Chapter 22

66.1K 1.8K 119
                                    

Jennifer

Malungkot na malungkot akong umuwi ng bahay dahil sa nangyari kanina.  Nakita lang naman ni Dustin na yakap ako ni AJ habang umiiyak sa labas ng convenience store.  Hindi man lang siya nakinig ng paliwanag at basta na lang umalis na may matinding galit sa kaniyang puso.  Palalim na nang palalim ang away naming ito at hindi ko na alam kung ano ang dapat gawin.

Pagpasok sa sala ay agad akong sinalubong ng magkasintahang sina Dustin at Ashley na kapwa balisa ang mga hitsura.

"Jen, anong nangyari sa inyo ni Dustin?"  Tanong ng aking bestfriend na mukhang alam nang may problema kami ni Dustin.  Hindi naman ako sumagot at sa halip ay napayuko na lang.

"Are you really okay with this?  Hindi niyo na ba maaayos 'yong sa inyo?"  Si Ashley naman ito na ngayon ko lang uli nakita matapos ko siyang masampal no'ng nagka-problema sila ng bestfriend ko.  Pero mukha namang hindi siya galit sa akin.  "Talaga bang payag kang mapunta na si Dustin kay Faith?"

"Ofcourse not."  Sagot ko agad.  Bakit naman ako papayag na mapunta si Dustin kay Faith?  Kahit kailan ay hindi ko 'yon mapapayagan, as in never!

"Kung gano'n ano pa ang ginagawa mo dito?" Biglang hinigit ni Ashley ang mga braso ko kaya nagulat ako.  "Go there and stop their engagement!"

"Ano?"  Sabi ko habang nanlalaki ang mga mata sa gulat.  "Ashley, ulitin mo nga 'yang sinabi mo?"

"So, hindi mo alam, na ngayong gabi na magaganap ang engagement party nina Dustin at Faith?"  Bakas sa boses ni Ashley ang pagkadismaya habang nagsasalita.  "Hindi ko alam kung anong nangyari pero sigurado akong napipilitan lang si Dustin kaya siya nandoon ngayon.  Jen, mahal mo siya 'di ba? At kung mahal mo siya, huwag mo siyang hayaang mapunta sa iba!  You have to fight for him, kung hindi, habang buhay mo 'yang pagsisisihan."

"Si Faith..."  Bulong ko habang iniisip na hindi kaya si Faith ang ugat ng problema namin ni Dustin?  Naalala ko pa na no'ng gabi na nakita ni Dustin na kasama ko si AJ sa parking ng roofdeck restaurant ay naroon din si Faith at kalaunan ay sumulpot din doon sina Tanya at Stella.  At kung tama ang pagkakatanda ko ay galing ang dalawa sa building ng roofdeck restaurant.  Ang naiisip ko ay baka kumakain din sa restaurant na iyon sina Tanya at Stella, 'tapos ay nakita nila ang pag-kiss sa akin ni AJ na agad nilang ini-report kay Faith at ito namang si Faith ang nagsumbong kay Dustin para mapagbintangan kami ni AJ na mga cheater.

Maaring hindi totoo ang mga naiisip ko, pero malaki pa rin ang posibilidad na gano'n nga ang nangyari.  High school pa lang ay ginagawa na ni Faith ang lahat para sirain ako kay Dustin, dumating pa nga siya sa puntong kinalbo niya 'ko eh!

"Hindi ko siya mapapatawad."  Sambit ko matapos ma-realize ang lahat at agad na pumunta sa aking silid para kumuha ng armas.  "Tara Ash, dalhin mo 'ko ngayon din doon, kukunin ko si Dustin sa ahas na 'yon."

Nagkatinginan muna sandali sina Ashley at Dustin bago kumilos.  Siguro ay nagtataka sila kung bakit may dala akong arnis.  Sasabak ako sa giyera kaya dapat lang na may armas ako 'di ba?

Pagdating sa venue ay narinig ko ang malakas na palakpalan ng mga tao.  Mukhang nagsisimula na ang seremonya at para gambalain iyon ay pinatumba ko ang mataas na champagne tower sa gitna gamit ang aking arnis.  Nagulat at napahiyaw ang mga bisita pero hindi ko na sila pinansin at agad lumakad palapit kina Faith at Dustin na nasa may unahan.

Napahinto naman ako sa paglalakad dahil may limang guwardiya ang humarang sa akin.  Ready na akong labanan sila pero hindi na pala kailangan dahil may dumating agad na back-up na kinabibilangan nina Exel, James, Kyle at Dustin Melendez.  Silang apat ang humarap sa mga pakialamerong guwardiya na segundo lang ay bumulagta na sa sahig.  Ang husay ng mga back-up ko! Puwede na silang action star!

When Mr. Gorgeous is JealousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon