beso.  "'Di ba ngayon ang JS prom sa East Pearl?  Teacher ka doon 'di ba?  Hindi ka ba mag-aatend ng prom?"

"Aatend ako, pakatapos dito."

"Okay."  Nilapitan si Faith ng isang guwapong lalaki na agad naman niyang binati.  "Jen, I'd like you to meet Raffy, Raffy this is Jen, girlfriend ni Dustin."

Napansin ko agad ang ginawang pagkapit ni Faith sa braso ni Raffy.  Sa mga gestures pa lang nilang dalawa ay parang may relasyon sila. 

"Sige ah, maiwan ko na kayo.  Puntahan ko lang si Dustin." Paalam ko sa dalawa at itinuloy na ang paglakad palapit kina Dustin.  "Hi Beh!"  Sabay kapit ko sa braso ni Dustin.  Halata namang nagulat sina Tanya at Stella sa bigla kong pag-eksena sa masaya nilang pagkukuwentuhan.  "Nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap." 

Nagtataka akong tiningnan ni Dustin dahil sa maarte at flirty kong pagsasalita.  Gusto ko lang naman kasi ipakita sa dalawang babaeng ito na akin ang lalaking kausap nila.  Akin lang!

"Excuse lang girls ha, kunin ko lang ang boyfriend ko, If you don't mind."  Sabi ko saka hinila palayo doon si Dustin at lumakad na kami papunta sa puwesto ng buong tropa kung saan wala kaming ginawa kundi ang magkuwentuhan.

"Hindi ko yata nakikita dito si Philip."  Tanong ni Exel sabay inom.

"He went to Singapore dahil sa trabaho."  Sagot ni Dustin.

"Nagkausap kayo?"  Tanong ko.

"Yeah, nagkapatawaran na."  Tipid niyang sagot.

"Bakit, nag-away kayo?"  Tanong ni Maureen.

"Just a simple misunderstanding, pero okay na kami."  Tugon ni Dustin.  Samantala ay nagpatuloy pa kami sa pagku-kuwentuhan hanggang sa dumating na ang oras.

"Beh, I need to go." Sabi ko.

"Aalis ka na Jen?"  Tanong ni Eunice.

"Oo eh, need kong kasing pumunta sa JS Prom ng East Pearl."

"Gano'n ba, sige ingat ka."  Sambit ni James.

"Dustin, ihatid mo na si Jen."  Utos ni Kyle.

"Si Kuya Charles ang maghahatid sa kaniya."

"Bakit siya?  Bakit hindi ikaw?" Tanong ko.

"Sorry Beh, hindi pa kasi ako puwedeng umalis dito eh."

"Bye Jen, ingat ka ah, at enjoy sa prom."  Si bestfriend na parang gusto na akong paalisin.

"Magpaalam ka muna kay Tito Junnie bago umalis, tara samahan kita."  Sabi ni Ashley sabay hila sa akin.  Matapos magpaalam kay Tito Junnie ay umalis na ako.

---

"Hi Jen, ngayon ka lang?"  Tanong ni Ma'am Celeste pagdating ko.

"Opo, kasi nag-attend pa po ako ng birthday party ng Daddy ni Dustin."  Sagot ko at saka kumuha ng maiinom.  "Wala po bang nakakalasing na maainom dito." 

"Siyempre wala 'no.  At bakit gusto mong uminom ng nakalasing aber?"

"Si Dustin kasi eh!  Alam niyo ba ma'am na sixth year anniversary namin ngayon?  Buong araw kong hinintay na batiin niya 'ko pero hindi niya ginawa.  Ni hindi niya ako ihinatid papunta dito.  Nakalimutan na yata niyang bukod sa birthday ng Daddy niya ngayon ay ngayong araw din anniversarry namin.  Parang wala lang sa kaniya ang araw na 'to."  Parang batang sumbong ko kay Ma'am.

"Oh I see, so it's been six years already?  Ang tagal na rin pala.  You know what, kung hindi niya man lang naalala na anniversary niyo ngayon.  Isa lang ang ibig sabihin no'n..."

"Ano po?"

"Nauumay na siya sa'yo."

"Ha?"  Nalukot ng husto ang mukha ko.

"Kasi nga, ang tagal niyo nang dalawa.  Baka nagsasawa na siya sa'yo.  O kaya, baka may iba na 'yon."

"Ma'am naman eh."  Isipin ko pa lang na may iba na si Dustin ay parang gusto ko nang magwala.

"Iiyak na 'yan!"  Panunukso pa ni Ma'am sa akin dahilan upang maiyak na ako nang tuluyan.  "Ano ka ba, huwag ka ngang umiyak diyan.  Nagbibiro lang naman ako.  Sorry na Jen."

Nagpunas ako ng luha gamit ang tissue.  "Sa tingin niyo Ma'am, nauumay na talaga siya sa'kin?  Sawa na nga kaya siya at naghanap na ng iba?"  Page-emote ko na biglang naudlot dahil nagsalita si Zac na nandoon ngayon sa stage.

"Good evening East Pearl!  Are you enjoying the night so far?  Well, before we end this year's JS Prom.  We have to crown the Prom King and Queen."  Anunsyo ni Zac sa harap ng mic.  "Alam kong excited na kayo kaya hindi ko na ito patatagalin pa.  The nominees for Prom Queens are..."  Apat na pangalan ang binanggit niya na nominado bilang Prom Queen.  "And last but definitely not the least, the fifth nominee for Prom Queen is Miss Jennifer Asuncion!"

"Oh Jen, tawag ka, akyat ka na sa stage."  Utos sa'kin ni Principal Celeste.

"Okay po."  Sagot ko at aakyat na sana sa stage nang bigla akong mapahinto.  "Ma'am bakit pati ako kasali?" 

"I don't know.  Anyway, umakyat ka na, dali!"  Excited na sinabi ni Ma'am sabay tulak sa akin.  Wala na tuloy akong nagawa kundi ang umakyat stage at samahan doon ang iba pang mga nominees.

Ano ba ang ibig sabihin ng kaguluhang ito, paki explain!

When Mr. Gorgeous is JealousWhere stories live. Discover now