Chapter 48

59.1K 1.4K 36
                                    

Dustin Villaverde

Kahit mahirap ay pinandigan kong huwag munang magparamdam kay Jen. Hindi ko siya tine-text o tinatawagan. Hindi rin ako nagre-reply sa mga texts at tawag niya. Huminto na rin muna ako sa pagpunta sa school para sunduin siya. Sa gano'ng paraan, baka ma-miss niya ako.

Gusto kong ng kausap kaya sa halip na umuwi ay naisipan ko munang dumaan kina Ashley. Naabutan ko siya roon na abala sa pagluluto habang pinapanood ng fiance na si Melendez.

"Oh, bes. Tamang-tama ang dating mo, malapit nang maluto itong adobo ko. Dito ka na mag-dinner ah." Bungad ni Ashley na may suot pang makulay na apron. Ngumiti lang ako saka naupo sa may counter katabi ni Melendez.

"Basta ba siguraduhin mong makakain 'yang niluto mo." Hirit ko. Bilang bestfriend ni Ash, siyempre alam kong hindi siya marunong magluto. Natatandaan ko pa na sa tuwing sinusubukan niyang magluto dati ay disaster ang kinalalabasan.

"Kinakabahan na nga 'ko pare eh. At buti dumating ka, at least may karamay ako sa pagkain ng lulutuin niya." Sabay tawa ni Melendez.

"Alam niyo, grabe kayo." Napasimangot si Ashley. "Inaaway niyo 'ko ah, dahil diyan, wala kayong second plate."

Natawa na lang kaming dalawa ni Melendez. Maya-maya pa ay biglang nag-ring ang cellphone ko.

"Ignoring your girlfriend's call huh?" Ani Melendez na sumilip pala sa cellphone ko kaya niya nalamang si Jen ang tumatawag na hindi ko man lang sinagot. "Nakuwento niya sa'kin na nagkatampuhan kayo dahil sa lagi niyang pagdalaw kay Philip at hindi mo nga raw sinasagot ang mga texts at tawag niya sa'yo."

"Mali ba ang ginagawa ko?" Tanong ko.

"Oo naman, mali ka!" Utas ni Ashley at napatingin naman kami ni Melendez sa kaniya. "Bakit ba kasi, hindi mo na lang siya intindihin? Ano bang masama sa pagdalaw kay Philip?"

"Walang masama sa pagdalaw kay Philip, ang ikinasasama ng loob ko ay 'yong mas inuuna pa niya si Philip kaysa sa'kin. Ni hindi niya ako sinipot sa sinehan last week. Tinext ko siya na hinihintay ko sa sinehan, hindi man lang siya dumating." Giit ko naman.

"At tinitiis mo siyang i-ignore nang dahil lang diyan? Sabihin na nating, may mali rin siya doon, hindi ba puwedeng patawarin mo na lang siya? Ikaw nga, pinatawad niya sa pangtu-two time mo eh."

"Huy, babe." Saway ni Melendez kay Ash na naupo naman sa harap ko.

"Sabihin mo nga Dustin, sino ba ang girlfriend mo? Ang girlfriend mo ay Miss Jennifer Asuncion, isang taong mabait, mapagmalasakit at mapagmahal sa kaniyang kapwa. Hindi ka dapat magalit kung maging concern man siya para sa kalagayan ngayon ni Philip dahil natural para sa kaniya ang maging gano'n. Mas magalit ka kung pababayaan niya si Philip. Dahil sa oras na mawalan siya ng concern sa ibang tao, ang ibig sabihin no'n ay wala na siyang puso. Anong klaseng girlfriend ba ang gusto mo? 'Yong may puso o 'yong walang puso?" Mahabang litanya ni Ash na infairness, may point lahat.

"Siyempre, mas gusto ko ang girlfriend na may puso." Sagot ko naman.

"'Yon naman pala eh. Eh 'di tapusin mo na ang pagtatampururut mo diyan at makipag-ayos ka na sa beh-beh mo." Sabi ni Ash saka siya tumayo. "Luto na 'yong Adobo ko. Kain na tayo."

"Huwag na, kakakain ko lang sa labas eh. Busog pa 'ko. Sige na guys, una na ako. Ash, salamat sa payo." Sabi ko at nagmadali nang umalis. Sa totoo lang ay hindi ko mawari kung adobo ba talaga 'yong niluto ni Ash dahil hindi naman gano'n ang naamoy ko.

Jennifer

Hindi ko na kaya. Sobrang nahihirapan na ang kalooban ko sa ginagawang pag-iwas sa akin ni Dustin. Ni isa sa mga tawag at text ko ay hindi niya sinagot. Ni anino niya ay hindi ko na nakikita. Hanggang kailan ba niya ako titiisin ng ganito?

When Mr. Gorgeous is JealousWhere stories live. Discover now