Chapter 49

62.1K 1.5K 186
                                    

Dustin Villaverde

Hanggang sa makalabas kami ng sinehan ay kapit-tuko pa rin si Jen braso ko.  In short, sobrang clingy niya ngayon at aaminin kong ikinatutuwa ko ito. 

"Maaga pa naman, huwag muna tayo umuwi ah."  Sabi niya habang kumakain kami ngayon ng hapunan sa restaurant.

"Na-miss mo talaga 'ko 'no?"  Hirit ko sabay haplos sa pisngi niya.  "Hindi pa talaga tayo uuwi dahil may gagawin pa tayo."

"Anong gagawin natin?"

"Actually, noon ko pa talaga gustong gawin natin ang bagay na 'to eh, sana pumayag ka."

"Oo naman, papayag ako.  Kung gusto mo 'yon, eh 'di gawin natin.  'Di ba promise ko sa'yo na nakahanda akong sumunod sa lahat ng gusto mo.  Ano ba 'yon beh? Ano 'yong gusto mong gawin natin."  Mukha siyang excited na excited.

"Sigurado kang pumapayag ka?  Hindi mo pa nga alam kung ano 'yong tinutukoy ko eh."

"Eh, ano ba 'yon?"  Tanong niya at ibinulong ko naman sa tainga niya ang sagot dahilan upang lumaki ang mga mata niya sa gulat.

"Ano, payag ka ba?"  Dito ko malalaman kung seryoso ba si Jen sa sinabi niyang nakahanda siyang sundin ang gusto ko.  "Beh, mahal na mahal kita.  Pangako, ikaw na ang magiging huling at nag-iisang babae sa buhay ko.  Kaya sana pumayag ka, mahal mo rin naman ako 'di ba?"

Medyo nalulukot na ang mukha ni Jen habang pinakikinggan ang sinasabi ko.  Kita-kita kong nag-aalinlangan siya.

"Bakit ang tagal mong sumagot?  Ayaw mo ba?"  Tanong ko uli sa kaniya.

"Beh, mahal din naman kita eh.  Pero kailangan ba talaga nating gawin 'yon?"

"Wala namang masama doon ah at maraming magkarelsayon na ang gumagawa no'n."

"Oo alam ko 'yon, pero..."

"Bakit, hindi ka pa ba sigurado sa'kin?  Ako kasi siguradong-sigurado nang ikaw lang nag-iisang babae sa buhay ko."  Seryoso kong sinabi saka hinawakan ng mahigpit ang kamay ni Jen.  "Please, pagbigyan mo na 'ko."



Jennifer

"Hindi ba masakit 'to?"  Tanong ko habang nakahiga.

"Masakit, pero tiisin mo."

Huminga ako ng malalim.  "Kinakabahan ako."

"Huwag kang kabahan.  Ano?  Umpisahan na ba natin?"

Tumango ako bilang sagot sa tanong hanggang sa magsimula na siya. 

"Aaaah!"  Sigaw ko dahil masakit pala talaga lalo't first time ko ito.

---

"Nandito na po ako."  Sabi ko pag-uwi ng bahay saka nanlalatang naupo sa sofa.

"Anak, bakit ganiyan ang hitsura mo at para bang  hinang-hina ka.  Masama ba ang pakiramdam mo?"  Tanong ni Mama.

"Wala po akong sakit Ma.  Napagod lang po ako."

"Bakit ka naman napagod, anong ginawa mo?"  Si Papa naman ang nagtanong.

"Lumabas po kami ni Dustin.  Nanood kami ng sine, kumain sa labas at pagkatapos..."  Nag-alangan akong ituloy ang aking sinasabi.  Magagalit ba sila kung malalaman nila ang ginawa namin ni Dustin?

"At pagkatapos..."  Ulit ni Papa habang nakatingin sa akin.

Napabuntong hininga ako no'ng naalala ko 'yong nangyari kanina.  "Pa, masakit po pala ang magpalagay ng tattoo."

Tinaggal ko ang butones ng aking blouse para masilip nima Mama at Papa ang tattoo ko sa dibdib na walang iba kundi ang pangalang Dustin

Noong una ay nag-alangan talaga ako sa pagpapalagay nito pero ginawa ko pa rin para lang mapaligaya ko si Dustin na nagpa-tattoo naman sa dibdib niya ng pangalang Jennifer.

Bago matulog ay nakipag-telebabad muna ako kay Dustin, na-miss ko kasi siyang kausap eh.

[Hindi ka pa ba inaantok?  'Di na may pasok ka pa bukas.]

Tanong ni Dustin dahil mag-iisang oras na pala kaming nag-uusap dito.

"May'ron.  Ikaw inaantok ka na ba?  Gusto mo na bang i-end ang call?"

[No.  Okay lang sa'kin kahit abutin tayo ng umaga dito.  Ikaw ang inaalala ko, baka inaantok ka na.]

"Hindi pa 'ko inaantok eh, usap pa tayo."

[Sige na nga, may itatanong na lang ako sa'yo.]

Umayos ako ng pagkakaupo sa kama.  "Sige, anong tanong mo?"

[Ano ang gagawin mo kapag iniwan kita?]

"Huh, bakit mo naman ako iiwan?"  Worried kong sinabi kahit na alam kong isa lang 'yong random question na malayo sa katotohanan.

[Let's say namatay ako o kaya, tuluyan na kitang ipinagpalit sa iba?  Anong gagawin mo, 'pag gano'n?]

"Nakakainis ka, bakit ganiyan ang mga tanong mo.  Next question na nga." 

[Magpapakamatay ako.]

Seryosong sinabi ni Dustin mula sa kabilang linya.

[Kung ako ang tatanungin ng tanong na 'yon, Kapag dumating ang araw na iwan mo ako.  Either sumama ka sa iba or mamatay ka, isa lang ang gagawin ko, magpapakamatay ako.]

"Huy, huwag ka ngang ganiyan.  Huwag mong gawing biro ang suicide.  Hindi maganda." Giit ko.

[I know, kaya huwag mo 'kong iiwan ha.  Dahil kapag iniwan mo 'ko ay para mo na rin akong pinatay.  Kaya kung ayaw mong maging kriminal, huwag mo 'kong iiwan okay.]

No'ng gabing iyon ay mahimbing akong nakatulog dahil minsan pa ay napatunayan ko kung gaano ako kamahal ni Dustin.

When Mr. Gorgeous is JealousWhere stories live. Discover now