Chapter 31

66.5K 1.6K 103
                                    

Jennifer

Si Dustin ang may birthday pero ako ang mas nag-eenjoy sa trip naming ito sa Japan lalo na no'ng pumunta kami sa Sanrio Puroland kung saan na-meet ko ang favorite ko sa lahat na si Hello Kitty.  Bawat kibot ay kumukuha kami ng litrato kaya napuno ng maraming pictures ang cellphone namin.

"Beh, send mo sa akin lahat ng pictures diyan sa phone mo ah."  Request ko kay Dustin habang kumakain kami sa isang restaurant.  Tumango naman siya bilang sagot at saka nagtanong.

"Where do want to go next?" 

"Ikaw, saan mo ba gusto?  Birthday mo, dapat ang lugar na gusto mong puntahan ang puntahan natin at hindi ang lugar na gusto ko.  Alam mo, nahihiya na 'ko sa'yo dahil imbes na ikaw ang pinapasaya ko ngayong birthday mo ay ako 'yong pinapasaya mo."  Pagkasabi ko no'n ay bigla niya akong hinawakan sa kanang pisngi. 

"That exactly is my goal, ang mapasaya ka.  Seeing you happy is the best birthday gift that I could get."  Ayan na naman ang kaniyang mga nakakakilig na salita.  Naiiyak tuloy ako.

"Talaga, I love you beh and happy birthday."

"Thanks, and I love you too."

No'ng sumunod na araw ay namasyal naman kami ni Dustin sa mga Temple at Museum kung saan marami uli kaming naipon na mga pictures sa aming cellphone.

Ang huling araw dito sa Japan ay tinapos namin ni Dustin sa pamamagitan ng pagbisita sa Tokyo Tower.  Mula sa itaas ay napagmasdan namin ang mga magagandang tanawin na pinatingkad ng iba't-ibang kulay ng ilaw mula sa mga gusali.  Ang saya talaga dito sa Japan, sana'y makabalik ako dito balang araw.

Ipinikit ko na ang mga mata ko para matulog na dahil maaga pa ang flight namin pabalik ng Manila bukas.  Pero napadilat akong muli dahil may kumatok.

"Puwedeng patabi?"  Bungad ni Dustin nang pagbuksan ko siya ng pinto.  Bigla namang nanlaki ang mga mata ko sa gulat.  "Huwag kang mag-alala, tatabi lang ako sa'yo matulog.  Wala akong gagawin, promise." 

"Okay."  Sabi ko at pinapasok na siya sa loob ng aking kuwarto kung saan humiga siya agad sa aking kama. 

Papa, matutulog lang po kami promise.

Pagkatapos kong kausapin si Papa gamit ang aking isipan ay humiga na rin ako sa kama nang hindi idinidikit kay Dustin ang kahit anong parte ng aking katawan. 

"Beh."  Sabi ni Dustin sabay tingin sa akin.

"H-ha, b-bakit?"  Nauutal ko namang tugon.

Tinapik niya ang kama sabay sabi ng.  "Come here."

Napalunok ako ng wala sa oras.  Ang sexy kasi ng pagkakasabi niya no'n eh.

"I just want to hug you, please."  Nagmamakaawa ng husto ang mga mata niya kaya wala akong nagawa kundi ang pagbigyan ang kaniyang request.  Lumapit ako sa kaniya at ginawang unan ang kaniyang braso.  Halos malasing ako sa bango ng katawan niya lalo na no'ng hinaplos-haplos niya ang aking buhok.

Promise Papa, hanggang yakap lang po kami. 

Sabi ko uli kay Papa gamit ang isip ko.

"Nag-enjoy ka ba?"  Tanong bigla ni Dustin.

"Sobra, salamat talaga ah.  Siya nga pala, 'yong gift ko sa'yo, gagawin ko pa pag-uwi natin.  Ibibigay ko na lang sa'yo kapag tapos ko na siya."  Sagot ko habang magkayakap pa rin kami.

"Okay, hihintayin ko 'yan.  Nga pala beh, may sasabihin ako sa'yo.  Gusto kong mag-sorry.  Pasensya ka na kung dahil sa'kin ay hindi ka pa nakakapagturo.  Pangako magsisikap ako nang husto.  Gagawin ko ang lahat para mahigitan ang impluwensiya ni Daddy.  Sa ngayon kasi ay wala pa akong kapangyarihan na labanan siya.  Hintay lang at makakapagturo ka rin."  Base sa mga sinasabi ni Dustin ay mukhang alam na niya ang tungkol sa panggigipit sa akin ng kaniyang Daddy.  Paano kaya niya nalaman?

When Mr. Gorgeous is JealousWhere stories live. Discover now