Chapter 20

58.5K 1.4K 33
                                    

Jennifer

Naguguluhan ako sa mga nangyayari kaya hindi ako agad makapagsalita.  Una, paano nalaman ni Dustin kung nasaan ako? Pangalawa, bakit galit na galit siya at pinagbibintangan pa akong nanloloko?

Sasagot na sana 'ko pero hindi ko nagawa dahil biglang nakialam si AJ.  Inalis niya ako mula sa mahigpit na pagkakahawak sa akin ni Dustin.

"Sandali lang bro, anong problema mo? Why are you accusing her of cheating?  Wala kaming ginagawang masama.  Isa pa, pumayag kang lumabas kami, bakit ngayon nanggagalaiti ka?!"  Paliwanag ni AJ habang pinapahid ang dugo sa bibig niya na sinuntok ni Dustin.

"Ga*go ka ba?!  Anong pinagsasabi mong pumayag akong lumabas kayo?! Hindi ka pa ba nadala no'ng huli nating pagkikita?!"  Umamba uli ng suntok si Dustin pero hindi iyon tumama dahil naharang iyon ni AJ at saka ito gumanti ng suntok.

Kung kanina ay hinahayaan lang ni AJ na suntukin siya ni Dustin, ngayon ay lumalaban na siya.  Sigaw ako ng sigaw para awatin sila pero hindi sila nakikinig at tuloy lang sa pagsusuntukan.  Maya-maya pa ay biglang dumating si Faith mula sa kung saan.

"Oh, my God!  What's happening?!"

"Tulong Faith, awatin natin sila."  Paghingi ko agad ng saklolo sa kaniya.

"Wait, I'll call the security."  Umalis saglit si Faith at pagbalik ay may bitbit na siyang dalawang guwardiya na agad nagpahiwalay kina Dustin at AJ.

Lalapitan ko sana si Dustin pero pinigilan niya akong lumapit sa kaniya, pero no'ng si Faith ang lumapit ay hinayaan niya lang.

"Oh my gosh Dustin, are you okay?"  Alalang tanong ni Faith kay Dustin na para bang siya ang girlfriend.  Pagkatapos no'n ay tiningnan niya kami ni AJ ng kakaiba.  "So, the cheaters has been caught."

"Miss Ate ni Freedom, please lang, huwag kang makisali dito."  Banat ni AJ.

"Yes, I am Freedom's big sister, but my name is Faith, you moron!"  Naiinis na tugon ni Faith.  "Ang lakas naman ng loob mo, kayo na ngang dalawa ng babaeng 'yan ang gumagawa ng kalokohan, si Dustin pa ang bubugbugin mo!"

Gusto kong magsalita pero naunahan na naman ako ni AJ.

"Shut up!  Dustin, huwag kang maniwala sa babaeng 'yan.  Wala kaming ginagawang kalokohan ni Jen.  Lumabas kami ngayon ni Jen, because its my birthday.  Bakit hindi mo tingnan ang cellphone mo, baka kasi nakakalimutan mo nang pumayag ka sa farewell date na 'to eh."  Giit pa ni AJ pero tiningnan lang siya ng masama ni Dustin. 

"Dustin, please, 'di ba nagpaalam naman ako sa'yo na lalabas kami, at nag-okay ka naman 'di ba?  At hindi totoo ang sinabi ni Faith, I never cheated on you.  I never did and I will never will."  Pagmamakaawa ko ng husto.

"Ah, talaga?! Kaya pala ang sarap nang pakikipaghalikan mo sa ugok na 'yan!" Magwawala na naman sana si Dustin kung hindi lang siya inawat no'ng guard.  Ako nama'y napatakip na lang ng aking bibig.  Paanong nalaman ni Dustin ang tungkol sa halik?

"Beh, please..."  Nagtangka uli akong lumapit kay Dustin pero umatras lang siya. 

"What?  You'll keep inisiting that you never cheated?  You went out with him behind my back and you f*ckin'kissed him!"  Sigaw ni Dustin habang namumula na ang mukha sa galit. 

"Please, maniwala ka sa'kin.  Mahal kita, hindi kita magagawang lokohin."  Umiiyak na ako habang pilit na niyayakap si Dustin pero lagi niyang hinahawi ang mga kamay ko.  Tulad ko ay patuloy din ang pagbuhos ng mga luha niya. 

Ginawa ko ang lahat ng aking makakaya para pigilan si Dustin na sumakay ng kotse pero hindi ako nagtagumpay.  Pag-alis niya ay umalis na rin ang mga guwardiya kaya naiwan kaming tatlo nina Faith at AJ dito sa parking.

When Mr. Gorgeous is JealousWhere stories live. Discover now