Chapter 50

59.1K 1.5K 96
                                    

Jennifer

Hindi ako ang ikakasal pero mas excited pa ako kay Ate Neri na kasalukuyang inaayusan ni Ashley dito sa loob ng hotel.  Kasama rin namin dito si Pris at 'yong mga abay.

"Ate Ash, ang ganda po no'ng gown."  Komento ni Pris patungkol sa wedding gown na suot ng bride na isa sa mga obra ni Ashley.  

"Oh 'di ba, kaya kapag ikakasal ka na, sa akin ka magpagawa ng gown ha." Sabay kindat pa ni Ashley kay Pris.

"Matagal pa 'yon Ate, pero sige, ikaw ang kukunin kong designer ng wedding gown ko someday." 

"Ikaw din Jen ha, ako ang kunin mong designer ng pangkasal mo." Ani Ashley na nakatuon ang pansin sa pagkikilay kay Ate Neri.  Napangiti na lang ako bilang tugon.

Ilang sandali pa ay natapos na ring ayusan ni Ashley si Ate Neri at pagdating ng photographer ay nag-pose na kami para sa picture taking.

"Sayang, kung wala lang problema ang mata ni Philip, baka siya ang photographer natin."  Sabi ko.  "Nga pala Ate Neri, sinong nagbabantay ngayon kay Philip ngayong nandito ka?"

"Si Joy ang kasama niya ngayon.  Pero sa totoo lang ay hindi naman na kailangan ni Sir Philip ng bantay eh, dahil nakakakita na siya."  Pagkasabi no'n ni  Ate Neri ay biglang nanlaki ang mga mata niya na para bang nadulas lang ang mga salitang iyon sa bibig niya.

"Ano po 'yon Ate Neri?  Nakakakita na si Philip?"  Tanong ko kay Ate Neri na hindi naman agad nakasagot.  "Ate, magsalita ka.  Totoo po bang nakakakita na si Philip?" Tanong ko uli at sa pagkakataong ito ay tumango na si Ate.

Hindi lang ako ang nagulantang doon kundi pati na rin sina Pris at Ashley.

"Dalawang linggo na buhat ng matuklasan ko 'yon.  Sorry Jen, nagbanta siyang ipapatanggal ako sa trabaho kapag nagsalita ako."  Sambit ni Ate na halatang nakokonsensya sa ginawang paglilihim.  Hinawakan ko ang magkabila niyang balikat.

"Okay lang 'yon Ate, kalimutan mo na 'yon.  Ngumiti ka na, kasal mo ngayon kaya dapat nakangiti at maganda ka."  Sabi ko habang nakangiti.  Minabuti ko namang kalimutan muna ang tungkol kay Philip para makapag-focus sa kasal.

Kinabukasan ay pinuntahan ko Philip sa condo niya, hindi para dalawin kundi upang tanggalan siya ng maskara.  Una ay inutusan ko muna ang bantay niyang si Ate Joy na lumabas para ibili kami ng meryenda.

Nang maiwan kaming dalawa ni Philip ay inumpisahan ko nang gawin ang plano. 

"I'm glad that you came.  Ilang araw ka rin kasing hindi bumisita eh."  Sabi ni Philip habang nakaupo kaming dalawa sa sofa.

"Sorry ah, busy kasi ako sa school eh.  Pero 'di bale, malapit na rin namang matapos ang school year eh.  Kapag bakasyon na, magiging madalas na ang pagbisita ko rito."  Sabi ko habang tinitingnan ng mabuti si Philip na diretso lamang ang tingin.  Kung hindi pa sinabi ni Ate Neri ang totoo ay iisipin ko talagang bulag siya dahil ang galing niyang magpanggap na hindi nakakakita.

"Jen, nandiyan ka pa ba?  Bakit bigla ka yatang tumahimik?"  Tanong niya.  Hindi naman ako nagsalita at sa halip ay humawak ako sa aking tiyan at nagkunwari akong sumasakit iyon.  "Jen, anong nnagyayari?"

"Ang sakit ng tiyan ko, please dalhin mo ako sa hospital.  Hindi ko na kaya."  Ginawa ko ang lahat para magmukhang namimilipit na ako sa sakit.  Hindi naman nag-atubili si Philip at agad siyang pumunta sa telepono upang mag-dial.  Doon pa lang ay bistado na siya.

"Hello, please magpadala kayo ng ambulansiya dito sa—"



Philip

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil biglang namatay ang linya.  'Yon pala ay may pinindot si Jen sa phone at pagkatapos ay tiningnan ako ng masama.

"Wait, akala ko ba..."  Nagtataka kong sinabi dahil kanina lang ay namimilipit si Jen sa sakit pero ngayon naman ay mukhang ayos na siya.

"Huwag ka ng tumawag ng ambulansya dahil wala naman talagang masakit sa'kin.  Tulad mo, na hindi naman pala talaga bulag."  Sambit niya na punong-puno ng galit ang mga mata.

"Jen, I'm sorry..." Sinabukan ko siyang hawakan pero agad siyang lumayo.

"Maniwala ka, natutuwa ako dahil nakakakita ka na.  Pero hindi ako natutuwa sa ginawa mo." Sa hitsura pa lang niya ay halata ngang hindi siya natutuwa.  "Binura mo ba 'yong text sa akin ni Dustin na hinihintay niya ako sa sinehan?"

Pati pala iyon ay natuklasan na ni Jen.  Ano nang gagawin ko?

"Bakit Phìlip, bakit mo nagawa 'to?"  Tanong ni Jen habang may namumuong luha sa mga mata niya.  "Alam mo bang araw-araw kong sinisisi ang sarili ko sa pagkabulag mo.  Gabi-gabi hindi ako makatulog dahil pakiramdam ko ay sinira ko ang buhay mo.  Pati ang relasyon namin ni Dustin muntik na ring masira dahil sa panloloko mong ito.  Bakit Philip, masaya ka bang makita na nagmumukha akong tanga sa pag-aalala sa'yo?"

"No!"  Napahilamos ako ng mukha.  "Alam kong mali, pero nagawa ko lang 'to dahil mahal na mahal kita."

"Kasama ba sa pagmamahal mo ang manloko at magsinungaling?"  Sumbat pa ni Jen sa akin na halos ikadurog ng puso ko.  "Hindi mo ba naisip na ang lahat ng bagay ay may hangganan, na walang lihim na  hindi nabubunyag, na hindi lahat ng bagay at tao na gusto natin ay puwede nating makuha?  At ang pag-ibig ay hindi natin puwedeng ipilit?"

Para akong nahimasmasan sa huling sinabi ni Jen.  Tila isa 'yong malakas na sampal na tumama sa mukha ko upang gisingin alo sa katotohanang hindi niya ako magagawang mahalin na tulad ng pagmamahal ko sa kaniya.  Masakit, hindi ko ito kayang tanggapin.

"Dahil sa ginawa mong ito, hindi ko na tuloy magagawa kahit pa ang maķipagkaibigan sa'yo.  Pasensya na Philip, pero ito na ang huling beses na makikita mo 'ko."  Matapos magsalita ay tuluyan nang umalis si Jen.  Sinundan ko siya palabas kaya nakita ko si Dustin sa labas ng unit na mukhang kanina pa doon.  Ibig sabihin, pinagplanuhan nilang gawin ito.

"Kumusta bro."  Sarkastikong sinabi ni Dustin.  "Akala mo siguro ikaw lang ang marunong manloko 'no?  Idea ko nga pala 'yong magkunwari siyang may sakit para ikaw mismo ang magbisto sa sarili mong kalokohan.  Ang talino 'ko 'ba?" 

"Dustin, tara na." Ani Jen habang nakakapit kay Dustin.  Aalis na sana sila pero hindi nila nagawa dahil bigla kong hinila ang kamay ni Jen.

"Jen please, mag-usap muna tayo." Pagmamakaawa ko subalit agad naman sinuntok ni Dustin kaya bumagsak ako sa sahig. 

"Oh my gosh!" Boses iyon ni Liza na kararating lang at agad na lumapit sa akin.  "Philip, okay ka lang?" Galit niyang binalingan sina Dustin.  "Anong problema mo ha?  Gusto mong tumawag ako ng pulis para ipakulong ka.  Hindi tamang nanakit ka, bulag na nga 'yong tao, gugulpihin mo pa!"

"Hindi 'yan bulag at hindi 'yan tao!" Buwelta ni Dustin na ikinagulat naman ni Liza.  "Dahil walang matinong tao ang magpapanggap na bulag para lang makuha ang girlfriend ng sarili niyang step brother."

Masakit man subalit wala na akong ibang nagawa kundi ang panoorin na lang ang unti-unting paglayo sa akin ni Jen habang hawak ang kamay ni Dustin.

When Mr. Gorgeous is JealousWhere stories live. Discover now