Chapter 43

59.5K 1.5K 10
                                    

Jennifer

"So, why did you call me out here?  Para ba sabihing ready ka nang ipaubaya sa akin si Dustin?"  Mataray na sambit ni Kara na kasama ko ngayon dito sa cafe.

"Pasensya ka na pero hindi 'yon ang dahilan kung bakit nakipagkita ako sa'yo.  Nandito ako para pakiusapan kang tigilan mo na kami ni Dustin."  Buong pagpapakumbaba ko.  Sa halip na magtaray at awayin si Kara ay mas pinili kong idaan ito sa mahinahong pakiusapan.  Sana lang ay makinig siya.

"Inabala mo ang sarili mo para lang sabihin sa'kin 'yan?  Tigilan ko na si Dustin?  Sa tingin mo ba susundin kita?  I bet, sinabi na niya sa'yo ang lahat.  At malamang ay alam mo na rin kung ano ang kaya kong gawin para makuha ko lang siya uli."

Hinawakan ko ang mga kamay niya at muling nagmakaawa.  "Kara please, don't do this.  Don't even think about hurting yourself again.  Mali 'yon."

Marahas niyang binawi ang kaniyang kamay.  "Yeah, I know na mali iyon.  Pero kung 'yon ang paraan para makuha ko uli si Dustin ay gagawin at gagawin ko pa rin iyon."

Mukhang wala siyang balak sumuko, pero gano'n din ako.  Kung nakahanda siyang gawin ang lahat para kay Dustin, gano'n din ako.  Kahit pa ang maglumuhod sa harap niya.

"What the—"  Utas ni Kara nang bigla ko siyang luhuran.  Ang mga tao sa paligid ay napatingin sa amin.  "Hey, what are you doing?"

"Kara, nakikiusap ako sa'yo.  Pabayaan mo na kami ni Dustin, huwag mo na kaming guluhin."  Muli kong pakiusap kay Kara habang nakaluhod.

"Nababaliw ka na." Sabi niya saka lumabas ng cafe.  Tumayo naman agad ako upang sumunod.

"Kara please."  Sigaw ko habang nakasunod kay Kara na mabilis na naglalakad palayo.  Sa sobrang pagmamadali niya ay hindi na niya namalayan ang padaang motorsiklo na agad bumangga sa kaniya.

Tumakbo ako para lapitan si Kara na agad tinakasan ng nakabangga sa kaniya.  Nag-panic ako ng husto nang makita siyang walang malay at duguan ang ulo.  Pumara agad ako ng taxi para dalhin siya sa hospital.

---

"Okay ka na ba?"  Tanong ko kay Kara na may'rong sugat sa ulo at braso.

Dahan-dahan siyang bumangon at umupo sa kama.  "Bakit mo 'ko tinulungan?  Karibal mo 'ko 'di ba?  Bakit inabala mo pa ang sarili mong dalhin ako rito sa ospital. Sana pinabayaan mo na lang aki."

"Sorry, pero hindi ko yata magagawang basta na lang iwan ang isang taong walang malay sa kalsada matapos itong masagasaan.  Ikaw, kaya mo ba 'yong gawin?  I'm sure hindi rin 'di ba?  Iyon ay dahil tao tayo na alam kung ano ang dapat at hindi dapat gawin." Tugon ko at agad namang kumunot ang noo niya.  "Nga pala, tinawagan ko ang Mommy mo at ang sabi niya ay parating na siya.  Pagdating niya saka ako aalis."

"Ngayon ka na umalis dahil hindi kita kailangan."  Walang kapagurang pagtataray niya.

"Hindi, mamaya na lang pagdating ng Mommy mo."  Giit ko.  "Baka may gusto kang kainin or inumin, puwede kitang ibili sa labas.  Pero siyempre, pera mo." 

"Bingi ka ba, I said leave.  I don't need any help.  Just leave!"

"Kara, anong nagustuhan mo kay Dustin?"  Sa halip na umalis ay naisipan ko na lang na itanong iyon.

"What do I like about him?  Well, first of all, he's good in bed."

"Sorry ah, pero hindi ako naniniwala.  Ang sabi niya ay wala naman daw nangyari sa inyo." 

"Ah talaga?  At naniwala ka naman? Kung walang nangyari sa amin bakit ko alam na may burn scar siya?  Ibig sabihin no'n, I've seen him naked at dahil nga sa may nangyari sa'min." 

When Mr. Gorgeous is JealousWhere stories live. Discover now