Chapter 28

65.5K 1.5K 64
                                    

Philip

Kahit alas tres nang hapon pa ang dating ni Jen dito sa aking condo ay pinili ko pa ring gumising ng maaga.

Nag-jogging ako sa labas at pagkatapos ay naglinis ng buong unit para naman maging maaliwalas ang paligid at maging komportable ang aking bisita.

Sa sobrang busy ay hindi ko namalayang tanghali na pala. Nag-text ako kay Jen para sabihing susunduin ko na lang siya sa kanila pero tumanggi naman siya kaya hindi ko na pinilit.

2pm na, may isang oras na lang ako para maligo at magpaguwapo kaya nagmadali na ako.

Pagsapit ng 2:45 pm ay narinig ko na ang tunog ng doorbell. Tamang-tama dahil tapos na akong magbihis.

"Hi Philip!" Masiglang bati ni Jen ang bumungad sa akin pagbukas ko ng pinto. Napangiti ako pero biglang nanigas ang panga ko nang makita ko ang mga kasama niya.

"Kayo pala." Sabi ako saka nag-smile kahit napipilitan.

"Hi Kuya!" Ani Pris na agad humalik sa aking pisngi.

"Hi." Bati ko pabalik. "Tara, pasok kayo." Sabi ko at pinatuloy na ang mga bisitang kinabibilangan nina Jen, Kuya Derek, Pris at Dustin.

"Where's the snack." Hirit agad ni Pris pagpasok. At saka ko pa lang na-realize na hindi pala ako nakapag-prepare ng snacks.

"Teka, magpapadeliver ako." Sabi ko saka mabilis na nag-dial sa phone ng food delivery.

"Ano ba 'yan, alam nang may bisita siya, hindi man lang naghanda ng snack." Reklamo pa ni bunso.

"Philip, sorry pala kung hindi ko sinabi sa'yo isasama ko sila dito. Naisip ko silang isama para makatulong din silang pumuli ng picture na isasali mo sa contest. At para na rin makapag-bonding kayong magkakapatid." Sambit ni Jen habang nakangiti.

"Wala 'yon, mabuti nga isinama mo sila eh." Sabi ko na lang kahit ang totoo ay hindi talaga ako natutuwa. Lalo na no'ng makita ko ang pagmumukha ng boyfriend niyang si Dustin.

Okay sa akin na maka-bonding sina Kuya Derek at Pris. Pero itong si Dustin, huwag na uy!

"Ito na ba ang mga pictures na kinuha mo?" Tanong ni Jen patungkol sa benteng mga pictures na nakalatag sa may center table.

"Yeah."

"Ikaw ang kumuha nito Kuya?" Si Pris.

"Ay, hinde." Biro ko kay bunso na nagkunot lang ng noo.

"Mahilig ka pala sa photography? Hindi halata ah." Si Dustin naman iyon na pumunta lang yata dito para inisin ako.

"Gano'n ba? Well, sabi nga ng iba ay mas bagay daw sa akin na ako ang kinukunan ng picture kaysa ako ang taga-picture." Pagkasabi ko no'n ay sabay na napa 'wow' sina Jen at Pris. Habang ito namang si Dustin ay biglang bumusangot.

Ano 'tol, hihirit ka pa?

"I think, this one is beautiful." Sabi ni Kuya Derek na hawak ang isa sa mga picture

"For me, ito. I like it, simple lang pero ang deep ng meaning." Si Pris na may napusuan na ring litrato. "Ikaw Kuya Dustin, anong pic ang napili mo?"

"Ewan." Tugon ni Dustin na kanina pa abala sa kaniyang cellphone. Sana hindi na lang siya sumama dito kung wala naman pala siyang balak magbigay ng suggestion. Ang sarap niyang sipain palabas!

"Ikaw, Ate Jen?" Tanong ni Pris kay Jen.

"This one." Ani Jen saka dinampot ang napiling picture. Napangiti naman ako dahil iyon din ang pictire na first choice ko.

"Ikaw naman ang pumili Kuya Philip. Alin ba diyan 'yong naiisip mong isali?" Tanong uli ni Pris.

"Actually, same kami ng napili ni Jen." Pagkasabi ko no'n ay bigla akong tiningnan ng masama ni Dustin pero binaliwala ko lang. "Akalain mo 'yon, parehas pa tayo ng napili. So I think I'll submit this one."

"Kapag nanalo, balatuhan mo 'ko ah." Sabi pa ni Jen.

"Oo ba, may premyo ka sa'kin kapag nanalo 'yan. Ano bang gusto mo?"

"Ano ka ba, joke lang 'yon." Bawi naman agad ni Jen. "Nga pala, natutuwa ako at naisipan mo nang sumali sa contest. Hindi na mahalaga kung manalo ka o matalo, ang mahalaga ay gagawin mo ito dahil ang photography talaga bagay na magpapasaya sa'yo. Maaring magalit ang Mama mo, pero as long as makita niya na masaya ka, siguro naman magiging masaya na rin siya para sa'yo."

"Ako na lang ang bahalang mag-explain kay Dad kung bakit hindi ka na makakabalik ng Harvard." Sabat naman ni Kuya Derek. "And about your work in the hotel, you can quit anytime para ma-pursue mo ang dream mo. I'm always here to support you. Kung may kailangan ka, huwag kang mahiyang lumapit."

"Talaga, salamat Kuya." Sabi ko at kinamayan pa si Kuya Derek. Mabait talaga siya sa'kin kahit noon pa kaya natutuwa ako sa kaniya. Kay Dustin lang naman talaga ako hindi natutuwa eh.

Maya-maya ay dumating na ang inorder kong pizza at drinks kaya nagkainan na kami habang nagkukuwentuhan.

"Talaga Ate Jen, nerd ka dati?" Gulat na tanong ni Pris. Ang topic kasi ng kuwentuhan namin ay tungkol sa kung paano nag-simula ang love story nina Jen at Dustin.

Sa totoo lang ay hindi ako interesado na marinig ang kuwentong iyon pero dahil sa pangungulit ni Pris ay napilitan na lang si Jen magkuwento.

"Oo, nakatirintas ang buhok ko dati at may suot akong salamin. Wala akong ginawa kundi ang mag-aral lang. Simple at tahimik lang buhay ko, hanggang sa dumating itong Kuya mo at..." Ngiting-ngiti si Jen habang nagkukuwento pero kailangan ko siyang putulin dahil naiinis ako.

"Sana pala sa East Pearl na lang din ako nag-aral no'ng high school para noon pa ay naging friends na tayo." Pagkatapos kong magsalita ay napansin ko na naman ang matatalim na tingin sa akin ni Dustin. Kung nakakamatay lang mga tingin niya ay tiyak na wala na 'kong buhay ngayon.

"Oo nga, baka hindi sila naging Four Gorgeous Men kundi Five Gorgeous Men kapag kasama ka." Dagdag pa ni Jen. Nakakatuwang malaman na gorgeous pala ang tingin niya sa akin. Kung sa bagay, gorgeous naman talaga ako eh.

"Beh, ano ba." Reklamo ni Jen nang bigla na lang siyang yapusin ni Dustin sa baywang.

"Bakit, masama bang yumakap sa'yo?" Pagpapa-cute pa ng loko na ang sarap sapakin sa mukha. Alam nang may minor kaming kasama dito pero nakuha pang mag-PDA.

Ngunit biglang naantala ang PDA nila nang napayukong bigla si Jen.

"Jen, okay ka lang?" Tanong ko na puno ng pag-aalala. Nakita naming lahat na namumutla siya at pinagpapawisan habang nakahawak sa kaniyang tiyan. Tumawag naman agad si Dustin ng ambulansya upang maisugod si Jen sa hospital.

---

Lumabas sa pagsusuri na may Apendicitis si Jen kaya sumalilalim siya agad sa surgery. Ligtas namang natanggal ng mga doktor ang kaniyang apendix at kailangan na lang niyang manatili sa hospital ng isang linggo para tuluyang gumaling.

Nabalitaan kong bukas na makakalabas si Jen ng hospital kaya dinalaw ko siya dala ang trophy na napanalunan ko sa photo contest. Yes, I won that contest at nanalo ang picture na pareho naming napili ni Jen.

Tulog si Jen nang aking maabutan kaya wala akong nagawa kundi ang pagmasdan na lang ang maamo niyang mukha pati na rin ang mapupula niyang labi.

Ang swerte talaga ni Dustin dahil kahit anong oras niya gustuhin ay maari niyang halikan ang mga labing iyon ni Jen. Samantalang ako, hanggang tingin na lang.

Pero teka, bakit naman ako magkakasya sa tingin kung puwede ko namang halikan ang mga labi ni Jen? Tutal ako lang naman ang tao dito eh.

Heto na, malapit nang maglapat ang mga labi namin ni Jen. Kaunti na lang at mahahalikan ko na siya, subalit napahinto ako nang biglang may nagsalita.

"What do you think you're doing?"

When Mr. Gorgeous is JealousDär berättelser lever. Upptäck nu