Chapter 15

70.9K 2.1K 24
                                    

Jennifer

Lumabas na ang resulta ng Teacher's exam at labis ang tuwa namin nina Mama at Papa dahil hindi lang ako basta nakapasa, kundi hinirang pang top notcher.

Naghanda kami ng maliit na salu-salo sa bahay pero hindi lang ito para sa pag-pasa ko kundi para na rin ipagdiwang ang pagbabalik-bansa ni Dustin.

Ako at si Ashley ang sumundo ka kay Dustin sa airport at napag-usapan doon na sa bahay muna namin siya didiretso bago umuwi sa kanila.

"Dustin, huwag mong kalimutan 'yong welcome party mo ng 8 PM ha."  Bilin ni Ashley.  Nabanggit nga niyang may magaganap daw na engrandeng welcome back party para kay Dustin sa Grande Hotel kung saan dadalo 'yong mga mayayamang tao na katulad nila.

"Yeah, I know.  Nga pala Ash, hindi ka ba sasama sa amin kina Jen?"  Tanong ni Dustin na wala pa nga palang alam na isang buwan ng break sina Ashley at ang bestfriend ko.  Pagsakay namin sa taxi ay saka ko pa lang sinabi sa kaniya iyon.  

"Bakit?"  Tanong agad ni Dustin pero hindi ko naman siya masagot dahil hindi ko rin alam ang dahilan ng break-up no'ng dalawa.  Gusto kong tanungin si bestfriend pero nahihiya naman ako.

Pagdating sa bahay ay naabutan namin sina James, Exel, Kyle at bestfriend na kanina pa daw kami hinihintay.  Kaya naman agad na naming sinimulan ang party.

Siyempre, nariyan ang walang katapusang pagkukuwentuhan.  Ang bawat isa ay nag-share nang mga kaganapan sa buhay nila sa loob ng apat na taon at kung ano na sila ngayon.

Silang lahat ay may kani-kaniya nang posisyon sa kompanya nila.  At ganoon din daw ang mangyayari kay Dustin, ngayong nagbalik na siya ay hahawak na rin daw siya ng posisyon sa kompaniya ng kanilang pamilya.

Napansin ko naman na wala isa man sa kanila ang nagbanggit tungkol sa mga girls and I meant Elisa, Eunice, Maureen and Ashley.

Ang alam ko doon sa Tatlong Jologs ay may mga business na sila ngayon, samantalang si Ashley naman ay isa nang Fashion Designer.  Kung walang naganap na break-up ay tiyak na kasama rin namin silang nagse-celebrate dito ngayon.  Ano nga kaya ang nagyari at nauwi silang lahat sa hiwalayan?

Sa sobrang enjoy namin sa party na ito ay hindi namin namalayang gabi na pala.

"Beh, alas siyete na.  Umuwi ka na kaya, 'di ba may party ka pang dapat puntahan?"  Sabi ko kay Dustin habang nagsosolo kami rito sa may garden kung saan nakaupo ako sa kandungan niya.  Naisip lang naming humiwalay muna sa iba para naman magkaroon kami ng alone moment with each other.

"Sagutin mo muna itong tanong ko, na-miss mo ba 'ko."

"Ano bang klaseng tanong 'yan, hindi mo na dapat 'yan tinatanong eh."

"Ah gano'n, sige ka, hindi ako uuwi kapag hindi mo sinagot ang tanong ko."  Sabi pa ni Dustin sabay pout.  Ang cute!

"Sus!  Ang cute mo talaga maglambing."  Sambit ko saka pinisil ang kaniyang ilong.  "Oo na po, siyempre naman na-miss kita ng sobra."

"Pa-kiss nga."  Hirit pa ni Dustin at pagkatapos ay pinahaba ang kaniyang nguso.  Pasalamat siya at miss ko na ang mga halik niya kaya naman pumayag ako at binigyan siya ng matamis na halik sa labi.  Mabuti na lang at walang tao sa paligid.

Kaya lang, bigla sumakit ang tiyan ko kaya napabitaw ako.

"Okay ka lang?"  Nag-alala niyang tanong.

"Wala ito, sumakit lang ang tiyan ko."  Sagot ko.  Ilang beses na ring nangyayari ito pero hindi ko na sinabi kay Dustin dahil ayokong mag-alala siya.

"Grabe naman, hinalikan lang kita, nabuntis ka na?"  Pang-aasar naman niya.

"Sira ulo!"  Utas ko.

"Masakit pa ba, dadalhin na ba kita sa hospital?"  Tanong niya pa.

"Huwag na, okay lang ako."  Giit ko.  "Dustin, umuwi ka na at baka ma-late ka sa welcome party mo." 

"Mabuti pa nga, ayokong magalit si Daddy eh.  Kahit anong mangyari ay hindi ko siya puwedeng galitin."  Sambit ni Dustin at pagkatapos ay tuluyan na siyang nag-paalam.

---

Simula uli ng panibagong araw kung saan si Dustin ay magsisismula nang mag-trabaho sa kanilang kompanya.  Pagbubutihin daw niya ng husto ang trabaho para matuwa ang kaniyang Daddy.  Ako naman ay lagi lang nandito upang magbigay sa kaniya ng suporta.

Pero siyempre, hindi ako puwedeng mapag-iwanan kaya naman agad na rin akong sumabak sa paghahanap ng eskuwelahan na maari kong pasukan bilang teacher.  Ang problema ay palagi akong umuuwing bigo.

Dumiretso agad ako sa kuwarto matapos maghapunan at matutulog na nang maaga dahil bukas ay maaga pa ang shift ko sa convenience store.  Habang hindi pa naha-hire as a teacher ay hindi ko muna bibitiwan ang part time job ko na 'yon dahil sayang din naman.

Ipinikit ko na ang mga mata ko pero agad din akong dumilat dahil may tumatawag.

"Hello Dustin?"  Pagsagot ko sa tawag ng aking bestfriend.

[Hello babe, where are you.  Can you come here, I really miss you.]

Boses pa lang ay halatang lasing na siya.  Na naman?!  Buhat no'ng mag-break sila ni Ashley ay lagi na lang siyang naglalasing.  Ano na bang nangyayari sa bestfriend ko, hindi naman siya dating ganito.

"Okay fine, sige, pupunta na 'ko."  Matapos i-end ang call ay tinawagan ko si Ashley dahil siya naman talaga ang kailangan ng bestfriend ko.  Ngunit nakailang tawag na 'ko ay hindi pa rin siya sumasagot.  Kung kaya't nag-send na lang ako sa kaniya ng message at nakiusap puntahan niya si Dustin sa Rico's bar.  Pagkatapos kong mag-text ay umalis na ako upang puntahan si bestfriend. 

Parang pinipiga ang puso ko sa sakit no'ng madatnan ko si bestfriend na nagpapakalunod na naman sa alak.  Agad ko siyang nilapitan at pinigilang inumin ang hawak niyang alak.

"Dustin, tama na 'yan, umuwi na tayo." 

"Babe!  I'm glad you came!"  Sabi niya sabay yakap sa akin.  Hindi pa siya nakuntento dahil pagkatapos akong yakapin ay bigla naman niya akong hinalikan sa labi.  Sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi na ako nakaiwas.

"Ano 'yan?"  Isang malamig na tinig ang nagpatayo ng mga balahibo ko.  At parang gusto ko na lang magpakain sa lupa nang malamang boses pala iyon ng boyfriend kong si Dustin.

When Mr. Gorgeous is JealousWhere stories live. Discover now