Chapter 35

59.4K 1.5K 41
                                    

Dustin Villaverde

Nakatakda ako ngayong makipagkita kay Dustin Melendez dahil na rin sa kahilingan niya.  Tamang-tama iyon sapagkat nais ko rin talaga siyang makausap.

Pagdating ko sa park ay agad pinakawalan ni Melendez ang kaniyang kamao.  Hindi siya nagsalita, sa halip ay pinaulanan lang ako ng mga suntok.  Kahit isang beses ay hindi ako gumanti at hinayaan lang siyang gawin akong punching bag.

Naalala ko tuloy no'ng mga high school pa kami kung saan ginulpi ko si Melendez sa gym dahil pinaiyak niya ang bestfriend kong si Ashley.  Ngayon, ako naman ang ginugulpi niya dahil sinaktan at pinaiyak ko ang kaniyang bestfriend na si Jen.

Nang makuntento ay huminto na rin si Melendez sabay dukot ng kaniyang cellphone sa bulsa upang tumawag.  "I'm done, bring here the first aid kit."

Panay ang tulo ng luha ni Ashley habang nakaupo kami sa bench at ginagamot ang mga pasa ko. 

"I'm sorry, pinigilan ko siya pero---"

"No need to apologize Ash, cause I deserve this." Tugon ko habang napapangiwi dahil sa hapdi ng aking mga sugat.

"Bakit mo ba kasi ginawa 'yon? Bakit mo niloko si Jen? Bakit ka nagka-girlfriend sa States?"  Sunod-sunod pang mga tanong ni Ash na halatang apektado rin sa mga nangyayari.

"Siguraduhin mo lang na katanggap-tanggap ang rason mo sa lahat ng ito.  Kapag hindi ko nagustuhan ang paliwanag mo, believe me, dadagdagan ko 'yang mga pasa mo." 

"Babe!"  Saway ni Ashley sa boyfriend.  Maya-maya'y binalingan niya uli ako.  "Dustin tell us, why did you do it?  I'm sure may mabigat kang dahilan, tama ako 'di ba?"

Tumigil muna si Ashley sa pangagamot sa akin.  Ako nama'y naupo nang maayos at sinimulan na ang kuwento.  Sinabi ko sa kanila ang mabigat na rason kung bakit ko nagawa ang lahat.

It's my second year here in the States at masasabi kong nasanay na akong tumira dito na kasama si Philip sa iisang bubong. 

Kung may'ron man akong hindi makasanayan dito 'yon ay ang mabuhay ng malayo kay Jen.  Pero alang-alang sa aming future ay kailangan kong magtiis.

Wala akong pasok kaya naisipan kong mag-work out sa rooftop ng tinutuluyan kong apartment.  Dala ang dumbell ay pumanhik ako sa rooftop at doon ay nakita ko ang isang babaeng tila nagbabalak na tumalon.

"Miss what are you doing?"  Tanong ko matapos ilapag ang dumbell.  Lalapitan ko sana siya pero hindi ko na lang ginawa sa takot na baka bigla nga siyang tumalon.

"I want to die."  Sabi niya na halatang problemado sa buhay.  Sinunggaban ko siya agad no'ng magtangaka siyang tumalon.  Mabuti na lang at umabot ako at napiligan siya.  "You jerk!  Let me go!  I want to die!  Just let me die!  Ano ba!" 

Nagulat ako no'ng bigla siyang magsalita ng Tagalog pero nangibabaw pa rin ang awa ko para sa kaniya kaya agad ko siyang niyakap.

"Pag-usapan natin 'to.  Hmm."  Mahinahon kong sinabi at pagkatapos ay naupo kami sa mahabang upuan na narito.  Dito na siya naglahad ng tungkol sa boyfriend niyang namatay daw last month dahil sa motorcycle accident. 

Sa sobrang pagmamahal niya sa lalaking 'yon ay umabot na siya sa puntong nais niya itong sundan hanggang sa kabilang buhay. 

I can't help but to feel sorry for her at bigla kong naisip si Jen.  Kung bigla itong agawin sa'kin nga kamatayan, baka gustuhin ko na ring mamatay.  Pero hindi ko na iyon sinabi pa.

"Your boyfriend won't be happy if you'll commit suicide.  I know that it hurts but you should continue living.  Marami ka pang taong makikilala.  Taong puwede mong mahalin.  Besides taking your own life is a sin."  Payo ko sa kaniya.

When Mr. Gorgeous is JealousWhere stories live. Discover now