Chapter 37

67K 1.5K 43
                                    

James

Nasa kuwarto ko ako ngayon, naka-harap sa aking laptop at abala sa paghahanap sa internet ng idea for a romantic marriage proposal. 

Yes, plano ko nang alukin ng kasal si Eunice dahil mahal ko siya at siya na ang babaeng nais kong makasama hanggang sa pagtanda.

Subalit inabot na ako ng hating gabi ay hindi pa rin ako makahanap-hanap ng magandang idea ng proposal na magugustuhan ni Eunice.

Simpleng tao lang si Eunice at siya ang tipo ng babae na hindi mahirap pasayahin.  Naalala ko tuloy no'ng okrayin niya ang friend namin no'ng college na nag-propose sa girlfriend nito sa gitna ng karagatan sa pamamagitan ng ni-rentahang luxury cruise ship.  Ang sabi niya no'n ay...

"Ang OA naman, magpo-propose lang may pag-renta pa ng cruise ship.  Sayang lang ang perang ginastos niya.  Ikaw, James kapag nag-propose ka sa'kin, huwag ka nang gumastos ng malaki ah.  Gawin mong simple lang, basta naman may singsing ay okay na eh."

Gusto ko talaga ang pagiging simple at prangka ni Eunice.  Kung puwede ko lang siyang pakasalan na agad ngayon ay gagawin ko talaga.  Pero siyempre, I have to pop the question first.  Pero paano ko nga ba gagawin ang simpleng proposal na magugustuhan ni Eunice?

Hindi nagtagal ay naka-isip din ako ng magandang idea kung paano ako magpo-propose kay Eunice.  'Yon nga lang ay hindi ko masusunod ang bilin niyang huwag akong gumastos.  Pero 'di bale, maaring gagastos ako pero hindi naman masasayang ang pera ko dito and I'm sure, ikatutuwa pa ito ni Eunice.

"Ilocos?  Anong gagawin natin sa Ilocos?" Tanong ni Eunice na kasama kong kumakain sa restaurant.

"Pupunta doon sina Daddy para magsagawa ng relief operation sa mga nasalanta ng bagyo.  Actually, nag-donate ako doon at gusto ko ring sumama para makita ko ang kalagayan ng mga tao doon, can you come with me?"  Paliwanag ko.  Sa halip na gumastos ng malaki para sa magarbong proposal ay nagpasiya akong gamitin na lang ang pera ko sa kawang-gawa.

"Ofcourse, gusto kong sumama at gusto ko ring mag-donate."  Excited na sinabi ni Eunice.  Two days later ay lumipad na kami kasama ang team ni Daddy papuntang Ilocos. 

Nag-ikot kami sa mga barangay at namigay ng relief goods tulad ng pagkain, tubig, gamot at mga damit.  Nakakapagod ang ginawa namin pero kahit isang reklamo ay wala akong narinig mula kay Eunice.  Hinaharap niya ang bawat tao na may ngiti sa kaniyang mga labi na para bang hindi siya nakakaramdam ng pagod.

"Magpakasal na tayo." Wala sa sarili kong sinabi habang nakahiga sa kama at nakayakap kay Eunice.  Sa halip na mag-renta ng magkahiwalay na room ay nagsama na lang kami ni Eunice sa isang kuwarto para makatipid.  At 'yon na nga, nalunod ako sa pagmamahal sa kaniya dahil sa ipinamalas niyang dedikasyon sa pagtulong sa kapwa.  Hindi ko tuloy napigilan ang sarili kong yayain siyang magpakasal.

"Ha?"  Sabay bangon niya.

Bumangon na din ako.  "Ang sabi ko, marry me."

"Wait, 'yan na ba ang marriage proposal mo?"  Aniya nang nakataas ang isang kilay.

"Oo, ito na 'yon."  Sabi ko saka hinawakan ang kamay niya.  "Eunice, will you marry me?  Sorry ah, biglaan ko lang kasing naisip ito kaya walang singsing.  Pagbalik na lang natin ng Manila kita bibilhan."  

Umismid siya.  "Seryoso?"

"Oo naman, mukha ba 'kong nagbibiro?"  Sambit ko kahit ang totoo ay nagbibiro lang talaga ako.  Actually, ready na ang lahat para sa proposal ko bukas at nakabili na rin ako ng engagement ring.  Ewan ko ba, bigla ko kasing naisip na pag-tripan si Eunice eh.

"Wow!  So, yayayain mo 'kong pakasal nang tayo lang ang nandito sa kuwarto at tayong dalawa lang ang nakakarinig.  Parang ang labas eh, hindi ka proud na ipaalam sa lahat na ako ang babaeng gusto mong pakasalan.  At isa pa, bakit mo naisip magyaya ng kasal ngayon?  If I know gusto mo lang makaisa sa'kin kaya ka biglang nagpropose."  Halatang beastmode na siya pero hindi ako natinag at gagatungan ko pa ang inis niya.

When Mr. Gorgeous is JealousWhere stories live. Discover now